Showing posts with label Politika. Show all posts
Showing posts with label Politika. Show all posts

Saturday, August 28, 2010

Elite Strike Force!


Walang magawa simula pa kahapon. Medyo maalang ang calls at hiatus ang ibang bloggers kaya wala akong mabasa. Wala din masyadong kwentong pumapasok sa aking isipan kaya napatambay ako sa isang forums. Ang forums na sinasabi ko ay ang pex o ang phil. exchange forums. Dito ay nagbabasa ako ng mga comments tungkol sa mga anime mangas na aking binabasa. Naubos ko na ang mga thread at bored pa din ako. Di ko maiwasan na mapadpad sa thread ng local and foreign issues. Dun medyo nabuhayan ako dahil sa mga binabasa kong mga comments at kurukuro tungkol sa nangyaring hostage taking last monday. 

Haba ng intro no? Well anyway, i did it my way, nakita ko ang isang topic na nakakuha ng aking atensyon. Ito ay ang thread o topic kung saan sinasabi na nag-order si Pres. Noy na gumawa o bumuo ng elite strike force. OMG. Gagawa pa ng special force para sa mga risky things like hostage taking. 

Ang masasabi ko lang, ewan. Kailangan pa ba Elite kung e may swat na? sa aking palagay, dapat ay re-train lang kailangan. re-orientation at re-inform lang ang mga procedures. Kailangan pang gumawa ng new force? No.

Pero kung magpupush ang new force, i suggest ang mga 5 groups.


1. Ultraman Elite Strike Force
Sila ang mga grupo ng mga naka-tights at spandex at may wang-wang o bling-bling sa dibdib.Malalaman natin kung nanghihina na ang group kasi makakadinig ng titut-titut-titut kasabay ng pagalert ng bumbilya sa chest.


2. Mask Rider Elite Strike Force
Kung di kau elibs sa wang-wang group, subukan ang motorcycle group at grupo ng mga insecto at naglalakihang mata. Rider change lang ang katapat ng masasama!


3. Power Rangers SPD Elite Strike Force
Mula sa lahi ng mga sentai, ang mga great great great great grandchildren nila Bioman at maskman. Sila ang nagmomorph upang panatilihin ang kapayapaan. Sila ang mga newly super cops.


4. Akatsuki Elite Strike Force
Kung di pede ang spandex at mga insekto at rangers, pede nadin siguro ang mga ninjas. Sila ang mga itinakwil sa mga ninja nations. Sila na may kakaibang bangis at lupit ng ninjutsu at genjutsus. 


5. Sailormoon Elite Strike Force
Kung di kaya ng brute force, bakit hindi daanin sa charm at sexiness. Eto ang grupo ng mga babaeng may maiikling palda na pede magpalaway sa mga masasama. Parurusahan sila sa ngalan ng buwan!

Sa tingin ko fully booked na ang x-men at justice league kaya di ko na isinama. Saka baka mahal ang pag-hire sa kanila.

ps. mga larawan ay galing sa google search.

Wednesday, June 30, 2010

New Chapter!



Inabangan ng buong pinas kani-kanina lamang ang speech ni P.Noy.

Grande!
Bongga!
Star-studded!
Matao!
Full of Hopes!
Madilaw!


Sa pagkuha ni P.Noy sa pinakamataas na upuan sa bayan, ang masasabi ko lang....

Wag sanang gawing hero ang pangulo. Hindi lang dapat siya ang tutulong sa bayan kundi tayong lahat. Huwag iasa ang lahat ng bagay sa gobyerno. Hindi tayo uupo lang at magmamatsag, kailangan may gawin din tayo sa bayan.

At sa 15th President, Sana ay mapangatawanan at maisakatuparan ang pangako at agenda na isinaad noong nangangampanya. Sana ay hindi matulad sa ginawa nia sa senado(No bills na naipasa).

Un lang.......

Thursday, May 13, 2010

Politika Artista!



