Showing posts with label outing. Show all posts
Showing posts with label outing. Show all posts

Tuesday, June 7, 2011

Batang-bata sa Bataan!


Alam ko june na ngayon pero ang post na ito ay naganap last May. Eto ang huling lamyerda ko sa buwan ng mayo. Kung nung last month napadpad na ako sa pahiyas, sa baler at sa nagsasa, this time, i will share naman ang pagpasyal ko sa Bataan.

Note: Lenghty at wordy post to... 

Last May 28- 29, ginanap ang aming company outing at this time bumongga dahil overnight na ito (last 2 years kasi ay 1 day event lang). Hinati sa dalawang batch ang outing, at since madami ang dadalo sa batch 1 na kadepartment namin at mga friendships, dun din ako nagparegister.

Call time namin ay 5am sa tabi ng medical city pero since madami ang mga tao din sa batch 1, mga around 6 na kami nakaalis. (inantay din namin si Mapanuri. ahahaha).





Mga 3 hours din ang byahe at medyo di sumasang-ayon ang panahons dahil may pagpaparamdam pa ng bagyong chedeng during that time. So imbis na sunshine ang sumasalubong, clouds at raindrops ang matatanaw sa bintana.

Pagdating namin ay umuulan kaya pinayungan kami papasok ng hall upang ibaba ang mga baggage at dun kami nagparegister at to get our survival kit which includes a free tshirt, bandana at map ng montemar beach kasama na mga FAQ and other info.

Since umuulan, ang mga nakascheduled na game ay sa loob ng hall ginanaps. Di ko na idedetalye ang games kasi baka sumobra haba. ahahaha. Nung tumila na ang ulan, nakalabas kami ng saglit para magpicture-picture pero napigilan din dahil sa buhos as in buhos ng ulan. wakokkok. Fun stopper ang rain.






Dumaan ang buffet lunch pero di ko na nagawang picturan ang food dahil sa gutom kaya go go go lang sa paglamon at pag-inom ng unli-coke. ahaha. :p Since umuulan padin, medyo hesitant lumabas pero inilagay na lang ang gigicam sa ziplock at kahit mabasa ay sumugods na. 

Ginamit namin ang afternoon para maligo sa dagats. Hindi na umuulans kaya naman enjoy na ang outing. Di mainit at masarap ang alon. Ang lakas ng alon ay maaaring gamiting pang-surf kung may dalang surfboard. 

Meron ding beach volley kaya naman di ko pinalampas na makalaro ulit ng game na kaya kong laruin. Kahit mahirap magtakbo at humabol sa bola, go lang. Habol mode kahit gumulong sa buhanginan. :D Nag-enjoy ako kahit inaatake ng pulikat at cramps during the game. (kulang na sa eksersays).


Matapos magbabad sa tubig alat at ma-espasol sa buhangin, naligo na at nagpunta ng assigned room para maligo at magprepare for dinner.

Dinner time ay nakakabundat at nakakalashing kasi umulan ng lechon. Ahahah. wala ng picture basta ngasab at nguya na ng food. Nakakabloat ang araw na iyon. Sumabay pa ang unli na beer at booze. Sayang at naubos agad ang tanduay ice... Masyadong mabenta sa mga Trenders.

Sa gabing iyon nagkaroon din ng chance magshowcase ng talent sa pagkanta ang mga empleyado na nagvolunteer na i-entertain ang people. Accoustic night ang naganap with people singing syempre accoustic. Meron din palang sumayaws.

Sa gabing iyon din inanunsyo na open bar at therefore lasingan mode na with matching pulutans na lechon. Ahahah. Pampabata ang inuman at lechon. wooot-woot.

Nag-end ang night with party-party at sayawan ng slight at jamming sa stage... ahahaha. go go go. Ang larawan ay kuha noong gabi.









Bumalik kami sa rooms namin for rest.... May kuha ako ng larawan ng room namin kaso medyo blurry kaya di ko na ipopost dito. Kahiya much ang photography skills kaya naman link na lang ng rooms dun sa Montemar. Check here.

Malamig man at may amats pa, maaga akong bumangon para maglibot libots at sulitin ang magandang umaga na walang bahid ng ulans. Heto ang mga larawan na nakuha ko at naarbor ko na tinag sa pesbook.









After mag-almusal, tuloy ang pag-enjoy sa place sa pamamagitan ng pag-langoy sa pools. Sayangs nga langs at andami na nakapila sa banana boats at jet skis kaya di na namin na try. Kahit yung jumbo bike di pede dahil maalons pa sa dagats. ahahaah.


