Thursday, April 11, 2013

The White Rock Summer Adventure 2013

Kamonbamanos.... ebribadi lezgo! JumoJora di explora lungs. Haler folks! Kamusta? Tigil muna sa mga flashback from the past at magwewents muna me ng kaganapan last weekend.


Nahati ang restday ko last week at dis week para mag-giveway sa weekend Summer Outing sa kumpanyang pinagtratrabahuhan ko. At based sa mga previous anik-anik random post, nawento ko na sa Subic ang fly namin...... back to White Rock Beach Resort kami.


Sa opis na me natulog kasi excited me noong friday..... char lang. 4pm-1am kasi me nung friday at 5am ang pers bus papuntang subic kaya pinagsiksikan ko sarili ko sa jampak na sleeping quarters sa owpis at naglatag ng kutson sa sahig (pulubi mode).

By 5am naggora na kasama ang mga ka-team at sakay na kami sa venga bus ng Victory Liner na nirentahan ng opisina. Inisnab ko yung foodie na kasama kasi inaantoks pa me at deadma ang wifi kaya for 2 hours na byahe, nakapikits ang mata kow... Kahit nag-stop-over, deadmakels!: p

Pagdating ng Subic, register mode na at kinuha ang shirt na kasama. Bumunot din sa pa-raffle dahil umaasang manalo ng free jetski ride or banana boat ride. Kaso, mukang me-balats.... ice cream lungs nakuha kow.

By 9:30, nagsimula na yung first set ng games. Nakagroup kami by 4 teams, may green, pink, yellow and blue. Tapos sa pers part may facepainting chuvaness. And so ito ang naganap sa mukha ko. Sa tulong ng ka-team, may gumawa ng aking peslaks. (photo mula kay spiderhamm[yung may watermark])






At dahil dyans... nakapuntos kami sa pers round.... Pero hahhahaha. sablay sa mga sumunod na games. Tas merong moment na kakalibutan ko at ibabaon ko sa limots..... eto ay ang lecheng paghaharlem shake.... Maygawd... gusto kong matigoks sa kahihiyans.... eeeww....ewwww.

After ng ilang games, kain-kain din pag may time. Well, sa gutom ay wala ng picture...picture.... Kain lang ng kain hanggang mabusogs.

May game pa after lunch kaso sa inet ng araw na tiriks na tiriks na parang mga pototoys sa porn films, tinamad me na makijoin. hahaha. Mahirap matusta sa arawans.

Pagdating ng hapons, check in na sa room. Pahinga-pahinga saglits. Tapos free time na. Pedeng magswimming, mag-beach bumming, Table tennis, bowling, zipline (free langs) or makisawsaw sa mga nanalo ng Jetski ride or Bananaboat. Sa outing na to nalagyan nacheckan ang bananaboat ride sa bucketlist ko. hahahaha.

 Mapagpanggap sa jetski


 Ka-team na nagbananaboat (wala akong pic na nakasakay dito)

Mga friends sa opis

Pagdating ng gabi, social nights.... dinner, may pa-games, sound jamming at announcement ng winner sa game tas bumaha na ng nomnoman from different tables. Basag ang mga manginginom dahil umulan ng alak kasi ang prize sa games ay puro alak din... hahahah. Hanggang midnight or yung iba uminom pa sa rooms. Kinabukasan, free time padin, until lunch kasi uwian na.

At dyan nagtatapos ang adbentyur na ganap sa aming summer outing. Oks naman, masaya din. :D

O sya, hanggang dito na lang muna, Take Care!

8 comments:

  1. ayos ang outing!! oi gelo, medyo hmm alam mona. nanunumbalik ang laki mo ah

    ReplyDelete
  2. Yehey... I happy naman at nag-enjoy ka... Bagay pala sau ang maberde...

    ReplyDelete
  3. ahah sarap naman! ingit much! eto pala ung sa fb mo haha
    kakatawa!

    ReplyDelete
  4. yung face paint, parang green lantern na may balbas :D

    ReplyDelete
  5. Wow! Buti pa kayo...kami, walang balita sa outing. haha

    ReplyDelete
  6. Waaah! sobra kong na missed yang White Rock Subic. Ages ago pa nung maka visit kami ng family ko jan. Jan ko din naranasan ang ma sun burn ng bongga hahaha. Tsakit sa balat >.<

    Glad you guys had on your company outing!

    ReplyDelete
  7. Sarap naman ng outing na yan! Inggit mey dahil di pa ulit kami nagkakaron ng ganyan!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???