Kahit tapos na ang eleksyon ay tila wala pading humpay ang usapang politika. Sa tv, sa radyo, sa blogs at sa facebook, walang katapusang politika. Ang medyo nakakaalarma ay tila wala pading kadala-dala ang pilipino sa pagboto ng mga artistang nais ngang maglingkod sa bayan subalit tila kalahati ng sarili ang kayang ilaan. Kaya heto ako at napaisip kung ano ang mangyayari kapag ang pinas ay pinatatakbo ng mga artista.



President Willie Revillame! Gash abelgash! Magiging noontime show ang ating bansa! Mapapa-HEP-HEP-HOORAY ang masang pilipino sa mga batas na kanyang iapagagawa! Sasayaw ang ekonomiya sa tugtog na giling-giling! Mapapa-tantaran-chuchurut-churut ang pipol sa pagsang-ayon sa mga adhikaing pansarili. Mukang lalaganap ang mass power dahil ang taong nagkaroon ng 75 na score noong gradeschool ang magiging cabinet members. Possible din umangat ang pera ng bansa basta nakalagay sa isang kulob na kahon na may hangin at kailangang ang mga tao ay may knock-knock jokes o motto of the day para matulungan. I wonder pano sya makikisalamuha sa foreign leader. Obama! Isa ka sa bigatin!



Vice-President naman natin si Boy Abunda. Huwow! Krissy! Ahahahahaha(tawang boy!) Sya ang katuwang ng pangulo. Since ang president ay medyo on the comedic side, serious side naman ang sa VP ng bansa. Siya ang katuwang natin sa pagpapalakas sa bansa. May kakayahan siyang ilabas ang magic mirror para magreflect ang taong bayan sa mga actions nila. Si tito boy ang magiging taga-urat ng mga pasaway na tao! Lagi nyang aalamin ang bottomline!

12 Senators:



Senate President Vice Ganda- May nagtext! sya ang pinuno ng mga senador ng pilipinas. Siya ang di mapapalitan sa senado kasi may immunity. Gamit ang mga kakaibang ballpens, magsusulat sya ng samu't-saring bills at laws na ipapasa. Kailangan din laging magpapasikat ang mga kapwa senator bago magstart ang session. Pag nagsisinungaling ang kasama, pede niyang tanungin ng.... YUNG TOTOO? at kapag naaagrabyade sya, susumbong nia kayo kay WOWA!

Other Senators:


Eugene Domingo


Allan K.


Ai-Ai delas Alas



Tuesday Vargas


Pooh


Chokoleit


Giselle Sanchez


Sweet Lapuz


Pokwang


Ethel Booba


Candy Pangilinan

Sila ang mga stand-up comedians na nakilala sa showbiz industry. Sila ang mga taong maykakayanan na magpagulong sa inyo sa kakatawa. Gusto nila ay maging happy ka! Since ang karamihan ng mga bumoto ay tila lugmok sa kalungkutan o depressed sa economic depression, sila ang maglilift ng spirit ng masang pinoy. Ang senado ay magiging comedy bar at lahat ng bills ay dadaan sa isang pachinco ball at ang makakapasang law sa kanila ay yung may tamang tono lamang sa pagkanta ng mga karaoke songs.



Para sa mga mayors ng major cities like Manila, Pasig, Marikina at Quezon City, patatakbuhin ito ng mga loveteams ngayon. Maaari silang pumili sa tambalang Kim and Gerald, Kris and Aljur, Barbie and Josh o Erich and Enchong. Sa pamamagitan ng tambalang loveteams ay maipropromote ang loyalty sa loveteam at ang pinoy ay posibleng maging stick to one. Ang tao ay matututo ng mga linyang galing sa Tayong dalawa, Last Prince, First Time at Katorse. Fallback ay possibleng matuto ng premarital sex o early blooming sa mga kabataan pero tila keber lang basta nagmamahalan ang dalawang tao.



Wow! Tila magandang kalalabasan ng pinas kung ganto ang mangyayari. Happy ever after ata ang kahihinatnan. Go go go masang pinoy!

