Friday, February 24, 2017

Goblin: The Lonely and The Great God

Dumaan nanaman ang dalawang araw ng pahinga at dahil dun ay nakapag marathon nanaman me ng korean series sa balur.

For today, ishashare ko lang sa inyo ang isang serye na aking minarathon. Eto ay isang series na medj popular dahil madalas kapag tumitingin ako sa FB feed ko ay nakikita ko ito.

Eto ay ang series na Goblin (nope, hindi po sya yung sidekick ni Batman!)

Eto

Hindi po ito.

Okay. So hindi ka na confused kung anong Goblin ang tinutukoy ko? So let's get it on.

Noong unang panahon (hindi panahon ng hapon). Sa panahon nila Jumong ganyans, merong isang matapang na warrior, Siya si Kim Shin (nope, hindi yung sidedish ng korea at di kamag-anakan ni Kim Chiu).


Noong una, barista siya ng kape subalit dahil may gyerang ganap chuvaness sa kanilang era ay napilitan siyang maging Warrior (not Ultimate).


Successful si koya sa pakikipag-warla sa mga kalabs. Magaling humawak ng kanyang sandata (wag po darteh mag-isip ples!). Nanalo ang kanyang pulutong sa digmaans.

Bumalik siya sa palasyo kasi akala niya tatanggapin sila ng Haring King king king. Pero No no no noooo waaaay ang reply ng palace.

Di sila accepted (haluh?). Bagkus, pinatay ang mga sundalong lumaban sa gyera at inakusahan si Kim Shin bilang isang Traydor! (huwaaaat!)

At dahil doon na tegibells ang warrior na si Kim Shin kasama ang isang babaeng naka-white pati mga kamag-anakan at angkan ng warrior (di daw po EJK).

Pero teka, teka, teka, teka, teka may twist, for some reason na-resurrect si koyang warrior at naging Immortal (nope, hindi yung sequel ni Angel Locsin ng LOBO). Yun ang nagmistulang giftsung sa kanya. Pero katumbas ng giftsung na iyon, ay curse. Dahil sa immortal si koya, nasasaksihan niya at di makakalimutan ang pagkatsugi ng mga kakilala and so.

Pasalamat daw si koya at di sya naging zombie at tinawag lang siyang Goblin.


Ang solusyon para sa problema ni koya ay kung mabubunot ang sandatang nakabaon sa kanya. (ooo, wag darteh mind ulit). May sword kasi na nakasaksakpuso pero di tulo ang dugo. Ang makakatanggal nito ay isang girlay na tinatawag sa codename na Bride of Goblin.

900 years later, sa recent time, may iniligtas si koyang Goblin na babaeng na-hit-and-run. Imbes na mategibels ay nabuhay ito kasama ang kanyang sanggol na nasa sinapupunan.

Then ipapakita ang isang guy sa katauhan ni Julian ng My Girl pero dito ay tatawagin siyang Grim Reaper, sa tagalog ay kamatayan o tagasundo ganyan.


Siya dapat ang kukuha sa kaluluwa ng babaeng na hit-and-run pero napakealamanan ang buhay. Siya ang nag-aabang sa kaluluwa ng Bride of Goblin na dapat ay noon pa ay na-tegibels.

Nagdalaginding na yung Bata bilang babae sa Cheese in the Trap lols. Dito ay mamemeet niya si Goblin dahil sila ay ang tinadhanang magtagpo.


Dito na tatakbo ang wento kung anong mangyayare kapag nagkainlababohan si Goblin at ang kanyang Bride. Paano na, kapag hinugot ang espada, madededbol si guy. At kapag hindi naman nahugots, si gurlay ang hahabulin ng kamatayans.

What's good about sa serye? Di sya boring. Hindi super serious, dahil may mga sundot ng comedy. Nakakakiligs naman ang mga tambalan (hindi ng balahura at balasubas, see pics below. Okay din ang mystery at twist dahil sa reincarnation sub-stories. At ayos din ang connections ng mga characters sa past life ng Goblin.



Recommended to watch ang seryeng ito. Ang chismis ay nabili ng ABS-CBN ang rights to air this so ekspect nio ang tagalized version with some cuts.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???