Showing posts with label korean movie. Show all posts
Showing posts with label korean movie. Show all posts

Monday, September 19, 2016

The Flu

Hey! Isang magandang monday sa inyong lahats. Kamustasa kalabasa? Heto nanaman ang inyong lingkod para naman magpost ng review-reviewhan ng peliks.

Wells, popular ngayon ang Train to Busan at dahil dyan may kung anik-anik post na makikita sa social media. At sa ganitong makemeng bagay may posters na mamaru at syemps pabida.

May nakita akong post na kung nagustuhan daw ng madlang folks ang Train to Busan, magugustuhan din daw ang the Flu. At dahil dyan, ang -piniratang tabing ay may kopya na ng peliks at may tagalized version na.

And so.... knows nio na kung what film ang review for today.


So magsisimula ang wento sa isang gang na naglalagay ng mga madlang folks sa isang container van para makapuslit sa Koreaaaaa ave koreaaaaa.....

Tapos pagdating ng korea, pagkabukas ng container van... deym... Lahat ng folks na nasa loob ay nategibells na. Deads na sila. At tanging isa lamungs ang nakaligtas...

Then ipapakits na ang main bida ng peliks. Isang guy na nagliligtas ng mga folks. Iniligtas niya ang isang girlay at medyo nainlababo si boy.

Turns out, doctor ang propesyon ni girlay at nalaman nila na ang kumakalat na nga ang virus virus flue at kailangang makahanap ng lunas.

So yung place kung saan nagkaroon ng outbreak ay kailangang ma-isolate para di mahawa ang buong korea.

Tapos ang tanging way ay makakuha ng possiboe vaccine mula sa survivor ng flu. SO kialangang hanapin.

Kaso na-infect ang junakis ni girlay at si boy bida ay naging protector thingy ng mag-ina.

Tapos magdedesisyon na ang president ng bansa kung kailangang isakripisyo ang mga folks dun sa infected area or hindi.

Tapos the end...

hahahaha.

For me... ewan ko, di ako totally nakuntento at nasatisfy sa story. Nope, for me hindi masyadong exciting compared to the  Train to Busan.

meeeeh... bibigyan ko lamang ng 8.1 tong The Flu. Nakakabwisit ang both sides at mga tao sa peliks. Hahahh. Nothing to cheer nothing to root for!

O sya, hanggang dito na lang muna.


Saturday, September 3, 2016

Train to Busan

edit: May charuterang report achuchuchu kaya pinatake down ang post na itwu. Kaya heto, wala na pics.

Wake me up..... inside! Wake me up inside! Call my name and save me from the dark... Akala ninyo wake me up when september ends? No! I can't sleep ng ganun katagal no.

Anyway highway my way, ngayong araw na ito ay may moview review-reviewhan nanaman para sa bloghouse na ito. 

Ang palabas ay isang Korean Movies na pupular kaya naman gumawa ang pinas ng way para maipalabas din ito here sa ating bansa. Ito ay ang peliks na tungkol sa Train... Thomas the Train! Charots! Train to Busan.

O! Wag OA mag-react ha... kung manonood ka pa lang at ayaw mo ma-spoil, pede i-close at mag-train to Recto ganyans.






So kung handa ka na... let's go!



Magsisimula ang peliks sa kemerut eksena na may quarantine achucuchu somewhere. Tapos may nasagasaan na isang Deer pero nabuhay itwu este nag-reanimate... you know... the things zombies do.... 

Meanwhile, etong Bida ng Coffee Prince ay may fambam conflict kasi yung junakis niyang babae ay gustong magpunta sa mudrax niya kasi walang time si pudrax ganyan... you know... fambam problem..

Ayun na nga, walang choice si Pudrax kaya sinamahan niya ang kanyang bagets papuntang Busan. At they make sakay na nga sa Choo-choo train. Ipapakita din ang mga ibang passengers ng train.

Lingid sa kaalaman ng mga madlang pipol na nakasakay ng train, nagsisimula na ang pagkalat ng epidemya zombiepocalypse. At sa kasamaang palad, may epaloid na girlay na nakasakay at pumuslit sa loobs... Lam mo na.... start na ng masamang mangyayari.

Ayun na nga... so nag-start na magka-hawa-hawa ang mga pasenggers. It's like kung pano nahahawa ang ilang tomatoes kapag may isang rotten tomato ganern!

Shempre.... kailangan makaligtas... takas-takas ang mga tao. Moving from one part to another. Then may nalaman sila ng slight na hindi sila inaatake ng zombiefied folks unless nakikita sila ng mga itwu.

Medyo madami pa naman ang survivor pero kailangang mag-force stop ng train at pababain na ang passengers sa Betty-Go Belmonte Station.

Pero wrong choice! Yung station na binabaan nila infected na din at madaming nakaabang na zombies. Sumugod kapatid sila sa mga bumabang pasahero at nangalahati nanaman sila.

Back to train sila kaso nagkahiwa-hiwalay yung mga bida-bida ganyans. Syempre kelangan magkakasama ang mga non-infected so kailangan mailigtas nila ang sarili nila.

The guys ay nag-attempt na mag-move para iligtas yung mga na-trap sa cr ng train. Fight fight fight. Tapos nalaman din nila ang weaknes ng zombs, na di sila maka-attack kapaag madilims.

suspense.... suspense... sino ang magsusurvive ganyan.

pero shit really happens at talagang puta-puta ang shitness kapag naganap. Yung eksenang epaloid yung ibang pasahero at inisolate pa nila yung mga bida chenes. Pero Karma's a big bitch kaya naman nategi yung mga shutanginang ekstrang pasahero na survivors.

Dahil sa train problem, di makapag-push to Busan ang train. Kailangan nilang lumipats... i mean for the remaining few survivors. 

Subalit malupit ang tadhana at isa-isa ding natetegi yung mga bida. Isa-isa na silang nazombified. Until sa padating na.. Final 4!

At dito na bibitinin ang wento. Panoorin ni kasi!

Score ng film for me ay 9! yes! mataas sya. Eto yung peliks na nakaka-excite kung ano ganap. Though hindi super dugo or gore n ineekspect ko pero not bad. It's a zombie with a heart ganyans.

Mga napansin ko lang... Tatag nung buntis, nakakatakbo at hindi man lang nakunan or napaanak ng wala sa oras. Tapos kailangan puti ang damit ng mga bida? para makita ang bloods ganyans?

All in all... good film itwu!

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!