Tuesday, May 11, 2010

BiNoy!

Leading na sa bilangan si Binay at si Noynoy. Though ayoko sa kanila, wala na akong magagawa kasi mas madaming pinoy ang pinili sila. At least di si Erap ang president, what a joke!

Early congratumalations nalang sa kanila at better luck next time sa iba.

Politics is a gamble!

VP


P

Wednesday, May 5, 2010

Heaven or Hell!



Sumisilip lang ako sa facebook kaninan ng aking makita ang isang post tungkol sa isang senator na pinapili kung sa langit o sa impyerno sya pupunta.

Galing dito ang post.

While walking down the street one day a Corrupt Philippine Senator was tragically hit by a car and died.


His soul arrives in heaven and is met by St. Peter at the entrance.

"Welcome to heaven," says St. Peter. "Before you settle in, it seems there is a problem. We seldom see a high official around these parts, you know, so we're not sure what to do with you."

"No problem, just let me in," says the Senator.

"Well, I'd like to, but I have orders from the higher ups. What we'll do is have you spend one day in hell and one in heaven. Then you can choose where to spend eternity."

"Really?, I've made up my mind. I want to be in heaven," says the Senator.

"I'm sorry, but we have our rules."

And with that, St. Peter escorts him to the elevator and he goes down, down, down to hell.

The doors open and he finds himself in the middle of a green golf course. In the distance is a clubhouse and standing in front of it are all his friends and other politicians who had worked with him.

Everyone is very happy and in evening dress. They run to greet him, shake his hand, and reminisce about the good times they had while getting rich at the expense of the Filipino people.

They played a friendly game of golf and then dine on lobster, caviar and the finest champagne.

Also present is the devil, who really is a very friendly guy who is having a good time dancing and telling jokes.

They are all having such a good time that before the Senator realizes it, it is time to go.

Everyone gives him a hearty farewell and waves while the elevator rises...

The elevator goes up, up, up and the door reopens in heaven where St. Peter is waiting for him, "Now it's time to visit heaven."

So, 24 hours passed with the Senator joining a group of contented souls moving from cloud to cloud, playing the harp and singing. They have a good time and, before he realizes it, the 24 hours have gone by and St. Peter returns.

"Well, then, you've spent a day in hell and another in heaven. Now choose your eternity."

The Senator reflects for a minute, then he answers: "Well, I would never have said it before, I mean heaven has been delightful, but I think I would be better off in hell."

So St. Peter escorts him to the elevator and he goes down, down, down to hell.

Now the doors of the elevator open and he's in the middle of a barren land covered with waste and garbage. He sees all his friends, dressed in rags, picking up the trash and putting it in black bags as more trash falls from above.

The devil comes over to him and puts his arm around his shoulders.

"I don't understand," stammers the Senator. "Yesterday I was here and there was a golf course and clubhouse, and we ate lobster and caviar, drank champagne, and danced and had a great time. Now there's just a wasteland full of garbage and my friends look miserable. What happened?"

The devil smiles at him and says,

"Yesterday we were campaigning ..Today, you voted."

 
Nakakatawa kasi makatotohanan ang kwento. Minsan ang pagpipilian natin ay nakakaloko at nakakagag0. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto at hindi lahat ng maningning ay maganda. Kailangang mag-isip-isip kung sino ang mga ilalagay natin sa pwesto.

Sunday, May 2, 2010

Sen-Sen! Senatoriables!



Sobrang nalalapit na ang May 10. Almost decided na ako kung sino ang aking napiling presidentiables at vice-presidentiables pero may isa pa akong dilemma. Super-dami ng names ng mga senatoriables subalit di ko kilala ang mga taong kumakandidata o kaya ay kamag-anakan na ng mga nasa puwesto. Nag-search ako ng mga kumakandidato at eto ang mga pangalan nila.

