Showing posts with label khanto review. Show all posts
Showing posts with label khanto review. Show all posts

Tuesday, June 26, 2018

A Quiet Place

Hello! Its been a month na pala. Gas Abelgas, monthly na lang ata ako tinatamaan ng kasipagan para magsulat ng anik-anik dito sa aking bloghouse.

For this day, ishare ko ang isa sa apat na peliks na pinanood namin during sleepover with HS friends last weekend.

Ang pelikula ay pinamagatang... Diligan mo ng suka ang tigang na lumpia. Charots, kung binasa mo yung title ng post na ito, shmpre gets na gets mo na dapat na ' A quiet place' ang palabas.


Magsisimula ang super tahimik na pelikula sa isang shopping mart-kinda na lugar. May isang fambam na tahimik na nagshoshop sa abandonadong lugar.

Andoon ang Father, mother, brother, sister help me how to brush my teeth. Basta 5 sila sa pamilya! May 3 kiddos.

Yung bunsong bagets ay nakahanap ng rocketship toy. Pinigilan sha kasi de-baterya yun at magcacause ng ingay.

E you know, kiddielets are pasaway so etong bagets ay gorabels padin at kinuha yung nilapay na toy and battery.


So habang naglalakad ang fambam sa tune ng song ni ate rihanna na walk walk walk walk walk, yung bunsong bagets ay nilaro ang rocket toy with song ng Selecta (insert selecta song here!). Then poof, na tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi-tegi si bagets.

Fast forwards ng sandamukal na days. Mapag-aalaman na may something na pumapatay ng mga human peops. At ang something na iyon ay may matalas na pandinigs kaya kailangan super quiet ng madlang pipol.

So surviving naman yung family of 4 (syempre, deads na yung isang jugets). Tapos pinakita ang lifestyle ng family anik-anik na namumuhay na ingat na ingat na makalikha ng any sound.

Pero para may thrill ang movie ganito ang sunod na ganap. Yung bwaking-inang nanay at tatay ay nag boomboompow pa at tiniis ang halinghing at sexnoise na ooh aaah  aaahhh hardeeeer deepeeerrr moreeee yeaaah yeahhhh aaaah ahhh am cumminnnnng um cummmming ahh ahhh.

And so etong si nanay gurl na si emily blunt ay nabuntis. Tanginina diba! Nasa kapahamakan na at lahat at nagawa pang kumembot! shutaaa!

Pero so ayun na nga, lumipas ang months at nasa kabuwanan na nii ate gurl. Pero tuloy pa din ang tahimik na buhay.

Tapos papaalam na yung isang junakis sa pamilya ang deaf. Bingi sha. So sign language gallore shushu at magbabasa ka ng subtitle. Tapos malalaman ang struggle nia na sinisisi nia sarili nia sa pagkadeds ng kapatid.

At para magkaroon na talaga ng ganap ang pelikula, while nasa labas ng balur ang daddeh at kiddo boy, ay nabutas na ang panubigan ni mother dear.

Potah! Manganganak si ateng! Pero para may thrill, nakagawa sya ng ingay! So sumugod na yung something.

To make the thrill at excitement, putanginang boblaks na ate gurl ay napako sa hagdanan na may nakalitaw na pako arespakutsaga. pero dapat shwayet padin at kahit hurt na hurt si te gurl di sya pedeng mag-ingay else deds sha.

And so may iba pang ganap with habulang gahasa na walang ingay and stuff and pagsugod nung something kapag nakakarinig ng ingay.

And di ko na itutuloy yung iba pang ganap. Hahahah.

Ang score ng peliks, napaka-Qui8 na score.

Keri lungs kaso oa talaga ang katahimikan nga dahil matetegi agad ang pamilya pag may noise.

May excitement pero for me na madaming napanood na suspense, slasher, thriller, gore films, sapat lang ang peliks.

Ang kapuna-puna sa peliks ay ang shhhh looks ng mga characters na binase nila sa Victoria court.