Thursday, May 8, 2014

Miracle in Cell No.7


Hello there! How's your week? Nangangamusta lang, chumecheck lang kung okay kayo. Hopefully ay nasa oks na kalagayan kayong mga readers.

For today, mag movie review-reviewhan nanaman tayo. 

Ang pelikula sa araw na ito ay nirecommend sa akin nung suking dvd seller sa quiaps mga february pa kaso this week ko lang nagawan ng time to panood the film.

Movie title ay ang blog title, "Miracle in Cell No. 7" na mula sa bansang Korea!

Ready  na kayo? Let's Go!

The movie starts sa mag-amang nakatingin sa harapan ng tindahan. They make sing and dance to the tune of Sailormoon song (yeah, yung may tag na 'Parurusahan kita, sa ngalan ng buwan!'). Dito may nakadisplay na Sailormoon Bag.

Medyo poorita corales ang mag-ama so di pa nila mabili yung Sailormoonbag. However, may isang pamilya ang bibili ng bag. Oh nose! Nagpanic ang mag-ama. 

It turns, medyo sinto-sinto at mentally retard ang pudrakels  kaya di maka-comprehend na nabili na ang bag. So pilit nitong sinasabi na sa junakis niya dapat yung Sailormoon bag. Ayun, Nagulpi at sinapok-sapok ng tatay ng nakabili ng bag si poor dad. 

skip ng konting mga araw.

Sumuweldo na si poor dad at may kashing-kashing na sya para maibili ang mahal niyang junanak ng bag. Yung isang bagets na nakabili ng Sailorbag ay sinamahan si sinto-sintofather sa ibang shop daw na may Sailorbag.

Dito ay magkakaroon ng probleyma. Naaksidente yung batang girl. Tapos may nakakitang epalod na assumerang ale na inakala na pinamanyak at pinatay nung sinto-sintongfather yung bata. 

Ayun... Boom! Panes! Charot! It turns out, na junakis ng high position sa kapulisan ang batang naaksidente at ito ay nadeds (poor sailorgirl). At dahil sa may position ang ama ng namatayan, huhubells at kawawa si mentally tard-dad. So na-forge at iniba ang statement at napwersa si mentally-retard-dad na tila akuin ang kasalanan.

Nakulong yung tatay na may saltiks, at ang kanyang possible na parusa kung mapatunayang guilty ay Death Penalty.

At dito na papasok ang mga anik-anik na kaganapans sa prison life ni mentally retardad at kung pano niya kamahal much ang junanak niya kasama na din ang pagka-touch ng mga prisonmates and some jail wardens ganyans.

Score for this film ay 9.

Grabe, nakakaawa ang nangyari doon sa tatay. Yung mga gulpi na inabot niya, yung harshness sa kanya and stuff. Nakaka-iyak yung batang babae na anak ni retarded dad. Nakakainis yung chief of pulis na blinackmail si retardad na kapag pumalag, kawawa ang anak nia.

Aaminin ko, naluha ako ng mga 5 drops of tears sa left eye while watching the film. Grabe, nadama ko yung kurowt sa puso na dulot ng peliks.

Nakakainis lungs??? Everything started due to the Fucking Sailormoon Bag! kaya kayo, tandaan, walang magandang dulot ang Sailormoon Bag! Hahahaha.

O sya, hanggang dito na lang muna, Take Care!

Tuesday, August 6, 2013

Two Weddings and a Funeral

Happy weekend for me! Technically kasi ay weekend ko na dahil restday ko nanaman! I know! Ang restday ng wednesday at thursday ay medyo wirdo but what can i do, accept the fact and go on and move on. hehehehe.

Since nalalapit na ang pamamasyal ko sa ibang lupalops ng ating bansa, kailangang magtipid-tipid at talagang effort kung effort para makahanap ng way to save cash.

Kaya naman taong bahay lang me at magkukulong sa flat at magmamarathon lang dvd at dvd at dvd at dvd at dvd! mergerd!

For today, peliks padin tayo.... Tapos na tayo sa chinese peliks, sa thai, sa japanese, sa us film, sa pinoy pelikula so kaya naman lipad tayo sa bansang..... nobody nobody but you! Korea!

Film of the day........ basa-basa din po.... baka matuklaw na kasi obvious na...... ayan.... Two Weddings and a Funeral.

ready for the synopsis at pina-ikling version ng film? kay...... lets gow!


It started sa isang pagsasanib ng isang lalaki at isang babae sa seremonyas ng pag-iisang suso este dibdib...... Kasal! Yep! May kasal na naganaps between folks na nagtratrabaho sa ospitals.

After ng kasal it turns out na ang kasalang naganap ay panggoyo lang para di malaman na somehow, the girly-girl is somehow inlababo sa kapwa girl.....


So si guy na nagpakasal, kawawa naman kasi habang nagkakaroon siguro ng kiskisan between pechay and tahong o kaya ng mani at ng kweba, si boy ay alone.....

Nakahanaps naman ng somehow labidoods si boy kasi na-meet niya ang tila makaka-espadahan niya at makaka-talong-talong moments.


Both pakners ng G2G at M2M looks happy naman pero kailangan pading itago ang smell na something malansa and green..... Kailangang maitago ang lihim sa magulangs ng nagpakasal.

Pero syemps, walang lihim na di mabubunyags. Nalaman ang eksenang may girl to girl moments at ang akala ay kawawa si boy kasi naiiputan sa ulo.

pero sa end, naplantsa padin ang gusot dahil sa eksenang medyo shocking.... may funeral.... at dahil doon, sa bandang huli merong doube wedding.


Score, bibigyan ko ng 8.7 ang pelikulang ito. Maganda naman siya, tumatalakay sa gender issue at paranoia to love the person na mahal mo and but be cautious of the possible na panghuhusga ng tao na hindi nakaka-appreciate at tila nabubuhay sa ilalim ng bato na di pa alam ang 3rd gender ganyan.

Kinda kawawa lang yung nangyaring aksidente sa bandang dulo.... yun lungs. heheheh.

O sya, hanggang dito na lang muna..... marathon mode muna.

K, thanks,take care!

Saturday, March 9, 2013

Don't Click!

Di mo ba nakita yung title ng post? Don't Click diba ang nakalagay? Bat mo clinick? You don't do that to me! Chos! Mustasa? Weekend na ng ilan sa inyo unless wierd ang restday nio like sa akin na weekedays-weekend. Enjoy the saburdei at upcoming sunday.

