Thursday, September 16, 2010

Khanto Review: Resident Evil-Afterlife



Di ko pa nakukuwento ang pangyayare sa kasal na dinalahuhan ko kahapon pero heto na ako at inumpisahan ko na ikwento ang nangyari after the wedding. Nyahaha. Wala pa po kasing pictures akong nahaharbat kaya sa movie review muna ako.

After the wedding, napagpasyahan namin (mga ka-officemate) na manood ng movie. Dapat ata ung phobia an papanoorin kasi horror pero Resident Evil nalang. Dapat din sana e 3D kaso 3 pm pa un, kawawa naman ung may pasok kinagabihan kaya sa 2pm movie slot kami. Sayang, pers taym ko sanang makakapanood ng movie na 3D. O well.

Ang totoo nian, di ko pa napapanood ang movies 1 to 3 nito at kahit ung game na pinagbasehan nito ay wala din akong ka-ide-idea. Ride with the flow nalang ako. So By the time na pumasok kami, nais ko lang sanang ipikit ang mata ko at matulog saglit para makapag marathon ako ng movie sa bahay o kaya ay mag adik uli sa online game.

Daming preview na next movie.... Skip. Skip. Ayun. Lumabas na din sa wakas ung batang namimingwit na nakaupo sa moon at ang humihiyaw na leon. Jowk. Syempre indi dreamworks at mgm ang may produce ng movie. Eklat lang kunwari may alam ako sa movies.

Umpisa, umuulan.. Shet, nakiki-ayon ba sa panahon ng pinas ang movie? panahon din ng suddenly sa intro. Pak! Sinakmal ang isang lalaking nakapayong at boom. Ayon na, isinaad na may kumalat na virus at naubos daw ang mankind. Mga naging kakaibang creatures ang mga madlang pipol. Tapos isinaad na ang kumpanya ni Rihanna ang may pakana. Bakit campani ni rihanna? Ella, ella, e... eee. under UMBRELLA. masingit lang ang kanta. Wahehe. Aun, May intruder alert at kaboom. Oolala... Sexy girl in a leather suit. Walang camel toe, sorry. Boom. Inatake ang home base at ang bida pala dito ay ung babaeng lumusob. How stupid of me.

Forward. Pupuntahan ni girl ang promised land na arcadia na walang virus. Aba, mukang gumamit sila ng Antivirus para clean sila. Hugas na hugas daw ang lugar kasi clean ito. Anyway. Aun na, tumakbo na ang kwento sa pagka-reunion ni lead girl at ng isa pang babae na bida ng Heroes. Sensya na, di ko alam talaga name.

Ang twosome na girls ay naglakbay upang hanapin ang arcadia then suddenly makikilala nila ang mga stranded na pips sa isan building. Boom. bakbakan na ang mga sumusunod na eksena. Di ko na ieelaborate much para di ma-spoil.

While watching the movie, naalala ko bigla ang Plantz vs. Zombies, grabe, ang humans naging mga undead. At may knows silang mag swim katulad ng zombies sa game. At knows din nila mag dig. Buti nalang at magaling sa putukan ung girl. Aba, kahit girl ay multi-pops sia at dinaig nia pa ang mga ibang lalaki sa building. Hustler sa putukan. hanep. At napaelibs ako dun sa pag multipops na kalat-kalat... Superb ang baril with the special bullets. hehehe.

Kung irarate ko ito from 1- 10, around 8 siguro kasi kahit di ko alam ung previous story, di naman ako masyado naguluhan sa takbo ng kwento. Oks din ang gory scenes at putukan scenes.

Now, kailangan kong makahanap ng movie copy ng mga previous movie na ito. Ciao!

8 comments:

  1. Ay! Go go GO!! Hanap ka na ng copies ng mga previous movies nito. Also the game, laruin mo rin. I recommend RE4 (yan yung sa image mo sa entry nato...) Adik kasi ako sa RE. Hehehe.. Di ko pa to napapanood. But I will. =D Dumaan lang at nag comment.

    ReplyDelete
  2. uy.. patulong please...

    may first guest post kase ako.. kelangan ko maraming feed back.. please please... onti palang nakakabasa kase.. nakakahiya HAHAHA..

    http://jumblemash.blogspot.com/2010/09/i-have-guest-long-distance-love-affair.html

    ReplyDelete
  3. ay walang camel toe. yun panaman ang gusto ko panuorin in 3d ahahaha

    ReplyDelete
  4. syet napanood ko yung 1~3 nyan... kailangan din syempre mapanood yan... dahil sa movie critic este review mo e nheksayt tuloy me magdownload...

    sayang walang camel toe sexy pa naman ni milla... ang hawt! yun lang

    ReplyDelete
  5. sa weekend ko palang ito papanoorin kaya ayaw kong basahin bwahihihi

    ReplyDelete
  6. matagal ko na ito gusto panoodin. papanoorin ko na :P

    ReplyDelete
  7. @karen, go, oks ang movie na to.
    @jepoy, sige, baka ma-spoil kasi excitement mo.
    @poldo, download na!
    @kikilabotz, hehehe, pa-double check nalang, baka nagkamali ako.
    @miss innocent, surenes.
    @leah, kaso wala ako playstation eh.

    ReplyDelete
  8. Thanks po sa mga nagcomment, totopak blogger, lagi error pag nagkokoment ako sa sarili kong blog.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???