Saturday, October 20, 2012

Cage of Eden

Hellow! Kamusta ang weekends? Ui, sale sa malls here sa metro manila so, nakapamili na ba you? Binilan nio ba me? charowts. 

Heniway, kung napapansin nio, pero malamang hindi, ay hindi ako daily nagbloblog. Medyo pre-occupied ng slights kasi ako. You know, minsan lumalabas ang pagiging patay na bata ko kaya naman walang ginagawa at nganga mode.

Pero this week, ang main reason why i'm busy ay nagmamarathon ako ng pagbabasa ng manga. Oo, nagreread ako ng japanese comics. At ito ang aking ibibids for today, ang Cage of Eden.


Ang plot ay ganire, merong High School Class na nasa leaving on a jetplane at papauwi na galing sa susyalistang trip nila from Guam. So all aboard ang peg ng mga kiddielets sa plane when suddenly nag crash ang eroplano nila somewhere sa pacific na puro tubig. Pero, hindi sila sa karagatan bumagsak. Apparently bumagsak sila sa unknown island.

Walang namatay sa crash. Pero-pero dito na magsisimula ang adventure. Kasi sa isla o lugar na pinagbagsakan nila, nabubuhay ang mga extinct creatures. Yung mga ninuno ng mga common animals na may pagka-wild ang drama. So survival mode to.

Pero di lang yown, sa 300 na pasahero ng plane, isa-isa din namamatay at natetepowk na parang lamowk kasi yung iba napapatay ng mga hayup at yung iba naman ay pinapatay ng mga taong tila naging hayup!

And so tatakbo ang story sa bidang guy na one by one ay makakakita ng kakilala at unti-unting lalago ang numbers nila. Sama-sama at kapit-bisig para makaligtas at makatakas sa dangers at sa pagtuklas ng mysteryo ng kinabagsakan nila.

Di ko alam kung may ending ang manga na to or currently updating. Basta. masayang basahin kasi parang survivor/ battle royal ang peg. Ikombo mo pa ang medyo may pagka-sexy kasi may category na ecchi ito. hehehe.


O cia, hanggang dito na lang muna. I'm still busy reading. Take Care.

6 comments:

  1. wag madaliin dahil nakakainip mag-hintay ng update. lol

    ReplyDelete
  2. nagulat ako sa last pic. hahaha

    ReplyDelete
  3. haha balit kaya pag japanese lage my sexy content

    ReplyDelete
  4. wahahaha naloka ako sa mga hubad na merlat! kulit talaga ng mga manga!

    ReplyDelete
  5. Mukhang promising. Kakaiba yung istorya. May chicks pang nakahubad. Sana may animation na sya! Hehe

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  6. ayon sa mangatraders.com ongoing itey weekly ang release then syempre pati scanlation ongoing.

    anyway..idaDL ko na sana kaso shounen pala kaya wag na lang tapos ecchi pa naku di ko bet makasmut at josei ako eh wahahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???