For today, bibigyan ko kayo ng mini review-reviewhan about a film na nipanoods ko last restday ko... last thursday. Ito ay ang pelikulang "Don't Click!".


Ang wento ay tungkol sa isang kumakalat na chismis na merong isang video na kapag pinanood mo, hindi pwedeng hindi mo tapusin. Well, hindi yung scandal video ni sadako ang tinutukoy so walang babaeng hindi marunong mag-rejoice ang aakyat sa balon at lalabas sa tv. Ibang video to.

Tapos sa peliks merong magkapatid na chikas. Yung isang babae e nagkaroon ng kopya ng video at kanyang pinanood ito. Ayun. dito na magsisimula ang mga medyo freaky-freakihan eksena.... 

It turns out na ang mga nakapanoods ng video ay matitigowks. Bakit kamo??? Kasi merong isang girlaloo na ang tatay ay nasangkot sa isang video scandal. May short vid na may isang lalaki na tila momolestyahin ang isang drunk girl. Alam mo yung video ni amalayer??? Parang ganun.... naging usapan at andaming kuro-kuro at andaming sawsaw suka at epalods na judgemental agads-agads. A

Yung anak ng lalaki sa video ay na-cyber-bully. At dinibdib ang mga panliligwak ng lipunan. So it turns out na nagpakamatay yung girlaloo at lahat ng umapi at kumuyog sa kanya online ay paghihigantihan nia.

Score....... 8 lang. Well, for me ay ayos lang naman ang kwento. Medyo naaakma sa panahon ngayon na madaming mapanghusgang tao base lamang sa mga short vids na napapanoods. Kung totoo nga lang to, edi masaya para matanggal at maalis ang mga trollers and harsh people na may guts lang dahil anonymous sila.

Pero may mga factors na parang boring ang flow at di gaano nakakasuspense kaya naman sapat lamang ang 8 for the film.

Oks, hanggang dito na lang muna. Take Care folks!

Tuesday, February 19, 2013

Sex of Magic

Heyoh! How's life? Okay pa naman ba? Good! Kung hindi, like what i'm currently experiencing.... well, better luck next time sabi ng iba. Chumorow iz anader dey! Okay lang ang makaranas ng kabiguan, kalungkutan, kamalasan at iba pa. Ang mahalaga ay magmomove-on tayo at matututo sa kamalian.

For today, let me share a movie na napanood ko last week pero ngayon lang ako nagkaroon ng time na magsulat. Yung moment na ngayon ka lang nagkakaroon ng gana na magsulat dahil medyo umookay ka na. 

Ang pelikula for today ay mula sa bansang Korea. Yep. Korean film ito, hindi Taiwan or Indian or Chinese. Gusto ko lang iemphasize na Korean. lols. Tile: "Sex of Magic".


Ang pelikula ay magfofocus sa isang boylet na merong fiancee. Ikakasal na sana sya. Kaso.... mayroong aberya. Yung juwanger-z niya na girlay.... medyo di satisfied.... Di masaya si gerlay sa kanyang SEXLIFE! Oo, tama ang basa ninyo.... mababa ang rating ni girl sa pag-kembular sa kanya ni boylet.

So humingi ng lifeline si boylet sa kanyang friend. Humingi si boylet ng advice from different SEX-GURU kuno pero amportyunetly gago yung friend nia, nanggagantso lungs, parang nipeperahan lang sya at nanggogoyo lungs.

Naka-strike-3 si boylet at hindi niya nasatisfy si girlay. Ayun.... hiwalay ang puti sa de-color. Break-up ang naganap. Devastated at wasak na wasak ang puso ni nastymac.... Stupid! 

Napadpad si boylet somewhere na parang templo at doon may nakilala siyang magtuturo sa kanya to give that BIG Ohhhhh sa kanyang girl.

Dito siya ay nagtraining ng kung anik-anik para sa mga kembyular at eskabeche tekniks! Merong stamina building at mga sex drive chubachuchus.

Ang ending???? hahahaahahah... shekret! Di ko sasabihin! Kelangang mambitins! Bwahahaha.

Score: 9!

Wow! 9???? Sigurado???? Oo, sapat ang 9 sa score.

Kahit medyo luma ng slight ang film dahil circa 2002 pa (based from my research), okay yung flow ng story. May funny factor at may //(.)(.)\\ ( . ) ( . ) (.)(.) factor. Meron ding kemutan as in madaming kembot na napakita. 

Note: ang pelikula ay di pedeng panoorin kung may bata-batuta sa bahays... Madaming boobies, butt scenes at pumping scenes na makikita. at may unggol factor kaya dyahe kung maririnig lalo na kung possibleng madinig ng kapitbahay/ kapit-unit. ;p

O sya, hanggang dito na lang muna! Tekker!

Pahabol, sa quiaps ako bumili so di ko masasagot ang katanungan kung san madodownload. hahahah.

TC!

Wednesday, October 10, 2012

Windstruck

Anyeong! Kamustasa! Ellow-ellow mga fifols! Anyare sa inyo? Hopia doing olrayti. So nasa adjustement period padin me dahil sa paglipat sa new balur. Pero keep ko na lang sa sarili para di makahawa ng negativity. Gusto ko kasi happy keo.

For today, isang peliks review shenanigan ang mababasa ninyo. Oo, magbabasa na ulit ng review, asian peliks pero to be exact, korean film.

Windstruck ang name ng peliks for today. Matagal na to sa pc ko na kinops ko sa opis noong hindi pa uso ang virtualization at ang bawat pc sa opis ay may stored peliks ng mga employee. Since nagkakaroon ng cube rotation, nakakakuha ako ng stored peliks sa mga pc.

heniway, let's go back t-back sa peliks. Windstruck.

 
Ang peliks ay magsisimula sa siga-sigaan na girlaloo na may trabaho bilang isang pulis-putuli. Wan taym, habang naka-off duty ang girlay ay nakasaksi sya ng pagnanakaw at may tumatakbo. Boom, umeksena ang lola at nakihabol pero amportunetly, ang hinabol niya ay yung humahabol sa magnanakaw. Spell Shunga!

Ang nahuli niya ay si boylet na teacher's pwet (hindi si sir Mots). So syemps, conflict-conflictan ang peg. May tampurorot paktor at di magkasundo ng slight kasi may attitude problem si girlay.

