Thursday, October 11, 2012

Fabulous 30

Kamusta? Tarsday na mga folks at nalalapit na ang inaasam-asam na weekends! Adbans congratumalations! Ako,mayang gabi, day 1 of 5 so meaning back to work ang peg. 

Kahapon, nakapagsingit ako sa boring life ko na manood n dvd. E kasi olats dito sa new place, anchaka ng signal ng tv, kahit local channels, di makakuha ng magandang resepsyon, nasa pork plor na kami ah at kahit nilagyans na ng indoor anchena!

Well anyway, back to the wents, so nakanood nga me ng dvd at ito ang featured peliks for today... ang pelikula na may namesung na Fabulous 30.



Ito ay magsisimula sa isang thai girl na nag-papartey-partey sa kanyang balur kasama ang friends. Aba, pa-exit na pala sya ng roman calendar dahil nasa age 31 na sya. Partey mode kasama ang mga 30ish girlfriends ang peg.


Then malalaman sa istorya na nakipag-cool-off ang boylet niyang piloto. Di daw official break up just wanna have time, space, air, universe ang arte ni guy. So medyo depress-depressan ang lola kahit boitdei nia.

Then merong isang yuppie-yummie boylet na fresh na fresh kasi nasa age 24 pa lungs daw ang ementer sa scene kasi friendship nia yung isa sa kasamang nagpapatey na may gusto pala kay girl.


Nalasing si girl dahil di makaget-over! Boom! Walang nangyare! hahaha.akala niomerong seksena? wala. Wholesome po ang peliks.

Then for the neks day tila stalker mode si young boylet at mega sunod sya kung saan papunta si girlay. Grabe ang pag-e-ei-for effort ni boylet para mapansit.

Hindi naman agad-agad bumigay si girl. Kasi una, may age gap sila kung papatusin nia at kakagatin si young boy. So no-no-no ang sabi ng braincells nia kahit ang puks este puso nia ay mega heartbeat runnin away, beating like a drum and it's coming your way... (super bass?).

E syemps, sa ilang mga kilig-kilig pipi na flirtation at pbb teens moment ni young boy, nahuhulog na si girl sa kanya. Kaso kaso kaso.... boom.... eeksena pabalik ang jowaers ni girl na piloto at humihingi ng another chance?

So torn between two lovers si girlay at magdedecide kung kay age-level pilot guy or kay yummy-fresh-na young boylet.

At dito ko na ititigil ang synopsis. Wahahaha. Wag mag-assume na iwewento ko lahat ng detalye. :p

Okay yung peliks na tumakbo ng almost 2 hours. Nag-enjoy ako at di napa-pindot sa remote para magfast-forward ng eksena.


Bibigyan ko ng 8.5678 na score. Sakto, romantic pero may comedy pero hindi overly dramatic. Kakilig-kilig na parang patapus na ang pagwiwi. hahaha. Tama ang timpla, parang pop cola. lols.

Pero i don't know, does age really matter sa mga folks? Like, it's just fucking 7 years age gap. Di mala madam auring at boylets ang peg e. hahaahah

O cia, hanggang dito na lang muna. Tekker!

note: ang mga larawang ginamit ay di ko po pagmamay-ari. salamuch.

10 comments:

  1. wow gusto ko manuod nito .. availble ba to online?

    ReplyDelete
  2. ay perfect sa akin to, lalo na at fabulous ako at 30 na hahaha :)

    ReplyDelete
  3. uy another good movie review... sana lang hindi magpasaway tong internet ko. balak kong panoorin yan :)

    ReplyDelete
  4. natatawa ako sa lingo mo. kailangan pa talaga ng malalim na pag-iisip. :))

    ReplyDelete
  5. may putal pa ha hahah
    nice nice mukang mganda ung plot ee gwapo nmn nung guy para maging stalker

    ReplyDelete
  6. Kamukha nung lalake na naka-side bangs sa unang picture si Kurog. LOL. :P

    ReplyDelete

  7. mukhang ok ang movie. mga feel good feel good ang peg hehehe

    ReplyDelete
  8. ayos sa score bro! napaka precise, :) yung point 0.0001 talaga ang difference, at naconclude ko na worthy siya na film :)

    ReplyDelete
  9. ang dami kong tawa! galing mo talaga magdescribes! XD

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???