Showing posts with label one piece. Show all posts
Showing posts with label one piece. Show all posts

Saturday, July 14, 2012

One Piece Film Z


Eler! Hombilis ko magpost ulits! lols. Nagbrobrowse me sa pesbuk ng malaman ko na may new peliks ang anime na kinahihibangan ko... ang One Piece.

Sa isang pesbuk page, nakita ko ang youtube trailer with images ng mga itsura ng mga kasuotan ng Strawhat pirates. Kung last movie nila ay parang mafia ang theme, ngayon, pirate ang peg.

Eto ang strawhats.










Heto naman ang kalabs:




At last, heto ang tube video!


Heksayted na ako dits sa new peliks!!! Woooohooo!!!

O cia, hanggang dits na lungs.

(images napulot sa OP group sa pesbuk)

Sunday, March 11, 2012

One Piece: After 2 Years

Elow! Day 2 ko pa lang sa work pero medyo awkward kasi medyo nasanay ako na di papasok ng manic monday. Pero, well, wala na akong magagawa. Change is constant.

Well, heniway, magwewento lang ako saglit na may kinalamans ng slight sa aking life. wakokokok. Maiba langs.

Kanina, right after shift, nagtangka me na bumili ng new shirt. So humonda me at diretso sa greenhills para bilan sana ang sarili ng shirts. Pero waley! Walang medyo naka-agaw ng aking pansin kaya naman naglibots-libots pa ako.

Pagkacheck ko sa 3rd floor ng GH, ayun, nadaan ako sa tindahan ng laruans. Ayun. Boom. Nakakita ako ng One Piece na laruan! Nanginig ang tuhod ko. Kinilig! Di mapakali. Nagdecide. Nag-isip ng maigi. Grabs. 30 minutes akong nakatayo at nag-aagam-agam kung bibili.

Pero matindi ang calling! Punyetakels! Ayun, bumigay ako at binili ko dins. hehehe. Di lang isa... kundi dalawang Box.


Ang una ay ang One Piece after 2 years na normal look. Ang presyo ng nabili ko ay 1.3k pero binawasan at ginawang 1.2k na langs (8 boxes na may 10 figures). Mura kasi hindi sya orig na bandai. Ang original price 600 petot per box (4.8k kung lahat ng characters ay bibilin ko).

Ang rate ko sa laruan (oo, may rating.... mini review-reviewhan din), 6. Ay naker. Anlayo ng looks ng peslak ng mga characters sa laruan. hahahaha. Waley! Well, ano bang magagawa ko, e hindi naman original. 


Ang pangalawa ay chibi version ng One Piece. After 2 years din ang peg ng characters. Ang presyo ay 750 pero ginawangs 700 ng tindera. (10 boxes, 10 characters). Mura din kasi di origs. Di ko alam ang price nung orig

Ang rating naman dito sa 2nd toy ay 8.5! Nagulats ako kasi maayos ang pagkakagawa. Though hindi perfection like original bandai toys pero yung mukha ng mga characters, maayos. Matino. Ang sablay lang ng slight ay yung katawans ng mga characters at yung vibrance and saturation ng kulay ng damits.

Kahit olats dun sa pers box, solved ako sa 2nd kaya pwede na. hehehehe.

O cia, hanggang dito na lang muna, masyadong mahaba na ang post.

TC! 

Wednesday, December 28, 2011

One Piece: Upcoming Toys

Tinatamaan ako kahaps ng katams kaya naman para malibang ang sarili at magising ay nag-browse browse ako sa sites kung saan ipinapakita ang mga laruan na One Piece at di ako nagkamali. Nabuhayan ako ng loob kasi nakakita ako ng mga panibagong laruan. Hehehe. 








Sana lang bumili ang Toy Kingdom or Toys R US para naman makakuha ako nito. Anhirap naman kasi minsan di dumadaan sa pinas tong mga gantong toys.

O cia, Hanggang dito na lang muna. :D TC

Wednesday, November 16, 2011

One Piece: Umbrella

Kamusta? May nakapila na peliks pero di ko muna to ipopost kasi..... basta. hahahah. For today, larawan muna ng one piece toys ang aking ipapaskil.

For today, ang One Piece toys ay ang Strawhat Pirates na may hawak na payong. Ewan ko kung anong dahilan pero wala namang basagan ng trip. Heheheh. Ang mga characters ay yung hindi pa sila nag-iiskip ng 2 years. :D













Hanggang dito na lang muna. TC! Magdala ng payong kapag umuulan. :D

Note: Ang mga larawan ay kuha sa site na: http://www.amiami.jp

Thursday, October 6, 2011

One Piece Figuarts

After 1 month na walang update sa paborito kong toy site na Bandai-asia.com, finally nagkaroon ng update at ako ay lubos na nasiyahan kasi nakakita ako ng One Piece figure toys. :D

Yung sa anime at manga ng One Piece ay currently on New World na meaning eto na yung arc kung saan lumipas ang 2 years at nag-improve na ang strawhat pirates. Shemay. Kinilig ako ng todo sa laruan!

Without further ado... Heto na ang larawan ng mga tauhan sa peborit kong palabas... One Piece.










Wait theres more, may mga other characters pa.








Sana manalo ako sa lotto or raffle na involved ang kaperahan para kung sakaling available to sa pinas, tiyak at malamang sa alamang ay kokolektahin ko itow.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC

Tuesday, July 12, 2011

OP Toys


Wazaps! Hope you are all doing fine. Malapit na ang showing ng Harry Potter. Ilang tambling na lang at palabas na sa suking sinehan ang final movie ng batang may kidlat na marka sa noo laban kay he who must not be named. pero walang relate ang post ko sa movie. Hahha.

For this day, update ko lang ang blog ko with pics ng upcoming toys ng One Piece. Uu, ako na ang adiktus much sa collectible figures kaya naman makita ko lang ang larawan ng laruan ay ibang saya ang aking nadarama.









Larawan ay nabunot dito