Then one time, due to the attitude problem ni girl at sa pagiging righteous, may nakabangga silang bigshot na businessman dahil tinuruan na lechon este leksyon ni girl ang barumbadong kiddo na junakis ni businessman. Ayun, nag-ala barney si businessman at nilait-lait, tinampal-tampal at binully sa police station si girl.

Di nakapagpigil si boy sa nasaksihan so nagpanggap ang lolo bilang isang wanted-wanted criminal at umarte. Ayun, tiklop ang maangas at mayabs na si barney. At dito magsisimula ang pagkakasundo ng dalawa (ni boylet at ni girlay).

Pero wait, di dyan magtatapos ang istorya. ganto kasi yun. Then one time, nasa isang operation si pulus-patuli tapos may huhulihin silang criminal. E umeksena si boy at napasama sa place. Tapos may pulis patola na na boblaks ang accuracy, boom, nabaril at napatay si boylet. Akala ni ni girl sya ang nakabaril. emergerd right?!

Halos mabuang-buangan si girlay. Pero naalala niya ang one time na nabanggit ni boy. Na kung matetegi at sumakabilang-buhay, gusto niyang maging wind. Then may mga moments na nafefeel nia si boylet kapag may hangin na umiihip.

Thus, pinuputol ko na ang wento. Di ko na tatapusin ang storya. bwahahaahah.

For me, may puntos na 8 kasi noong pinapanood ko to, napapafast-forward na lang ako. hehehe. Pero infairview, okay naman for me ang plot at ending. Though di sya happy ending, may kakaiba padin sa atake ng kwento.

O cia, hanggang dito na lungs muna. Tekker!

Thursday, September 20, 2012

Korean Film Festival

Annyeong-Haseyo Oppa-Nunna-Unni-Hyung-Ajjushi-Ajjuma-Chingu. Lols. Kamustasa mga friendships! Well, kagagaling ko lang kahaps sa megamall dahil sa nagaganaps na Korean Film Festival.

Ang Korean Film Fest ay isang pakulokulo ng SM mall kung saan parang ginaya nila yung Eiga Sai ng ShangriLa. Pero let's give it the benefit of the daw. Instead of Japanese film, ang palabas Korean film kaya nga Korean film fest e.

Ang current film fest ay tatakbo from Sept. 18-23 na nagaganap sa Megamall. Tapos after nun, sa SM Baguio from Sept. 26-30 at last ay sa SM Cebu from Oct. 3-7.

Ang proseso, punta ka lang before screening time para pumila if ever may pila tapos papasok na kayo at i-enjoy ang peliks.

Sa mga hustlers, kailangan chunky check na may water and foodies ka sa bag na di mabibisto ng bantay. Pag meron ka noon, naku, buhay ka na at pedo mo mapanood yung taklong peliks per day! Yan ang strategies ng mga beterano na sa mga free films (based sa naobserbahan ko sa mga nakasabay ko sa first and second film, mga laging handa).

Aniways, share ko sa inyo yung dalawang peliks na napanoods ko. Bakit dalawa lungs? Masakit din sa pwet ang nakaupo lungs. hahaha. Atsaka napanood ko na yung 3rd peliks, may review na nga din yun dito e. Hanapin nio na lungs yung Spellbound.

1. Bunt

Ang wento tungkol sa isang bata-batuta na merong saltik or much better itawag natin na special sya. Mahirap makapik-up. Pero kahit na ganun, feel na feel ni kiddo na pumasok sa iskul kahit na nabubully sya at ayaw tanggapin sa skul. Pero kahit ganun, nag-kapit-bisig sila at sinuportahan sya ng loving father dear nia at go go gogo lang ang peg.

Bakit bunt ang title? eto kasi ay dahil napasok sa baseball team si kiddielets at may part na tinuro sa kanya ang isang pamamaraan ng pagtira sa baseball.

Simple lang ang movie pero touching din with a zest of humor. Sakto lang, di gaanong madrama, di gaanong kenkoy at di boring. Grabe lang ang love nung father sa son nia. May score na 8.5

2. Highway Star

Eto naman ay tungkol sa isang rock star wannabe na biglang naispatan ng isang talent scout upang gawing protege, the battle for the big artista break. So sama naman tong si wannabe rockstar. Kaso, yung genre ng music na gusto ng talent scout ay isang genre na para sa kanya ay so badukis, walang style, jologs at nakakahiya.

Pero eventually, syemps, kelangan maka-adapt sa pagbabago ang bida. Naging mahusay sya at naging famous, kaso nagtago sya sa maskara kasi nga, di nia pa keri na mag-out dahil, hiya pa sya sa genre ng music.

Actually napasadahan ko to noon kaso di ko inapos kasi parang jologs for me yung tema pati music. Pero nung napanood ko sya with a number of peops sa megamall, pwede na din at funny din at keri naman. May score din na 8.5

Para sa mga walang gagawin sa mga next days, try niow, libre naman e, madaming nag-enjoy (kanina mga labers both oldies and yuppies, mga students, mga teachers, mga officemates, mga berks, at mga forever alone like me. hahahaha)

O cia, hanggang dito na lang muna,take care!

Saturday, July 21, 2012

Two Faces of My Girlfriend


Annyeong hashimnikka! Kamusta na mga ka-Khanto. Pasensya na at nagrants nanaman me. You know naman.... di naman me perfect na tao. Minsan nababadtrip din at nais lang magbuhos ng saloobin.

Well heniway, for today, balik ulit tayo sa bansang korea kasi doon galing ang peliks na tampok for today's post. At ang name ng peliks ay 'Two faces of my Girlfriend'.


Hokey, simple lang naman ang plot ng wento. May isang not so good-looking guy na bagsaker sa iskwelaloo at tigang ang lablayp at ni kiss ay di pa nagagawa. Until one time ay may nameet siyang sweet, sugar candy at innocent girl named Ani. Dito nakatikim ng cherry ang binatilyo at nakatikim ng unang halik but then poof.... si Ani ay naging not so innocent at matapang at nikagat sya (not in a zombie and vampire kagats). Dito ay ang Ani ay naging si Hani.

Napa-Ermaygerd ang binatilyo dahil ang sweet and innocent girl nia ay may split personality at nagiging aggre type girl na talaga namang palaban!

Pero wag ka.... may twist syemps sa korean film na ito. It turns out na si Ani at si Hani ay another split personality ng tunay na girlaloo na nagkaroon ng trauma dahil nadedo sa kabundukang malamig ang jowaers.

So pano na ang lablayp ni not so good-looking guy? It's for you to make alam kasi di ko iwewento. Secret langs! hahahahaha.