While searching for wikii ng film, napag-alamanan ko na ang apelyido ng fambam ay abbott at kamag-anakan sila ni Judy.


o cia, hanggang dito na lang muna! Take care at hopefully ganahan akong iwento ang iba pang peliks!


Monday, May 21, 2018

Deadpool 2

Hey! Warrap?!! Kamusta naman sa nag-iisang reader ng blog na ito? It's been a while ng magpost ako sa bloghouse na ito so dapat lang na masundan naman ito. You know, para atleast masabing buhay pa ang blog na ito.

For today, balik nanaman po tayo sa isang movie review-reviewhan ng isang peliks na kakapalabas lamang recently sa mga sinehan. Ito ay ang pelikula ng isang superhero... almost superhero kinda movie. Ito ay ang Deadpool 2 (kung binasa mo talaga ang title ng post).

And as nakagawian na sa post ng peliks, para sa mga hater ng spoilers at takot ma-spoil pero anlalakas mang-spoil kapag sila ang nakakapanood ng mas maaga, pakyu po, charots! Joke lang, close mo na itong page na ito tapos maghugas ka na ng plato o kaya ay maglaba ng mga damit ganyans.


So without further ado, let's get it on!

Magsisimula ang anez-anez sa eksena kung saan si DP ay kumakalaban sa mga groupo ng mga mafia, gangs, groupies and stuff. So eksena ang bloody scenes and fight scenes and bang bang bang ng mga baril ekek.

Then papakita si DP na nasa isang room na binuksan ang gasul at hinandang pasabugin ang buong place habang siya ay nasa ibabaw ng mga flammable stuff and thingies. Then bboom bboom♫♪♫ !! Give it to you My nunnunnunnunnunnun nunbitssodajineun My teoteoteoteoteoteo teoch!

Tapos flaflashback na kung ano talaga ang ganap. It turns out, yung isang hinuhunt ni DP na member ng anik-anik na hinayaan niyang mabuhay ay nag-revenge chenes at sa kasamaang palad ay napatay nito ang jusawang labs na labs ni DP.

So saklap besh ang ganap ni DP at di ko kayang tanggapin ang soundtrack na nagplay at nasa stage si DP na hirap mabuhay, demotivated and shitniz.

To the rescue somehow ang friendship nia from X-men na si Collosus, at tinuring si DP na trainee thingy.

Tapos ang unang mission nila ay iligtas ang isang tabachingching na teenybopper na nag-aamok sa isang school chenelin with his fire power. and yada-yada-yada-yada.

Then mapapadpad sa kulungan ng mga mutant si DP with the teenybopper.

Tapos papasok na si Cable, ang junakis ni Cyclops from the future na nagbabalik sa past para patayin yung teenybopper.

and so meeeeh... tinatamad na akong ikwento yung sumunods na ganap. Basta ililigtas nila DP yung bagets sa kamay ni Cable tapos malalaman din nila ang reason bakit gustong mategi ni Cable si bagets.

The end.

ahahahahah. Oo, shortcut, panoorin nio na lungs sa piniratang tabing kung ayaw nio sa sinehan, walang pumipigil sa inyo. Choice nio yan.

For the score, I'm giving it 8.9. Same formulaic nung first movie. funny, astig, may madudugong eksena. Pero somehow sabi nga ni Kathryn.


And, nakakabwisit yung teenybopper na nililigtas nila DP. Bagets version ni Fat Amy. Seriously, during the movie, gusto ko talagang mapatay ni Cable yung batang yun. Punyetakels! Lakas maka-attitude.


Okay din naman with the introduction of Domino (hindi pizza ang apelyido). Sayang nga lang at short-lived yung ibang hero like shatterstar at vanisher lols.

Okay din for me yung last part ng movie where DP time travelled to kill the hideous deadpool sa X-Men movie na Logan and sa pagpatay ni DP kay Ryan Reynolds sa pag-accept ng role bilang si Green Lantern.