Acosta, Jr. Nereus O. (LP)
Albani, Shariff Ibrahim H. (KBL)
Alonto, Zafrullah M. (Bangon Pilipinas)
Baraquel, Ana. Theresa H. (LP)
Bautista, J.V. Larion (PMP)
Bautista, Martin D. (LP)
Bello, Silvestre III H. (Lakas)
Biazon, Rozanno Rufino B. (LP)
Revilla, Ramon “Bong” B. (Lakas)
Caunan, Henry B. (PDP-Laban)
Cayetano, Pilar Juliana US. (NP)
David, Rizalito Y. (Ang Kapatiran)
De Venecia, Jose III P. (PMP)
Defensor-Santiago, Miriam P.(People’s Reform Party)
Drilon, Franklin M. (LP)
Enrile, Juan Ponce (PMP)
Estrada, Jinggoy E. (PMP)
Guico, Ramon, Jr. N. (Lakas)
Guingona, Teofisto III D. (LP)
Imbong, Jo Aurea M. (Ang Kapatiran)
Inocencio, Ma. Katherine Luningning R. (Bangon Pilipinas)
Lacson, Alexander L. (LP)
Lambino, Raul L. (Lakas)
Langit, Rey M. (Lakas)
Lao, Yasmin B. (LP)
Lapid, Manuel M. (Lakas)
Lood, Alma A. (KBL)
Lozada, Jose Apolinario Jr. L (PMP)
Maambong, Regalado E. (KBL)
Marcos, Ferdinand Jr. R. (NP)
Maza, Liza L. (Independent)
Millora, Ma. Judea G. (KBL)
Mitra, Ramon B. (NP)
Ocampo, Ramoncito P. (Bangong Pilipinas)
Ocampo, Saturnino C. (Bayan Muna)
Ople, Susan V. (NP)
Osmeña, Sergio III D. (Independent)
Palparan, Jovito Jr. S. (Independent)
Papin, Imelda A. (KBL)
Paredes, Zosimo Jesus II M. (Ang Kapatiran)
Pimentel, Gwendolyn D. (PDP-Laban)
Plaza, Rodolfo Rodrigo g. (NPC)
Princesa, Reynaldo R. (Bangon Pilipinas)
Querubin, Ariel O. (NP)
Recto, Ralph G. (LP)
Remulla, Gilbert Cesar C. (NP)
Riñoza-Plazo, Maria Gracia DV. (Ang Kapatiran)
Roco, Sonia M. (LP)
Sison, Adrian O. (Ang Kapatiran)
Sotto, Vicente III C. (NPC)
Tamano, Adel A. (NP)
Tamayo, Reginald B. (Ang Kapatiran)
Tarrazona, Hector M. (Ang Kapatiran)
Tatad, Francisco S. (Grand Alliance for Democracy)
Tinsay, Alexander B. (Bangon Pilipinas))
Valdehuesa, Manuel Jr. E. (Ang Kapatiran)
Villanueva, Hector L. (KBL)
Virgines, Israel N. (Bangon Pilipinas)

Puchanggalata, sa hinaba-haba ng mga pangalan ay kailangang pumili ng labindalawa. Grabe naman! Sa walong presidentiables ay may mga kanikanilang senatoriables. Para sa akin, halos ang mga taong ito ay nagkakamit na pumasok sa upper circle na pedeng gawing ticket to presidentible pagdating ng araw.

Para sa akin, ekis na ang mga dating tumakbo sa senator at halos wala namang ginawa sa pwesto. Ekis na din ang mga anak, kapatid, asawa ng mga naging senator. Ekis na din ang mga di ko kilala. Shemay, kahit anim lang ilalagay ko sa bilog na hugis itlog basta hindi mapunta sa ganid ang senatorial slots.

Monday, April 19, 2010

Dynasty Dynamite!



Tugs! Tugs! Tugs! Nobody Nobody But You! Hoy! Pinoy ako! Ispaketing pababa! Shemay! Kaliwat kanan ang campaign jingle dito sa lugar namin. Gatta get get! boom boom boom! Halos lahat na ata ng sumikat na kanta ay ginawan na ng jinambells para sa mga kumakandidatong konsehal, mayor, vice mayor, governor, senator. Pero may napuna ako sa isang boombastic sounds na ipinapatugtog sa tapat ng bahay namin. May nagngangalang Ricky Eusebio ang tumatakbo bilang konsehal.