All in all ay okay ang film na ito. Bibigyan ko ng around 8.5. Hehehehe. Though maganda si girl at maganda ang wento with a zest of comedy..... Medyo walang hyper kabogable moments na nakapag-palpitate o kaya naman nakapag-kilig-kiligan to the nth power.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Thursday, July 19, 2012

Spellbound

Whacha gonna do kung ang lab-interest mo ay di pedeng magkaroon ng relationship dahil sya ay binabantayan ng mumu? Ibig sabihin, lahat ng napapalapit sa kanya ay bubulabugin ng multo.

Aler.... Kamusta! For today, isa nanamang peliks ang ihahatid sa inyo ng kwatro khanto. Ito ay ang pelikulang may pamagat na Spellbound or pede din ang namesung na Chilling Romance.
 
 
Ang pelikula ay tungkol sa gloomy girl na nababalot ng kalungkutan. Nakaligtas kasi sya sa isang haksidente samantalang ang bespren niya ay nadeds. Ergo, bitterbitteran ang peg ng friendship at therefore hinahaunt niya ang friendship.

Dito naman papasok ang isang magician guy na na-curious kay gloomy girl. One time, nag-investigate sya about kay girl at natutunan nia ang istorya ni babe. And dahil dyan, pati si guy ay napalapit sa mga pagpaparamdam ng multows.

Kaya kayang isakripisyo ni boy ang takot at malagay sa revengeful mumu para lang makasama si girly? Yan ang kailangan ninyong malaman kaya kailangan niong mapanoods ito.

For this HoRomCom (Horror, Romance, Comedy), bibigyan ko din sya ng 9. Uu, mataas din. :D Maganda ang pagkakahalo ng panakot, pakilig at patawa. Clap-clap for this film.

O cia, hanggang dits na lang muna. TC!

Friday, July 6, 2012

A Frozen Flower

Hey! Warraps! TGIF mga fifols! Malamangs ay partey-partey night keyows! Tandaan, drink moderately... cigarette smoking is dangerous to you health...brush brush brush 3x a day....hahahaha.

Well heniways, mag peliks post naman tayo..... Ang pamagat ng peliks ay ang same pamagat ng blog post.... A frozen flower.... sa tagalog..... Tigang na bulaklak.... jowk.... Nagyelong bulaklak or kahit na anong translation. :p


Ang peliks ay sa kapanahunan nila jumong, jang geum at queen seondok.... meaning, noong ang korea ay under pa sa super duper mega old school kingdom ekek pa.

Ang takbo ng wento ay ganire..Sa korea, may isang aring-king-king-king na namumuno. Si King ay bumuo ng 36 royal army na puro boylets. So mula bata-batuts ay naging brave soujaboys ang mga selected men at eto ang kaniyang naging tau-tauhan at bantay.

The King

Sa 36 na kalalakihan with different espada.... merong peborits si king... ito ay ang commander. Si commander naman ay loyal at faithful sa king kaya naman sunod-sunuran ito.

Si Commander

Ang shaking sa wento ay si King at si Commander ay may relasyones! May boy-to-boy este M2M relationships ang dalawa. So may seksenang nag keribambam sila.


Then, may gumugulo sa powers ni king. Kung gusto niang manatili sa trono, kelangan niyang magka-junakis at kelangan niyang ma tisbun ang kanyang queen. Pero no-no-no-no-way ang birit ni king. No touch policy sya. Di nia keri ang sumawsaw sa tahong at ayaw niang diligan ang lumpia ng queen.


Nakaisip ng plano si king na ang kanyang boytoy ang magiging donor ng tam.. este magiging ama ng baby at ililihim na lang nila ang katotohanan. So pinagkasundo nia na mag salsa-boogie-tango-chacha ang kanyang queen at ang kanyang ka-siping.

Nung una, ayaw pa nung dalawa. May hesitation. Pero wag ka.... right after ng unang niig at after mag 2 become 1..... tila nasarapan sa get-down-get-down and move it all around and dalawa. May mga patagong sexena pa sila sa sinaunang library. Nasabik ang talong at tahong ng dalawa sa isat-isa.



Pero syemps, walang lihim na di mabubunyag..... Nakaramdam si king na hindi na mainit ang pagkembot at pageeskabechehan nila ni commander. Nakakahalata din sya na parang laging nawawalang parang bubbles ang boytoy nia.

Naging straight ata si commander at nainlababu kay queen. Noong nalaman ng king ang pagtataksil ng bowa/boytoy nia, binigyan nia ng chance ito pero mukang go for the girl na ang bulong ng puso ni commander. 

Dumating pa nga sa heksenang tinanggalan na ng yagbols si commander pero go go go padin ang love nia kay queen.. Di na matitibag... parang na-epoxy at na-tapal vulcaseal at minighty bond pa ang love nia.

At in the end, nagkapatayan ang dalawa sa kadahilanang di ko na matandaans. hahahahahaha. memogaps. Basta.

Total score ng peliks ay 8.5. Iba ang intensity during the dyug-dyug ni queen at ni commander. Bwahahahaha. Iba din kasi ang flow, na makikita mo ang kakaibang side ng korean history.

O sia, hanggang dito na lang muna. Hondoming calls. Buti at naisingit ko pa to while troubleshooting at habang sumasagot ng tawags. hehehehe. TC!

Tuesday, July 3, 2012

Bloody Reunion

Medyo naka-gets-over na ako dun sa muntikang panloloko sa akin so since wala namang singkong duling ang nakuha mula sa aking bulsaness, back to the regular programming na muna tayo.

Di ko muna agad dudugtungan ang Voltes post para naman may sense of suspense kunwari. For today, tayo ay magpepeliks reveiw-reviewhan.... at ang genre ng palabas.... love story. Joke lang. Takut-takutan/horror/bloody.

Alam ko most ng mga dumadalaws dito sa blogelya ay di masyadong trip ang genre na nabanggit subalit gantong peliks ang promising sa akins. hahahaha.

Pamagat ng peliks: Bloody Reunion.


Magsisimula ang wents kung saan merong isang pulis pangkalawakan o imbestigador na nagbukas ng isang kwarto na merong 5 bangkays na natorture o minarder!


Then dun na sisimulan ang wento kung saan ipapakita na merong isang teacher na may katandaan na. And then one by one, ang mga estudyante niya ay nagsisidatingan para dalawin sya.

It's a happy reunion sana ng teacher-students kaso it turns out na ang mga studyante nia ay may mga issue kay teacher.

