Showing posts with label friendship. Show all posts
Showing posts with label friendship. Show all posts

Monday, July 23, 2012

Friendship


Aler! Kamusta na mga folks? okay naman ba kayo dyans? for today, ginawan ko ng hiwalay na post ang isang peliks na nabanggit ko na sa blog ko pero for the sake of SEO (seo daw o? hahahah) e kailangan may hiwalay na paskil para makapag-attract ng new audience. lols

Laging napapakita sa tv ngayon na nabili na ng ABS-CBN ang rights para i-ere sa kanilang istasyon ang peliks ni Mario Maurer. So bago pa man ipalabas ito, kelangan available ang review for peoples sake... (joke lang, pandagdag trapik din to eh).

So ang peliks ay may pamagat na 'Friendship'. Yep, the same term na pinauso sa showbiz katulad nila ai-ai at kris.

Ang pelikula ay magsisimula sa mini gathering ng mga magkakabarkada at nagkakwentutans about their youth. At dito na magflaflashback at medyo magiging makaluma ang scenery.


May bagong transfer sa iskwelalumpur ng mga bagets at ito ay ang isang girlay na muka namang okay at wala naman kapintasan o deformity. Kaso etong si girlita ay tahimiks. Ayun, napagtripan tuloy at nabubully. At isa na dito ay si tisoy.

Tapos tatakbo ang kwents ay tatakbo how medyo from bully-bullied relationship ang nangyare ke boy at ke girl ay magkakamabutihans sila. Sorta laber-laberan ang peg.


Pero syemps pumapatak ang metro este tumatakbo ang oras and there comes a time na kailangang umalis ni girlay at lumipat..... nawala sya ng walang bakat este bakas.

So after a long long years, back to present na, desidido padin si boy makita si girl. And thus nagkaroon sya ng lead at nahanap si girl. Pero may shocking panyayare. 

Kung ano yun, di ko sasabihin. Bwahahahaah! Pasaload muna ng 20 petot bago ko i-reveal! Joke langs. secret talaga.

Overall, ang pelikulang ito ay bibigyan ko ng 8.3.Nakakatouch ang story pero hindi sya kilig-kiligan katulads ng Crazy Little Thing Called Love. Pasok ang peliks na to sa good peliks.

O cia, abangans nio na lungs ito sa tv or mag download sa torrent or hanapin sa suking dvdhan. Take Care folks!

Monday, April 25, 2011

3 Asian Films


Halow! I'm back! Ilang araw din akong walang internet connection at nasa bahay lang ako sa probinsya namin kaya naman im so excited para magsulat ulit sa blogger na ito.

Anyways, since alam kong walang gaanong magagawa sa probinsya namin kaya last wednesday, nag-quiapo ako para makabili ng dvd (nasabi ko na ata to dun sa previous post). Akala ko puro thai movies ang nabili ko pero it turns out na 3 different movies from different bansa pala ang na-mini-mini-maynimu ko. So without further ado, heto ang aking ibibida for today.

1. Friendship (Thai movie)

Unahin ko ang unang pelikulang nipanood ko nung holiweek. To be exact, pinanood ko to ng Maundy Thursday ng gabi. Ang movie na ito ay tungkol sa sex. Joke. Natural, as the title says, friendship. Eto ay tungkol sa magkakaibigan na nasa 30's na ata tapos nag-reminis sila ng kanilang high school days. Doon magsisimula ang wento ng bida kung saan may new student transfers silang makikilala. IYung girl na kaklase nila ay binubully nia kasi di nagsasalita but eventually mukang nagka-ayos sila at turns to almost lover. But but but, nagkaroon ng sad ending pero di ko sasabihin para may suspense. 

nakaka-touch ang kwentong to. Hindi sya todo kilig factor tulad ng crazy little thing pero pasok to sa good movie ko.

2. Do Re Mi Fa So La Ti Do (Korean Movie)


Next stop, ang pelikulang napanood ko nung Good Friday. Eto ay tungkol naman sa isang girl na nag-part time sa amusement park at nagsuot ng mala-barney costume. Napagtripan siya ng grupo ng boys. Pagkauwi sa house, ang bagong kapit bahay nila ay yung kumag na nan-trip sa kanya. Eventually, nagkadebelopan sila at naging labers. But, here comes the factor kasi ang bespren nung lalaki ay ex-friendship nung girl. May past issue kasi at naging complict between the two. tapos nag evolve pa ang conflict. Syempre, Ang factor ng lovestory na nangyari ay ang pagpili sa taong mahal mo o ang taong magpapakamatays daw kung ala ka.

Pasok din to sa akin kasi naman nakaka-sads yung naging twist ng kwento lalo na sa side ng dalawang mag-juwa. 

3. Kimi Ni Todoke (Japanese Movie)


Last stop for today ay ang pelikulang hapon na pinanood ko nung Black Saturday. Heto naman ang medyo rom-con na kilig-kiligan ng konti. It starts sa isang girl na nagpahaba ng buhok at nagmukang sadako, ang name nia ay Sawako. Si sawako ay inakalang may sumpa tulad ni sadako kaya iniiwasan sa school. Then one day, may tinulungan siyang guy na naliligaw ata. Yun yung guy na naging crush niya then eventually, it turns out na nag-ka-crush din sa kanya yung guy. Ang haba ng hair ni Sadako este Sawako during the movie. eheheh.

Shoot sa listahan ito kasi light story at walang heavy oa kadramahan kaya naman nirerecommend ko to.

O ayan, may 3 choices kayo kung nais ninyong maghanap ng pelikula na di gawang kanuto o US or ayaw nio ng local film. mahahanap to sa Quiaps or pede din hanapin sa net.

Saka ko na iwewento ang mga pangyayari sa bakasyones ko sa probinsya. Hanggang dito na lang muna. Hope masaya ang monday ninyo.

Back to work na ako bukas. TC!