Watapak? Isa nanamang Eusebio ang tumatakbo at naghahangad na maglingkod DAW sa bayan. Huwat?! Ano ba itow! Noong bata pa ako around 10 years old ata noon ay si Enteng Eusebio ang mayor dito sa pasig. after 6 years ata noon ay ung may bahay nia naman ang tumakbo. Soledad Eusebio  nag-mayor. Den ang anakish nia ay tumakbong Konsehal. After ng term ni ng mother bear ay tumakbo naman sa pagka-mayor ang baby bear na si Bobby Eusebio at nanalo laban kay dudut jaworski. At ngayong naman ang tila kapatid ni Bobby ay as konsehal na. Kung magreretire na ba sa mayoral slot si bobby ay nakikinita ko na si Ricky naman ang susunod.

Dynasty! Usong-uso dito sa politika sa pilipinas. Halos kahit saang lugar may ganto. Pagkatapos ng Lalaki, ang asawa. Matapos ang asawa, mga anak naman. Kulang nalang pati apo sa tuhod ay tumakbo na din kaagad sa politika. Isama na din nila ang mga inday at boy nila sa bahay! Better yet isama nila pets nila.

Ganto din ang nagyayari sa mas matataas na posisyon like senators. Pansinin ang commercial sa tv. OPO! Panahun pa ng tatay ko! Paking shet! So gusto nio kayo nalang?! Sige! Sila na! Lagi nalang sila ang maglilingkod sa bayan? Papa bear, mama bear, baby  bear, another baby bear, cousin bear at pati na teddy bear tatakbo at maglilingkod!

Sa aking obserbasyon, tila ginagamit nalang ang pagsisilbi sa bayan upang lumaki ang kaban ng yaman nila. Pagsisilbi ng mga walang silbi. Kung totoosin, may nagagawa naman sila kaso over na! ooooooover! char! Subra na sila sa pagseservice, kumbaga sa pagsasaing e halos tutong na kasi naubos na ang sustansya. Kung paaabutin pa sa 5th or 6th generation ang uupo sa pwesto, so super duper mega to the 8th power raised to 9 multiply by 68 na ang makukuha nilang power at yaman sa mamamayan.

Hay nakow! Mga naganid sa kapangyarihan. dapat ay inillagay sila sa kulungan ng mga buwaya. O kaya sa kulungan ng mga vultures!

Monday, April 5, 2010

Birthday ni Madam!

Kaarawan ata ngayon ng Presidente ng pilipinas kasi nabasa ko sa diyaryo at nabanggit sa TV.



Ang masasabi ko, since birthday nia ngayon, sa mga over ang galit kay GMA, baka pede spare her at least for  today. Saka katatapos lang ng Holy Week e back to murahan/insult/flame ang gagawin natin? Kahit di ako total oposisyon at dirin total admin, ang masasabi ko lang ay bawat tao ay may karapatang lumigaya sa araw ng kanyang birthday. Pis bi wid yu ol!

Wednesday, March 31, 2010

Drama Mode

Nag-eemote ang dalawang presidentiables.... Paki-namin sa past nio, yung magagawa nio ang basehan sa pagkapangulo!


Sunday, March 21, 2010

ColorCoding!

Matagal na itong kumakalat sa facebook pero ngayon ko lang napagdesisyonan na ipost. Akala ko lang kasi nung una inilagay sa bioman ang pics ng mga kandidato pero ngayon ko lang napansin na ang mga kulay ay naaayon din sa politikong gumagamit.


