Last week, around thursday ata yun or friday ay bigla na lang nagkaroon ng group invite/conversation sa FB na gawa ng isang kaklase sa high school.
Dumating kasi sa pinas ang isa naming kaklase na nagbakasyones from her work abroad. Since matagal-tagal na din naman na di nagkikita-kita ang madlang folks, nagdecide sila na gumawa ng mini HS reunion.
So nagset, Tuesday daw, Feb.7, mga 5pm daw sa eastwood. Weekday natapat. Ang mga tao may pasok pa so ang iba nagreply at sumagot na not going. Then they left the conversation/chat room.
Yung iba naman, go lang. Syempre minsan lang naman yun. Minsan lang naman ang ganung ganap so reply ng Going ang ilan.
Fastforward... dumating na ang Tuesday.
May pasok ako ng araw na iyon at ang shift ko ay 9pm-6pm. Lagot na diba, dahil sabi 5pm. Though pede naman malate ang dating, mas maiging maaga ka pa din.
So gumawa ako ng moves ko sa opis. Yes, i know it's bawal pero bakit ba? Minsan lang naman at di ko naman laging ginagawa. Nag-adjust ako ng konti. Nagterminal break ako. Ibig sabihin, di ko sinunod yung tamang oras ng break ko. Inurong ko to.
Di pa alphakapalmuks masyado ang move ko dahil kung ako papipiliin, i totodo ko ang ang pagterminal. So nag-adjust ako, 5:30 nag 30 mins. break ako at nagpalogout na lang ako ng 6pm. So meaning 5:30, on the way na ako papuntang eastwood.
Dahil jirap jackson makasakay, nag-alay-lakad ako mula sa opis papuntang IPI para isang jeep ride na lang papuntang Eastwood. roughly 25 mins. speed walking ang ginawa ko. 6pm sakto nasa eastwood na ako.
Syemps, ayaw ko naman na uber hagardo versoza ang itsura ko kaya nagpunta muna ako sa isang cr para magpunas ng pawis, magsuklay ng slight at magpabango na din.
6:20, andun na ako sa resto na nakalagay sa conversation. At walang katao-tao... ay meron pala, mga ibang tao. Strangers... It's so strange!
Well, alam ko filipino time so baka talagang delayed lang. Umupo ako sa isang bench na tapat lang ng mismong resto at tanaw ko kung sino2x ang dadaan or pupunta. Baka any moment padating na sila.
Nakapagsubscribe naman ako sa GoSurf50 ng globe na kahit majina ang signal ay keri lang basta makakapag FB at messenger.
Alam mo yung huni ng mga crickets sa films/series na nagsisignal ng awkward... parang ganun. Walang nagpopost sa messenger. Parang ghost town.
Pumatak ang 7pm ay wala pa din! Nakakaloks! Di ko alam ang nararamdaman ko ng mga time na yun. Pero i need to be positive cause being too nega could create issues and problems. Sabi ko iikot-ikot muna ako sa vicinity ng eastwood.
Around 7:30 biglang may himala. May 3 folks na ang nasa place at hinahanap ang mga tao. Sila yung may guts na magtanong na dehins ko naman magawa (i know right, di ako sanay magsabi).
So nagreply din ang isa pang kaklase na nasa vicinity na din daw.
So by 8pm, 5 folks lang kami. At eto na.... may bombang pasabog. Yung main reason bakit nabuo yung mini reunion na event ay di makakadating dahil najospital ang mudraks.
Naiintindihan ko naman na family first pero Y o Y na di nalang niya sinabi agad. Na-afraid ba sya na magbackout pa lalo ang iba?
Peroperopero... Nakakainis, yung ibang nag-going tapos wala. Alam mo yung naglaan ka naman ng panahon sa social life pero ewan.
Eventually after 8, medyo isa-isa namang dumating ang iba, nadagdagan ng paisa-isa, hanggang maging 9 kami, 10 kasi kasama ang wifuu ng isang kaklase.
Well, its kinda catchup moment lang pero ewan ko ba. Hanggang ngayon di ko maprocess ang nararamdaman ko.
Alam mo yung feels na nakakamiss makasama yung mga taong nakasama mo ng 4 years sa High School pero alam mong iba na.
Alam mo yung eksenang napapa-wow ka sa narating nila tapos madodown ka na anong nangyare sa iyo. Yung kapag nag ranking kayo ay nasa ilalim ka in terms of progress.
Alam mo yung happy ka na sinabihan na sumama ako sa gathering pero at the back of your mind, naiisip mo na noong mga nagdaang taon nga di ka naman talaga nila iniiinvite, yung hindi ka parte ng circle nila.
Siguro ang mini reunion na ganito ay ang magbibigay reyalidad na kahit na okay naman ang relationship mo sa mga kaklase mo noon, hanggat hindi ka nakakapasok sa circle, wala ka.
O well.... That's life... got to move on, look back sometimes yet you need to look forward.
O sya, hanggang dito na lang muna. TC at pasensya at nabiglaan ang personal post.
Baka naman ikaw lang nag-iisip that you don't belong ... hmmmm sometimes we tend to self pity kapag ganitong may reunion thats why we feel that way ... just my two cents worth : )
ReplyDelete