One student ay napilay dahil sa na-over-fatigue ang binti sa pag squat tapos pinatakbo sa marathon. Yung isa, kinutya kasi jumbohala sa kajubisan. Yung isa natae sa short at pinagalitan. Meron namang dalawang students na minaliit kasi poorita at ang isa ay minolestya.

Then, at the night of reunion, one by one, may namamatay at pinahirapan. Yung isa binuhusan ng mainit na tubig sa bibig. Meron namang inistapler ang mata. Tapos merong kinuyog ng insekto/langgam at hinampas-hampas. Nice!

And so syempre like other story, ma-rereveal kung sino yung kupaloids na gagong pumatay sa mga klasmate. At dito marereveal ang twist sa kwento!

End.

For me, medyo slow ang pace ng konti pero maganda ang bloody scenes and torture. Maganda din ang naging event and revelation at ang twist. Kaso may something awkard sa ending.

Kasi anyare ay yung mga pinakitang may galit sa teacher, ay successful sa life at wala talagang galit sa teacher. Yung isang girlaloong student lang ang naka-experience ng bullying. Pero ang nakakapag-taka, ang sinabi ay nilason nia yung mga klasmate nia.(so kung nalason at napatay na, tinorture pa? palaisipan lang sa isip ko)

Bibigyan ko to ng around 8.4. Okay naman ito.Pasado at lagpas otso.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

Wednesday, May 9, 2012

Lost and Found

Di ko alam kung napost ko na tong peliks na ito before pero sa paghalukay ko ng aking archives, bigo ako. Alam mo yung feeling na na-post mo na pero wala talagang bakas na naipublish mo na. Hindi kaya nabura ng alien ang memory ko?

Well anyway, dahil unsure ako, eto ang post tungkol sa review-reviewhan about sa korean peliks na Lost and Found.


Ang story ay tungkol sa isang kelot na may crush sa isang guy from her previous school. Type na type nia si boy noon at A-for-effort at ipinagtahi nia pa ng jelepanteng istaptoy si boy.

Then one time, nakits muli ni girl si crush nia and amportunately, nagpa-bangga-banggaan epektus si girl at nagkunwariray na nagka-amnesia.

So may-i-take-care ang drama ni boy kay girl. At parang ibinahay pa ni boy si girl.

But-but-but at isa pang makaing butt este but. Si girl ay may bestpren/kapitbahay na kaklase nia din noons na deads na deads kay girl. So syemps trumatrayangulo ang lab-story na.

And so umeeffort si other boy to remind the girl of their friendships and how-how the carabao na-fall si other boy kay girl.

And so........ bibitinin ko ang wento at tapos na po ang synopsis. Lols.

So-so lang pero pwede na. 7.5 score. Actually oks naman sana kaso medyo walang kilig-kilig portion. Walang masyadong memorable scenes.

O cia hanggang dito na lungs muna.

BTW, yung The Soul Searcher po ay isang fiction story. Picture ko lang ginamit kong pic kasi wala akong mahanap na pics from google. :D

Saturday, May 5, 2012

3 Iron

It's hard to tell that the world we live in is either a reality or a dream.


Wow, kumo-quotes for the post? Well, yan ang quotable-quote mula sa peliks na kakapanood ko pa lang. 

Kumorean movie muna us. Oo, dapat alternate ang mga peliks. Para paiba-iba flavah.

Check the title of the post. Yan nga pows ang pamagats ng peliks. Hindi ito ralated sa mga duplicate or clones ni Ironman. Yan lang ang trip nung gumawa ng movey. Wala daw basagan ng trip. Gusto nia e. Hayaan na sya kasi masaya naman si taytol creator.


Ang peliks ay tungkol sa isang binatang loner na may sometimes. Meron syang modus operandi. Maglalagay sya ng mga flyers sa mga bahay-bahay at kung malaman niyang walang nagtanggal ng flyers, malamang sa alamang ay pede syang mag-gate-crash.

Pag may napili na syang balur, tatambay sya doon for a night... makiki-tae, kakain, maliligo at matutulog. Di sya nagnanakaw. Ang kapalit ng pag-stay nia panandalian ay ang pagkumpuni ng mga bagay na sira o kaya naman ay paglaba ng mga damit doon sa haus.

One time,nag-stay in sya dun sa haus na malaki. Then akala nia, solo niya yung haus pero andun pala ang isang housewife na ginugulpi ng aswang asawa. Feel at home si boy. Naligo, naglaba, nag-ayos ng bahay at nag-jacklyn jose (jakolito) tapos nakita sya ni girl.

Natakot si boy, umalis.... pero bumalik. Tas nadatnan nia sa house na minamaltrato at gustong pwersahang makuha ng asawa ng girl ang halimuyak at alindog ni babae. Aba, umeksena si boy at iniligtas si girl at itinakas nia ito.

And so from being a loner, dalawa na silang nag-ho-house-hopping na akala mo parang bloghopping lungs. Lipat-dito-lipat-doons. May times na nahuli pa nga sila... lols.

Syemps, alam naman na di na sila nahuli. Ayun. One time, may natuluyan na house sila na may deads na lolo. Nilibings nila pero tuloy sa pag-stay-in sa house. Poof. Dumating ang junakis ng dedo at nabukelya na sila. 

Nabalik sa old husband si girl tas si guy naman ay nakulongs (di nga lang matagal kasi napatunayan na di sia ang pumatay sa lolo at may sakit lang sa lungs ito). 

Sa kolongan, nag-aral si guy upang maging master of stealth at di makita dahil laging nagtatago sa blind spot ng tao. Bakit? Para sa larawan sa ibaba.


Ayan, sumasalisi si guy. lols.

Ang score, 8. Okay naman. Nakakardo lungs yung style ng pamumuhay ni guy na naghohouse trippings. Okay naman yung takbo ng story kaso walang mainit-init na bembang scenes sa peliks. Like, may eksenang nakita ang wetpaks ni guy kasi naligo, tas may nag-suot panty scene si girl pero walang pinakitang seksena? Ayan, minus points sa peliks. lols

O cia, hanggang dito na lang muna pows. Bukas, baka yung Japanese movie naman ang review. TC! Nights!

Friday, April 20, 2012

Petty Romance

Good Mornings! Wazapps?! Kamusta? At lumipas ang 1 day restday ko at di ko napanood yung kinopya kong amazing race at the voice series. Kaasar-cesar.