Thursday, March 18, 2010

Presidential Shirt



Ako ay tumitingin ng mga recent post ng mga friends at kakilala sa facebook ng makita ko ang isang post na nagbebenta ng tshirt na may imahe o caricature or cartoonized na image ng mga presidentiables at mga vice-presidentiables. Nakakatawa na ngayon ay tila pede na ding gawing pang negosyo ang mga kandidato at pede na din para makapag promote ng vote wisely campaign. Ang larawan na aking ginamit ay galing sa facebook account pero tadtad ng watermark marahil para maprotektahan sa mga pirata ng design.

Ang mga designs ay makikita sa link na nasa ibaba:

Wednesday, December 2, 2009

Madam Gloring!



Nagdesisyon na si Erap na tumakbo sa halalan, at heto at may desisyon na din si madam. Nakapag-isip-isip na daw sya at nais nia daw pagsilbihan ang mamamayan ng kanyang tinubuang lugar, ang Pampangga (mukang mali ispelling).

Kagabi, napanood ko sa balita na sya nga ay nais kumandidato bilang kinatawan sa kongreso. Nais niang kumandidato sa mababang posisyon dahil matatapos na ang termino nia bilang pangulo.

Para sa akin? dapat ay di nalang sia tumakbo dahil baka mapagod sya. Pwera biro, dapat ay tumigil na sya. Ang byahe sa paglilingkod sa bayan ay dapat matapos sa pagka-pangulo. Ang mga taong nais paglingkuran at pagsilbihan ang bayan ay dapat magsimula sa kanilang maliit na lugar muna hanggang mapalawig ang kakayanan at ang katapusan ng paglilingkod ay matapos pagsilbihan ang buong bansa. Ang opinyon ko ay dahil takot sa maagang kamatayan ang mga kandidato ay sabik sila na lumukso at tumalon sa mas mataas na baitang na hindi nila lubos na naiiintindihan ang problema ng maliliit na mamamayan.


Thursday, November 12, 2009

PoliticAdvertisement!



Ngayong araw na ito, nais kong ilagay ang mga politikong nakikita ko ang pagmumukha sa telebisyon. Ang mga larawan ng kung anu-anung pagpapapansin upang matawag ang atensyon ng publiko at para maengganyo ang masa na sila ay piliin sa nalalapit na halalan.


Si Chiz escudero, ang may tagline na may bagong umagang padating. Kung iisipin mo ay bagong sabak palang nga sya sa pagiging senator. Baguhan sa politika, may masasabi ba sa pagtakbo nya bilang Pangulo ng pinas? Di ko din alam kung anung mga batas ang naipasa nia sa senado o kaya sa kongreso. Isang laging bumabanat ng kapintasan sa kasalukuyang administrasyon, subalit kung sa kanya mapapadpad ang kapangyarihan, kaya nia bang sanggain ang mga banat na ipinukol nia sa gobyerno ngayon?



Sunod sa listahan ang laking Tondo na si Manny Villar. Si Villar na nanggaling sa mahirap na tutulong daw sa mahihirap. Kilala na sya sa senado at masasabing di na sya baguhan sa politika. May mga iskandalo ding binabato sa kanya pero walang matibay pa na pruweba. Ang sa akin lang, Lahat ng ng mahihirap ay nasa wastong pag-iisip at nasa tamang desisyon upang piliin ang tama? Laging kahirapan nalang ba ang ipagduduldulan? Mahirap, mahirap, mahirap, e minsan ang mahihirap din naman ang nagpapahirap sa kanilang sarili.



Noynoy Aquino, ang anak ng kilalang tao na sina Ninoy at Cory. Ang biglang sumabak sa kandidatura sa pagkapangulo dahil sa tinatawag ng iba na "Legacy" ng kanyang ama't ina. Ang sa akin lang, katulad ni Chiz, wala pa syang masyadong karanasan sa mas mataas na posisyon. At isa pa, sa aking palagay, lagi na lang ba tayong titingin sa nagawa ng magulang? Ibang tao si Noynoy, maaaring may nakuhang ugali mula sa magulang subalit iba din ang mga nakapalibot sa kanya at di natin masasabi na may ibiubuga sya sa politika. Ang commercial na star-studded ba ay sapat na upang masabing may karapatan sya?