However, he movie falls under the category Keri lang. Sakto lang.

O cia, hanggang dito na lang muna.

Tuesday, February 6, 2018

Maze Runner: Death Cure

Happy New Year! Wow! Jazwow, imagine ngayon ko lamang ulits malalagyan ng laman ang bloghouse na ito dahil busy si ako due to 'adulting'.

Well anyway, though madaming ganap ako na nais kong iwento pero medj complex at personal na di ko maisalitype ay di ko ito isusulat. Bagkus, ang aking iwewento ay ang movie review-reviewhan ng isang pelikula.

Ang peliks ay itatago natin sa namesung na Maze Runner: Death Cure. 

Sa mga shokot sa spoilers, binabalaan na kita, now pa lang na wag mo tong babasahin ever. Like now na. Don't! Stopet! Halt!

Tapos kung go ka na, sige, basahin mo na nga.


2015 ng ni-release second peliks ng Maze Runner thus nabaon na sa limot ang kwento. Pero wag kayong mag-alala, di ko ishashare ang nangyari sa first 2 films dahil baka ma-spoil kayo. Bahala na ang memory nio kung anong maalala nio doon or i-google nio na lungs if want niow.

Okay, so magsisimula ang film sa isang mala desyertong place na may chuva-choo-choong-thomas-train na hihijackin ng mga bida-bidang folks.

Malalaman na ang laman ng train ay mga bagets na nahuli ng WICKD. 

SO umaatikabong sagip kapamilyang ganap para mailigtas ang mga capture prisoners na kinabibilangan din ni asian guy named Minho.

Minho

So habulang gahasa tapos barilan ng aniz-aniz and stuff until magtagumpay ang mga bida-bidang folks na makuha ang trailer na naglalamans ng prisoners.

 Kaso medyo fail ang ganap kasi medyo wrong trailer box ang nakuha ng mga bida-bids at wala doon ang friendships nilang asian guy.

Sabi ng main bida guy na 'Ohana means family; family means nobody gets left behind'. Kaya naman kasama ang kanyang Bro na si Newt at nigga friendship named Frypan (walang movie poster)?? They make a plan para mag-byahebels at iligtas ang kanilang brothaaaa.

Thomas

Newt

Then along the byahebels, sinamahan pa sila ng other pa-bida-bidang madlang folks para puntahan ang place kung saan naroroon ang dude in distress.

Brenda

Kung sinoman shaaa! lols

While nagtratravel chuchu ang mga bida-bida, punta tayo sa kalaban side, ang grupo ng WICKD. Doon ay makikita etong si Teresa (Bella version 2.0 ng twilight) na making aral on how to make supil the virus shenanigans.

Teresa

Tapos ipapakits din na pinag-sesexperimentohan nila ang huhubels na bubot na katawan ni Minho. Tinotorture sya and stuff.

Well heniway, nakarating na ang grupo ni Thomas near the city na may bakod at infection free at kailangans nilang ma-penetrate ito para mailigtas si asian guy.

Dito nila mami-meet and greet ang ex friendship nila na may kakaibang Kilay is life named Gally. Dito ay tutulungan silang makapasok sa place to make save the friendship ganyan.

Gally

Then, dumating na ang eksena, ang intensity papuntang ending pero di ko na ikwewkento masyarow coz im so tinatamad na now. Dyan ko na bibitinin ang wnts.

Bibigyan ko ng score na 8 ang film na ito. Hahahaha. Keri lang pero walang masyarong recall.

Umpisa pa lang qiqil na ako sa mga eksena like.

1. Kashungahan na isang trailer truck ang niligtas ng mga bida-bida.

2. Wisit na Wickd na nag-eekspermento kay Minho.

3. Sarap laslasin ng throat ni ateng traydor na si Teresa. Traydor pakyu!

4. Bromance gallore nila Thomas, Newt at Minho.

5. Bwisit na little Finger (cant remember his character name sa film).

at ang parang saysay na ending...... 