Well anyway, oks naman kasi nakapanoods me ng dalawang peliks kahaps. Isa sa japan at isa sa korea. For today, sa k-pop country tayo lilipads.

Petty Romance ang namesung ng peliks for today.


Ang peliks ay tungkol sa isang male adult/pornish comics illustrator na magaling gumuhit pero medyo basurs kung makagawa ng storyline. Sasali si guy sa isang kontest para makakuha ng perang pantubos sa painting na memento ng kanyang mother.


Pero since nga shunganger sa pag-habi ng ng wento si guy, nag-suggest ang kaberks niya na mag-hire ng writer para naman magkaroon ng latoy ang gawa niya.

Dito papasok sa wento si girlay na isang writer na may relate sa mga kama sutra magazines eklaver. Though knowledgable sa sex thingy si girl, ang totoo ay birhen ang kanyang tahong. No sexperience.


Dito na magsisimula ang collaboration ng dalawa. Kung sa una ay not in good terms, eventually, syempre nagka-inlababo ang dalawa. :D

Score: 9!!!!! Gulat kayo no?! Nagulat din mey! Imagine, akala ko nung una, petty story lang to pero wow!!!! Whoaaah! May mga sex scenes! May pumping and kembyular, boom-boom-pow, humps and junks! lols.

Nakakatuwa yung eksena lalo na yung girl na kasama sa house yung twin bro niya. Imagine, Nakikipagbembangan yung kapatid nia tapos sya nasa kwarto dinig yung uuummp... aaaaaah... aaaaa. aaaa... uuuuuu.... aaaahhhh. aahhhh. moreeeeee.... yessss... ahhhhh. hahahahaha.

Tapos kadirdir yet funny yung isang eksena na nag-cr si girl tas sa banyo andun pala yung twin niyang gumagangbang ng girl. Like so... hahahahaha.

Nakakaaliw din yung illustrations ng sex scenes na pinapakita pati yung conversation between the writer and graphic artist nung nag-kwekwentuhan sa magiging sex story ng comic. :D

Wagas!!!!

At dahil naaliw me, nakahanap pa ako ng makulit pics mula sa net.



PS: Yung bidang lalaki, parang may hawig na blogger. hahahahaha. :D

O cia, hanggang dito na lang muna me. :D TC!

Saturday, April 14, 2012

Haunters

Wooooops! Hindi po tungkol sa evolved form ng pokemon na Gastly ang tinutukoy ng pamagat ng blog. Although pareho ng spelling at ginawang plural form lang, walang kinalaman sa pokemon ang post. Wala!

Pero kung yan padin ang paniniwala mo, k fine. Desisyon mo yan e. Pero sa point na to, sasabihin ko na tungkol sa peliks ang post. Yep! Review-reviewhan nanaman po sa Kwatro Khanto.

Actually, ang other name ng peliks ay 'Psychic'. Pero mas maganda pakinggan ang Haunters kaya yun ang ginamit ko.
 
 
Ang peliks ay tatakbo sa umpisa kung saan may isang magulang (hindi yung madugas) na tinakpan ang mata ng isang batang lalaking junakis nia. And then Inabuse ang nanay nia ng guy kaya gumanti ang bata at inalis nia ang piring sa mata. It turns out na may capability syang kumontrol ng taong makikita ng mata nia. (wow, parang may sharinggan). Na-tegi yung guy. Tas tinangka ng nanay na patayin ang junakis pero nakatakas ang bata.
 
 Kontrabida

After ilang years, lumaki na si control guy (yung bata-batuta sa paragraph sa itaas). Tapos shishift ang story sa another guy. Minalas si another guy kasi nasagasaan sya ng something pero himala at naka-survive ang lalaki. 

Si another guy (gawin na lang nating Null guy) ay naghanap ng job (hindi hand at hindi blow) at naging tagapagbantay ng sanglaan. Dito ay naging guardino ang drama nia. 
 
 Bida

In some point, ang sanglaan na pinagwoworkan ni Null guy ay ang binibiktima ni Control guy. At di lungs yown! Wait! There's more! Hindi lang pagkontrol ang kayang gawin ni Control guy, kaya nia din patigilin ang oras! True Psychic!  
 
During the event, it turns out na may capability si Null Guy na makawala sa prowess ni Control guy (kaya ko nga sya tinawag na Null guy, he nullifies hahahaah). But during the process ng paglaban ni Null guy kay conrol guy, napatay ang amo ni Null guy. ahuhuhuhu. Insert fake tears here.
 
And so tatakbo ang story na sa paglaban ni null guy para makulong/mahuli/makalantari mapanagot si Control guy. :D

Hulaan nio kung ano score ko sa peliks?.....




Guess......




Wow, parang interactive blog ala dora ang drama......









mali ang hula nio. hula ulit!




Tama! ang inyong second guess.... bwahahahaha.... Tama, 8.5 ang score! Mataas po para sa akin kasi kakaiba ang inog (naks, anlallim ng term) ng kwento. Nabawasan lang kasi nabadtrip ako sa pinaka-pinaka ending ng ending. Like..... watdapak! maganda na sana tapos may biglang..... wahahaha. di ko na spoil. Watch it na lungs kung trips niows.



O cia, hanggang ditows na lungs muna! TC!

Monday, April 9, 2012

You're My Pet

Hello! Kamusta! Alam kong para lang naman akong tangengots na pakwento kung magpost at magshare ng story kahit na wala naman nais makabasa at makaalam ng kung anong shitness na nipopost ko dito.

Anyway, kahit na ganun ang sitwasyon, okay lang, Tuloy padin ang blogging kahit walang audience. Kahit walang readers. hahahahaha.

For today ang peliks na featured sa bloghouse ay may pamagat na 'You're My Pet'.


Oppps. Hindi po soft-porn movie ang featured today... though medyo may kahalayan ang style ng poster, walang 'pene' scenes! ahahaha.

Ang storya ay tungkol sa isang magandang korean girl na walang labslayps. So she decided na siguro kailangan nia ng petty-pet-pet.

Samantala, sa ibang ibayo, meron namang koreano na tila nagtitipid at gusto may matutuluyan, makakainan at mag-aaruga sa kanya na parang doggy-dog-dog.

So ang nangyari, naging pet ni korean girl si korean boy. Lantod lang diba? May ganung kapekpekan pang nalalaman. hahahaha.

