Dumating nanaman ang araw ng aking pahinga. At biglang umuulans. Syeemps, tamad na gumala atsaka wala akong shoesy na pwedeng sumugod sa ulans kaya naman sa bahay na lang ako tumambay. Aside sa paglalaro ng Naruto-arena atsaka ng Marvel Avengers Alliance, nagdecide na lamang akong manood ng peliks.....
Porno sana kaso wala akong ganung DVD (oo, wala, pramis!). So nagsalang ako ng dvd na nabili ko sa quiaps last week. Sablay yung isa, tangena. So pili ulit. At sakto naman na gumana. akala ko patitik na disc error nanaman ang makukuha ko. \
At dito ko na isisingit at sasabihin ang title ng peliks........ surprise!!! Hahaha. Obvious naman sa title ng post diba, "Seven Something". Ang pelikulang ito ay from Thailand. Yep. Thai movie for today.
Hondaming tao sa picture sa itaas diba? Well, wag kayong mag-alala. Hindi naman complicated ang wento. Ito ay dahil ang movie ay divided into 3 parts. Parang shake-rattle&roll ang peg. May taklong storya.
Ang unang story ay tungkol sa teenie boppers. Si boy ay masyadong bibo sa online shenanigans. May twitter, FB, instagram at youtube at anik-anik. It started ng maging jowawits nia yung girl. So pampam ever at pa-cute si boy at may pagka-fame whore ang peg. Bawat kibo't utot naka-announce. Ang mga date nila ni girl ay captured via video at ni-uupload pa sa youtube. Ang problema.... adiktus na masyado si boy. Feel ni gurl ay naba-bypass na ang privacy nia. ganyan.
Ang second story ay tungkol sa artista turned lovers. Pero unfortunately, nagkaroon sila ng break-up at nag-away pa. Lumipas ang 7 years, bumalik si girlay at nakikipag-reconcile sa ex-jowa nia na medyo nawala na ng shape at di na hunkydudels. Nagrerequest si girl na mag-partner muli sila dahil medyo laosian deep na ang career ni girl. Sa pagkikitang muli ng dalawa, maibabalik kaya ang dating pinagsamahan?
Third story ay tungkol naman sa isang girlay na lagpas na sa teen at early adulthood na nabangga ng isang medyo bata pang guy na isang runner. Dito ay mukang iiintroduce ni guy si girl sa pagtakbo-takbo. Naging okay naman at naging ganado si girl sa pag-run kaso..... Nahuhulog na ata sya kay guy. Pero.... hindi lang ang mala-May-december thinggy ang problema. It turns out na si girl ay widowed. Ibig sabihin, namatayan sya ng asawa. So, kaya na ba niyang bumitaw sa past at handang mag-PBB teens?
Score........ hindi seven something... kundi eight something..... mga 8.9 :D
Nagustuhan ko yung flow ng wento. Medyo naaakma sa generation ngayon yung wento sa first film. Gusto ko naman yung settings ng film 2, yung eksena sa oceanpark nila. Ayos din yung story ng 2nd. At nadala ako sa wents ng 3rd part. Na-inspire din ako ng slight tas napaisip ako... parang gusto ko ding tumakbo like the bida. hahahahah.
O heto trailer:
I recommend the film. Light lang at di heavy-heavy drama at may something na medyo mahirap ma-explain. Must be the rain that adds more touch with movie. hahaha.
O cia, hanggang dito na lang muna. TC!