Monday, April 25, 2011

3 Asian Films


Halow! I'm back! Ilang araw din akong walang internet connection at nasa bahay lang ako sa probinsya namin kaya naman im so excited para magsulat ulit sa blogger na ito.

Anyways, since alam kong walang gaanong magagawa sa probinsya namin kaya last wednesday, nag-quiapo ako para makabili ng dvd (nasabi ko na ata to dun sa previous post). Akala ko puro thai movies ang nabili ko pero it turns out na 3 different movies from different bansa pala ang na-mini-mini-maynimu ko. So without further ado, heto ang aking ibibida for today.

1. Friendship (Thai movie)

Unahin ko ang unang pelikulang nipanood ko nung holiweek. To be exact, pinanood ko to ng Maundy Thursday ng gabi. Ang movie na ito ay tungkol sa sex. Joke. Natural, as the title says, friendship. Eto ay tungkol sa magkakaibigan na nasa 30's na ata tapos nag-reminis sila ng kanilang high school days. Doon magsisimula ang wento ng bida kung saan may new student transfers silang makikilala. IYung girl na kaklase nila ay binubully nia kasi di nagsasalita but eventually mukang nagka-ayos sila at turns to almost lover. But but but, nagkaroon ng sad ending pero di ko sasabihin para may suspense. 

nakaka-touch ang kwentong to. Hindi sya todo kilig factor tulad ng crazy little thing pero pasok to sa good movie ko.

2. Do Re Mi Fa So La Ti Do (Korean Movie)


Next stop, ang pelikulang napanood ko nung Good Friday. Eto ay tungkol naman sa isang girl na nag-part time sa amusement park at nagsuot ng mala-barney costume. Napagtripan siya ng grupo ng boys. Pagkauwi sa house, ang bagong kapit bahay nila ay yung kumag na nan-trip sa kanya. Eventually, nagkadebelopan sila at naging labers. But, here comes the factor kasi ang bespren nung lalaki ay ex-friendship nung girl. May past issue kasi at naging complict between the two. tapos nag evolve pa ang conflict. Syempre, Ang factor ng lovestory na nangyari ay ang pagpili sa taong mahal mo o ang taong magpapakamatays daw kung ala ka.

Pasok din to sa akin kasi naman nakaka-sads yung naging twist ng kwento lalo na sa side ng dalawang mag-juwa. 

3. Kimi Ni Todoke (Japanese Movie)


Last stop for today ay ang pelikulang hapon na pinanood ko nung Black Saturday. Heto naman ang medyo rom-con na kilig-kiligan ng konti. It starts sa isang girl na nagpahaba ng buhok at nagmukang sadako, ang name nia ay Sawako. Si sawako ay inakalang may sumpa tulad ni sadako kaya iniiwasan sa school. Then one day, may tinulungan siyang guy na naliligaw ata. Yun yung guy na naging crush niya then eventually, it turns out na nag-ka-crush din sa kanya yung guy. Ang haba ng hair ni Sadako este Sawako during the movie. eheheh.

Shoot sa listahan ito kasi light story at walang heavy oa kadramahan kaya naman nirerecommend ko to.

O ayan, may 3 choices kayo kung nais ninyong maghanap ng pelikula na di gawang kanuto o US or ayaw nio ng local film. mahahanap to sa Quiaps or pede din hanapin sa net.

Saka ko na iwewento ang mga pangyayari sa bakasyones ko sa probinsya. Hanggang dito na lang muna. Hope masaya ang monday ninyo.

Back to work na ako bukas. TC!

20 comments:

  1. Grabe ikaw na ang adik sa mga Asian films! Hahaha. Idadagdag ko na ito sa list ko na to-download. :D

    ReplyDelete
  2. apir!! thanks...i so love asian films..

    ReplyDelete
  3. oh eh di pahiram na! daliiiiiiiiiii! hihihi

    sa totoo nagskip read ako, kasi ayokong magka idea sa story ng movies kasi diba usapan na natin na ipapahiram mo sakennnn yang mga yannnnnnnnn pagkatapos mo hahaha eh tapos mo na..eh di pahiram na dali! :P

    ReplyDelete
  4. Meron ba sa Youtube neto? LOL! Dito ko ata nabasa 'yung tungkol sa Crazy Little Thing. Hanggang ngayon hindi ko pa matapos-tapos panoorin sa Youtube. Busy much.

    ReplyDelete
  5. Parang napanood ko na iyong pangatlo ... Ano ba english title nun? Reaching you??

    ReplyDelete
  6. nadownload ko n ayung doremifasolatido hehehe. panoorin ko bukas hehehe

    ReplyDelete
  7. ahaha... kaw na adik sa asian films.. pero maganda nmn mga story nila eh.. kakasama na kasi puro kano.. kakasawa na din makinig ng english... atleast ito, babasahin mo nlng pero nakakarefresh sa tenga ung language nila.. hehe.... ayos!!! sana may mabili ako nito sa palengke samin.. layo ng qiuapo! ahaha

    ReplyDelete
  8. anong favorite mo sa tatlo? :)

    ReplyDelete
  9. send mo naman sa akin ang link nito sa torrent pls..hindi ko mahanap e..hhehehehe

    ReplyDelete
  10. ang hilig mo ng asian movies anoh.. parang type ko ung una 'friendship'. tnx for sharing.

    ReplyDelete
  11. @robbie, bilis mo nakakoment ah. go, download na

    @akoni, ty dins

    @yanah, rip ko lang sa opis, tapos hiramin mo na. Pahiram my sassy gurl

    ReplyDelete
  12. @gasul, meron ata sa youtube, bagal lang net ko kaya prefer dvd

    @michael, di ko alam english name e.

    @bino, bilis ah. :D

    ReplyDelete
  13. @leonrap, parequest ka sa suki mong bilihan sa palengks

    @rah, gusto ko 2nd.

    @akoni, wala akong link nyan chong, dvd kasi copy ko

    ReplyDelete
  14. @mommyrazz, maganda din friendship kaso no happy ending

    ReplyDelete
  15. ewan ko pero di ko talaga kaya matagalan mga asian films. kakatamad magbasa sabay nood. or siguro tamad lang ako. wala bang dubbed in filipino. hehehe

    ReplyDelete
  16. pareho pala tayo mahilig manood ng asian movies.

    ReplyDelete
  17. naadik ka na sa mga thai movie ha hehehe
    maganda yung doremi... pramis hehe :D

    ReplyDelete
  18. pirated debedes here I come! hehehe

    ReplyDelete
  19. @gillboard, sanayan lang, pero kainis pag barok ang sub

    @hard2getxxx, apir!

    @axl, uu, nakakatouch ng konti yung doremi

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???