Well anyway, the climax... naks, parang nakipag-sex lang ang term... Si girl ay merong manliligaw na matagal na niyang crush. Kaso nadebelop na si koreana kay korean pet! aun....

score..... 7.8 oo, hindi pa 8 pero hindi naman 7. Kumbaga sa salita....'-ISH-'. kasawa na sibihin ang so-so eh. Para maiba lang. hahahah.

O cia, quick update lang naman ito. TC folks!

Saturday, April 7, 2012

Crucible

Hello! Mustasa? Malamangs bakasyones pa ang mga iba. Enjoy the vacay! Well, kahit bakasyones pa ng iba, syempre dapat go lang ng go sa pagblogs at pag-share ng peliks.

for today, medyo dramatic movie muna. Saka na ang mga peliks not suited for young audience.

Ang peliks for today ay hango sa isang vitamins. heeheheh. Joke lang, katunog lang ng bitaminang pang-bata ang pamagats ng peliks. "Crucible".


Ito ay kwento tungkol sa isang lalaki na isang teacher. Siya ay na-assign bilang teacher ng mga special children na mga pipi at bingi. So si teacher ay nag-sisign language para kumausaps natural sa mga bata-batuta.

Tapos alam naman na walang magiging problema sa story... syempre meron. Ang problem ng story ay may mga pang-aabusong nagaganap at ginagawa pala sa mga kiddielets na tinuturuan nia. May verbal abuse, physical abuse at may sexual abuse! Ohnoes!

Ang masaklaps na pangyayare ay ang headmaster at vice head ang may pakana. At pati ibang teachers ay grabeng makapang-abuse sa mga mumunting mga bata.

Nalaman ng bidang lalaki ang mga kagaguhan at kaepalan ng school at nagfile sila ng case against sa mga may kasalanan. Pero di nia lubos maisips na matindi ang kinalaban nila dahil sa bandang huli, ang judge pati ang abugago na tumulong sa kanila ay nabayaran at bumaligtads.

Isang malungkot na kwento at base sa movie, mukhang hango ito sa totoong panyayare. tsk tsk tsk.

Ang score ng peliks ay 8.5. Sad story at nakakabwisit yung pambababoy na ginawa sa mga kids. Di pa sila masunogs sa impyerns. hays. Nadala ako sa peliks pero medyo slow paced nga langs.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC everyone!

Tuesday, April 3, 2012

Virgin Snow

Hello! Wazaps! Holy Tuesday todays! Malamangs sa alamangs ay nagpreprepare na ang ilan sa inyo na umuwi ng mga probinsya para mag-holy week.

Heniway, since ordinary week lang ang week na ito dahil di naman cinecelebrate much sa US ang holyweek, ay work mode lang me.

For today, peliks review-reviewhan tayo.

Oo, may natitira pa akong asian peliks kaya naman may naisalang pa ako at napanood. Pero eto yung last movie at kelangan ko ng pumunta ng Quiaps para makabili ng bago.

Ang peliks ay may pamagats na 'Virgin Snow' Naks. Birhen na pamagats! 


Simulans na natins.

Ang peliks ay tungkol sa isang aneonghaseong korean men na may pangalang Min. Isang man si Min, hindi pa-Mhin. Ahahah. Tapos nag-fly sya sa Japan kasi dun nagwoworks ang kanyang tatays na isang Harry.... Potter. And so andun na nga ang korean at nagpapanggap maging hapon. Then mamemeet nia sa isang temple ay isang girl na may name na Nanae (wag itranslate sa pangalatoc at ansagwa).

Since malandi ng slight si guy, aba, nanligaw kay japanese at ayun, nagkaroon sila ng mutual understanding... pero hindi yun considered as mag-jowa. Okay?

Pero alam naman na puro ganun lang, syemps merong something na bubulabogs sa kwento ng koreano at haponesa..... ito ay ang malantod na pagkakasakit ng lola ni korean. Ayun. Umuwi sa korea si Min tas biglang nawala si girlay.

At syemps, tapos na ang synopsis kasi bahala na kayong mag-google or magdownload kung ano na mangyyare after.

Ang iskore ng peliks ay 7. Oo, shet-e lang. Pano, ang ganda ng title pero walang konek ang salitang VIRGIN! Juskopong-pineapple! Misleading! Akala ko may boom-boom-pows. Kahit ata kissing scene, parang waler akong matandaan. tsk tsk. I'm disappointeds.

Okay sia. Hanggang dito na lungs muna. TC! Hopefully, sa restday ko ay may mga magandang peliks akong mapanoods para maishare sa inyo. :D

Monday, March 19, 2012

6 Years Lovers

Iniisa-isa ko na yung mga natitirang dvd na binili ko noon para maubos na. Kung last time ay lovestory.... this time lovestory padin. Maiba lang. ahahahah.

Ang title: 6 Years Lover


Ang kwents ay tungkol sa magjowa ng 6 years. Kaya nga ganun ang title diba? Alam namang 8 years sila pero 6 years ang title. Nuff said.

So anyway, ang magjowabels na to, magkatabi lang ang tinitirhan. Tapos kung makapagbembangan akala mo walang bukas. Boom-boom-boom. 

Well kaso ang probs, medyo nananakit ang alagang pakwan ni girl kaya bawal hawak sa Su-Susmaryosep na parte. Pero tuloy padin ang kembot ng magjowa.

Pero hindi talaga yun ang problema o conflict sa story. Since 6 years na nga sila, tas magkatabi pa ang kanilang balur, e medyo tumatabang din ang love spark.

Tapos tapos, si boy, tila nakahanap ng ibang karinderya. Ayun, tumikim ng ibang ulam. Instead of the usual adobo.... nakahanap ng paksiw. boom!

Tapos si girl, tila na-fall din ng slight sa ibang boylet.

Di ko na ikwekwento ang natitirang eksena kasi trip kong mambitin ng kwents. hahaha. Alamin nio na lang anong ganap sa dalawa.

Score? Para sa akin ay 6. Oo, mababa. Yeps. 6. Noong nasa gitna, well actually kahit noong bandang umpisa medyo di nito nakuha ang aking attention. Wahaahah. Waler. Walang dating at walang latoy sa akin. 

Di ko alam pero based sa ibang site na sinilip ko about sa films, nagustuhan nila pero personal na opinion ko ay walang kaboom-kilig-kaboom moments para bigyan ng mataas ng score ang peliks. lower than so-so ang rating.

Hanggang dto na lang muna. Hehehehe. Sana Thursday na para restday ko na ulit. Ahahahaha. TC!