Saturday, April 20, 2013

Kaizoku Sentai Gokaiger

Hembak! Kamusta na mga ka-khanto?! Oks naman ba ang inyong weekends? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayans. Ako? Well, kababalik ko lungs sa bakasyones. Saka na ang wento doon. For the meantime, share ko ang aking nipapanoods lately.

Natatandaan nio ba yung peliks na nawento ko last time about sa labanan ng Super Sentai at ng mga Kamen Riders? Well, basa-basa din pag hindi. hahaha. Well, related to doon.

Ang currently minamarathon ko ay etong Gokaiger. Ito ang 35th Sentai show na mula sa Japan. Oo, 35th! Ibig sabihin ganun na katagal running ang sentai show sa japs.


Ganto kasi yown.... may ganap pala na war last time at nagsama-sama ang past 34 sentais. Tapos anyare, nawala ang powers nila. Tapos kumalat somewhere sa kalawakan.

Then eenter the dragon tong 5 folks from a different planeta na nakolekta ang ilan sa mga sentai powers at nagpunta sila sa earth para hanapin yung great treasure kasi sila ay pirata (hindi yung suking tindero sa quiapo ha).

At dito na may ganap ang 5 heroes sa earth kung saan kumakalaban sa masasama. Magtratransform. Mapapatay ang kalaban. Palalakihin ang monster. tatawagin ang robot at papatayin ulit ang kalabs.

Pero what's different sa Gokaiger? Hindi nakakasawa yung labanan portion kasi dito ay nagpapapalit-palit sila from different Sentai versions. So di gaanong nakaka-umay at medyo naiinform ka ng mga dating shows na hindi mo naabutan or di mo alams. :D

O cia, hanggang dito na lang muna. Busy pa sa pagmarathon! TC folks!

4 comments:

  1. haha dati adik na adik ako sa ganyan eeh!
    lalo sa power ranger halos lahat ata napanuod ko na

    ReplyDelete
  2. maskman fiveman at bionman lang ang alam ko eh hehe. ung power rangers naman ung mighty morphin lang ang gusto ko.

    ps.

    pasenxa na medyo di yata ako nakakacomment lagi sa posts mo. umi-emo kasi ko hahaha. pero lagi naman akong bumibisita pramis yan.

    ReplyDelete
  3. pansin ko lang, yung mga bagong zords ngayon kapag nagkombine mukang ewan lang.

    ReplyDelete
  4. so ibig bang sabihin nyan eh may mga episodes sila na pwede kong makita ang Maskman, Bioman, Fiveman at Turbo Rangers?

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???