Gibo Teodoro, ang pambato ng administrasyon ngayon. kung tutuusin, di ko sya kilala. Ngayon ko lang ata narinig ang pangalan nia. Masasabing halos paguhan pero halos tradisyonal din. Ang sabi ng karamihan ay may kagalingan sya. Para sa akin, nag-aalangan ako kung anu ang magagawa nia sa bayan dahil kahit ang buong bayan ay di sya kilala.




Ang Mayor ng Makati, Jejomar Binay. Kilala sa tagline na "Ganito kami sa Makati, Ganito sana sa buong bansa". Ang kilalang oposisyon ng kasalukuyang administrsyon. Ang namumuno sa Makati na kadalasang pinagdarausan ng mga Rally at protesta. Nakakatawang isipin dahil pinagmamalaki nia ang Makati samantalang ang mga gusali at kaayusan ng bayan ay di nia naman talaga pinakealaman dahil ang mga malilinis na gusali ay pagmamay-ari ng business sectors. Ang kaayusan ng trapiko sa lugar ng Business district ay sa gawa ng MMDA. Sa aking palagay, makuntento nalang sya sa pagiging Mayor.



Loren Legarda ang huli sa aking talaan. Ang komersyal nia tungkol sa pagkasira ng kalikasan na dulot ng tao. Kilalang dating journalist ng ABS-CBN at natalong kandidato sa pagka-Bise Presidente noong nakaraang halalan. Isang babaeng kinikilala ng mga grupo ng kababaihan. Isa sa nagpatalsik kay Erap. MAsasabi ko na bihasa na sa daloy ng pulitika subalit di ko din mawari kung may kakayahan din syang mamuno.


Sila ang mga mukha na makikita sa araw at gabi na nagpapahiwatig na tumakbo at nananalangin na sana ay dingin ng taong pilipino ang kanilang panawagan tungkol sa magandang pamumuno at liderato. Ang sa akin lang, sana ay hindi pera ng mga tao ang gagamitin nila sa kanilang kandidatura.

Wednesday, October 21, 2009

Running Erap!



Matapos kong magising, sumambulat ang balita sa telebisyon na ang dating Pangulo ng Pilipinas ay tatakbong muli sa pagka-pangulo. Tama. Ang Dating artista at ang dating chikboy na si erap at ang napiit at na-impeach ay nagdeklara na tatakbo sa susunod na halalan.

Nakakatawa! Ang taong sinipa at pinatalsik ng taong bayan sa salang pagsamsam sa yaman ng bayan. An taong nangurakot ng buwis ng bayan. Ang taong nadawit sa Gambling ay nagpreprepara upang bawiin ang pwestong kanyang nilisan sa kasagsagan ng EDSA Dos. Ang taong may patilya ay gugulantangin ang mundo sa kanyang anunsyo!

Aking naaalala na noong nasa High School ako ay sya ang usap-usapan sa aming silid-paaralan. Mga kwento ng mga kaklase ko na dumalo sa rally upang sipain sa upuan ang kilabot na buwaya. Mga pagmamayabang ng aking mga kamag-aral na meron silang souvenir ng mga tarp at stickers kontra erap. Hanggang pakikinig lang ako dahil hindi ako sumama sa rally. Nagpaiwan ako sa bahay dahil ang akala ko ay magkakaroon ng Pokemon sa TV. Nagkamali ako. Walang TV show. Tanda ko na ang Edsa Dos noon ay ginanap, biyarnes at Sabado at pagsapit ng Linggo ay natanggal na sya sa puwesto.

Nakakaawa ang sitwasyon ng politika ng Pilipinas dahil ang taong trinaydor ang bayan ay syang kasama sa mga top people na nais daw ng taong-bayan na pangunahan ang ating bayan. Parang hindi na natuto ang pinoy at nais nilang maulit ang nakaraan na ang ganid sa pera at kapangyarihan ay gagawin muli ang dating plano.

Sana lang ay maging matalino ang bayan at hindi sya iboto.