Monday, February 6, 2017

Resident Evil: The Final Chapter

Waraps! Kamusta na kayo mga folks? Okay naman ba kayo? Good! Hopefully ay okay sa alright ang inyong feels at hopia na GV ang monday ninyo.

Kahapon, after kong jumoin sa teambuilding ng team namin sa Tagaytay, pagkauwi ay nagpunta sa pinakamalapit na mall at nanood ng peliks. 

Dahil limited lang ang numbers of movie area, ang new film na aking pinanood ay naka Directors club thingy. So no choice kundi go na keysa lumipat pa ng mall.

So pagkaupo sa comfy reclining chuva chair and popcorn on the side, nagsimula na ang peliks na aking bibigyan ng review-reviewhan.... Ang last este Final Chapter ng Resident Evil..... ang Resident Evil: The Final Chapter!

Babala! spoilers ahead....


Magsisimula sa narration sa flashback kemerut-kemerut ng mga ganap sa past resident evil. Ang start ng T-Virus (T for Tibo charots). Papakita din kung paano ito nagsimula. 

Isang tatay ang may junakis na may rare na sakit na ang junanak ay tatanda ng mabilis. So gumawa ang father ng cure to kill the sakit... and thus the creation ng T-virus.

Kaso kailangang may kontrabidang eeksena, yung partner ni father ay ang creator ng T-virus at ginamit ito upang gumawa ng staged and organized mass destruction para magkaroon ng clean slate. Thus nabuo ang organisasyon ng Umbrella ella ella eh eh eh under my umbrella.


Then, magpapatuloy ang peliks somewhere out there kung saan sira-sira at gulagulanit na ang isang bossa nova (City). Ipapakita sa screenlaloo ang pinakabida ng pelikula... si project Alice.


May fight scene siya against sa isang flying monster. Syempre, bakbakan ang ganap. Aattack ang monsterloo pero makakaiwas ang bida and stuff and syempre lalaban sya at dahil bida, matatalo niya ang kalabs.

Then eeksena ang Artificial Intelligence thingy from the first film, ang Red Queen. Ichichika minute niya kay Alice na pumapatak ang metro at nauubos na ang oras, kailangang mapuksa ang T-virus kung hindi, madeded Failon ang humanity.


Binigyan ng ultimatum na 48 oras si Alice para sa isang misyon. Ang misyon ay makuha ang Antivirus na Kaspersky, Malwarebytes, Trend Micro at Norton kayang pumuksa sa mga nilalang na naapektuhan ng T-Virus. Matatagpuan ito sa original place ng Resident Evil film, ang Hive na matatagpuan sa Raccoon Citeeeeey~!

Di gumagana ang Uber kaya nag-Grab-a-motor tong si Alice at nagtravel na papunta sa city. Along the way ay pipigilan siya ng kalaban na inakala ng bidang napatay na...Ang lalaking umiibig sa Mother of Dragons... si Jorah Mormont.


Bakbakan kemerut-kemerut habang pumapatak ang countdown to humanities destruction. May hoardes of Zombs ang dala ni Jorah. Si Alice naman ay napadpad sa isang spot sa Raccoon city na may mga humans pa at kailangang makaligtas sa zombies.

Dito mare-reunite si Alice sa kanyang friendship na si Claire na kasama ang iba pang refugees na humans. Nagsama-sama sila para matayin ang batch of zombs na papalapit sa kanilang base.


Kulang na sa time at kailangang maisakatuparan na ni Alice ang kanyang mission. So together with the remaining strong bones na madlang people ay nagpunta na sila sa Hive.




Sa loob ng Hive, isa-isang nategi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi ang mga members until nagkaroon ng final 3 (ano to parang pageant?). Then magkakaroon ng mga reveals and stuff at eksena.

For the ending.... syempre di ko na iwewento... sayang naman ng very very light kung ispluk ko lahat ng details no!

For the movie, bibigyan ko ito ng score na 8.6 (dahil inabot ng 6 movies para ma-end ito).

Not bad film. Exciting in a way. Nakakagulat at maaksyon naman ang mga bakbakan and stuff. 

Pero syemps, since back to the original place ang eksena, parang Meh for me yung ibang ganap lalo na yung laser-laser thingy... yeah, good sha in terms of recall factor pero idk, di ako gaanong na-excite.

Btw, nabalitaan kong may eksena ang gosengpyaw sisterets pero sareee di ko talaga sila napansin sa film.


Parang nakita ko yung pink hair sa eksena pero yung isang gurl ay di ko nakita. hahaha. Pero kung nakasama sila, good job for them... 

O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care folks!


0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???