Maglalakbay ako patungo sa kawalan
Upang hamunin 'tong pangarap sa buhay
At susuungin ko itong kadiliman
Makita ko lang ang liwanag ng katarungan
Ang tinutukoy ko ay ang anime na tungkol sa mga mechanical beast thingies na may pamagat na. B'TX!
B'TX-x-x-x-x-B'TX, new age super heroes btx-x-x-, batang isinilang, bionic ang laman, laman bituka't atay! Char lang... wag niong kantahin ang song ng Batang X ples!
Halika na Ida at tayo ay mag-time space warp.... Ngayon din!
So ganito ang wento, may magkapatid na boylets, si Crispin at Basilio este Teppei at Kotaro. Nagkita ang magkapatid matapos ang matagal na pagkakawalay dahil nag study abroad si Kotaro.
Kotaro
During the event kung saan nagkita ang mag-brtherhood, sinalakay ang place at nakidnap ng Machine Empire (kalabans) ang genius kiddo na si Kotaro.
Syemps, protective ang brother ng nakidnap at kumapit sya sa kidnaper (insert choco martins... kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka ng makapitan song). Kaso nalaglag si Teppei sa isang junkyard.
Nasugatan si Teppei at pumatak ang dugo niya sa isang B'T (isang uri ng mechanical animal/robotish thingy) na nakadispose sa junkyard at nabuhay ang isang metal horse na may name sung na X. Dito kinuha ang peliks na My X and Whys charots.
Nagkabonding si Teppei at X at sila ay naglakbay na patungo sa center ng Machine Empire upang iligtas ang kapatid.
Sa kanilang paglalakbay, kailangang harapin ni Teppei ang mga sundalo na padala ng emperyo ng mga makina at kakalabanin nila ang iba't ibang BT.
Makakalaban/makikilala din ni Teppei ang mga bantay ng emperyo tulad ng mga character sa ibaba.
1. Karen
Una ay si Gina, este Karen po. Siya talaga ang original na owner ni X. Siya ang Bantay ng Kanluran. Siya ang nagturo kay Teppei kung paano lumaban at kung anik-anik sa Machine Empire.
2. Fau Lafine
Si Fau ay ang Bantay ng Timog. Kasama niya ang BT na Red Phoenix named Je T'aime (dyutayme). Siya ang unang nakatalo kila Teppei at X. Isa siyang father na nagdaan sa seklusyon charots!
3. Ron
Ang owner ng B'T na Blue Dragon named Raidou ay si Ron. Isang intsik beho na marunong sa martial arts at spears. Siya ang bantay ng Silangan.
4. Hokuto
Ang bantay ng Hilaga na wala namang kyumad at lisa sa buhok.... si Hokuto. Ang doctor na hindi kamag-anakan ni doctor jones at quack-quack. Kasama niya ang B'T na green pawikan named Max.
Sa pagtakbo ng kwento, magiging kakampi ni Teppei ang apat na bantay ng Machine Empire dahil nalaman nila ang balak ng emperyo na bumuo ng ultimate BT named Raphaello!
Di ko na iwewento ang ending para surprisaaaaaa!
Grabe... nostalgic ang seryeng ito! Meron nga nito sa suking piniratang tabing at namarathon ko ito noong nasa kolehiyo na ako.
O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???