Underwater Bear :D

Nag lunch pa muna kami doon bago kami nag-check outs at nagbyahe pauwi. Bagsak ang mga tao at tila nakatulogs ang iba habang ang iba ay nanood ng palabas sa bus.

Though  tinamaan kami ng slight na kmalasan during the first half of day 1, nakabawi naman nung gabi  at nung day 2 kaya masasabi ko na oks na oks at enjoy ang summer outing na ito.

Thus, dito nagtatapos ang aking kwento sa Bataan trip. ahehehehe.

Thankful Tuesday to all!

Note: Ang ilan sa larawan sa itaas ay kuha ng mga friendships sa opisina. Eto ung mga pics na naka-tag sa pangalan ko sa FB. :D

Wednesday, May 25, 2011

Haler Baler

Hello There! Kamustasa kalabasa! As i mentioned sa aking short at quickie post kagabi, mag wewento na me ng happenings last weekends.

So hindi natuloy ang echoserang gunaw daw. Good! Dahil kung natuloy iyon, tiyak, waley ako here upang mag sher ng wento at adbentyur sa outside ng metro manila.

As i mentioned sa tweet at ep-bi, kung na-add nio ako dun, at nasabi ko din sa ibang post, ako ay nag Haler Baler last Saturday at Sunday. 

Bago ko simulan ang wento at story-telling with potos, sa mga gustong umihi, umihi na kayo kasi medjo mahabs to. Oks na ba? najingle na ang ijijingle bells? keri na? ok. lets go sago...

Excited me na magbaler kaya naman 3 days before the sked ay nakabili na ako ng kung ano-anong anik-anik at nagjimpake na din me. Oa sa kaeksitedan. AT kahit may napipintong gunaw, keri bells lang. Sakto lang me sa call time na 11:00pm ng friday night. At sakto din ang vengavan na sinakyan namin kaya nagcinderella ang van , saktong 12mn, on the go na ang trip.

 Winnie the Pooh sa Dashboard ng Van

Ambilis ng patakbo ni koya driver kasi akala mo lumilipad ang van. by 2:00 ay nasa Cabanatuan na ang van at nag-staps over muna kasi magcoconvoy pa pala with other baler bakasyonista. Medyo slowpokes yung ibang vans kaya 3am na kami umalis sa stop over.






The byahe from Cabanatuan ay mga 3 hours. Grabe sa zigzag ang dadaanan pero mabilis talaga si koya kaya paspas kung paspas. During the byahe, kainis lang dahil tinamaan ako ng pagkaihi. Wala pang 1 hour ng umalis ay najijihi na ako. Sakit sa bangs ang magpigil ng pagweewee kasi humaharurots ang sasakyan. I ended up tiis mode ng 1.5 hours. Record breaker. Buti nga di ako naihi sa van. lols.

Buti nakadating kami sa Baler ng hindi pa sumasabog ang aking pantog. Pagdating, di pa pedeng mag-check in kasi ang mga rooms na pagiistayan namin ay occupied pa. So ang gamit namin ay nasa van habang nag-pipicture-picture muna sa paligids ligids.











Medyo against the light ang sunrise sa dalampasigan kaya medyo siluwet kwarenta ang makikita sa larawan sa itaas. ahihihhih. 

Pati sa kabilang hotel/lodging house napuntahan ko for picture picture. lols.







After magpicture ng slight, kumain na kami for breakfast. Kasama sa payment namin ang 2 complementary food so breakfast and lunch ay di namin kelangan mag bayads. Heto ang mga larawan ng ilan sa nakuhaan ko.





Matapos ang pagkain ng agahan, nagready na ang mga pips para mag bitch este beach. Nag-apply na ng sunblock and sunscreen. And off na ang mga pips and ready to feel the heat of the sun. The breeze of the wind and the cool ocean water. Oras na para mag surf.

Mga maghahanda for surfing

Wooops. Bibitinin ko muna ang wento. Masyado na ata mahaba at baka magtodo skip reads na keyo. wakokokok. Saka biglang nagspike ang calls dito sa opisina. Grabe lang. ahahahaha. Ang aking share ng wento sa aking attempt na bumalanse sa surf board at pag-surf ay itutuloy bukas. Ahahaha.

O sya, hanggang dito na lang muna mga friendships at mga loyal readers. Ahihihihi. 

Wonderful Wednesday to all!