Halos walang closure.... kaines!

O sya, hanggang dito na lungs muna!


Sunday, November 5, 2017

Thor: Ragnarok

Hello guys! Kamusta na? Sobrang tagal na pala from my last post... imagine, August pa yung last na kwento ko! maygulay!

Heniway hiway, andito nanaman ako to make some general clearing ng agiw sa aking bloghouse kaya naman heto ako at tumitipa at nagsasalitype nanaman ng kung anik anik na tumatakbo sa aking isip.

Para sa araw na ito, balik tayo sa movie review-reviewhan ng peliks na recently ay available sa ating bansa. Delay ako ng 1 week sa pagpanood dahil busy ako sa real life with different reasons. 

Kahaps, dahil restday ko at solo mode ako sa bahay dahil nasa Australia ang fambam ay umalis ako ng bahay kubo at pumunta sa syudad upang makapanood ng pelikula. Ito ay ang palabas mula sa Marvel at ang ikatlong peliks ng hero na may lahing karpintero dahil may hammer na dala, si Thor.

Pero bago ko ipagpatuloy ang sasabihin ko..... Babala! SPoilers ahead. Kung di ka pa nakakanood at abangers ka pa sa free downloads or sa DVD copy sa bangkets then this is not for you. Close mo na yang browser mo.

Pero kung desididuuuuuuu na yuuuuu, let's go sago!


Magsisimula ang wento kay Thor na nasa isang place na may makakalaban syang demon thingy chuva. Then some lines and pacomedy then may fight scene na magpapakitang gilas ang ating bida with his fighting skills.


Then pupunta na sa asgard. Malalaman na si Loki ang nagpapanggap na king ng asgard at dadalin ni Thor ang kanyang kapatid sa Earth upang hanapin ang kanilang dadikels na si Odin... Kapatid ni Otin charots.



Pero matetegibels ang pudraks nila Thor at Loki. Pero bago siya lumisan, isang malaking sikreto ang malalaman.... May panganay na anak ang kanilang daddeeeey! Maygash pulgas, may older sisterets ang dalawa at makakalabas ito from banishment kapag na tsugi ang tatay.

At dahil na dead na si lolo, ayun na nga, lumabas na ang Teh gurl. Nagpakita na sa kanyang kapatids ang panganay na si Hela (hindi Padilla ang apelyido). 


Kailangang pigilan nila Thor ang kanilang Teh, so they make laban. Ibinato na ni Thor ang kanyang Hammer na Mjolnir pero nasalo ito at nasira.

Nagretreat sila Thor at nagpa-warp pabalik ng Asgard subalit nasundan sila ng sister nila at nagkaroon ng battle while teleporting at ang nangyari ay na-talo si Thor and Loki at napadpad somewhere out-there.

Si Hela ay nakadating sa kanyang homeland, at nagsimula na syang angkinin ang dapat ay sa kanya. Binalak siyang pigilan ng mga Asgardian Warriors pero imba ang lakas ni gurl. Nadeadsung ang Warrior 3 na sila Volstagg, Fandral at Hogun. 


At ng masakop na ang palasyo ni Hela, hinanap niya ang espada ni Juan dela cruz este yung sword na susi para makapunta sa ibang dimensyon. Pero di niya ito mahanap dahil nasa kamay ito ng gatekeeper na si Heimdall.


Habang nasakop ang bayan ni Thor, si KyahPembarya naman ay napadpad sa smokey-mountain thingy. Dinakip sya ng isang black gurl at ibinugaw este ibinenta bilang warrior sa isang Arena (hindi po sa Moa).

Dito makikilala ang Grand Master ng lugar. Sasabihan niya si Thor na para makaalis ng place, kailangang matalo ang warrior at champion.


Ginupitan si KyahThor ng buhok at inilagay na sa battlefield arena para kalabanin ang pinaka malakas na warrior ng lugar. Dito na malalaman na ang warrior ay kulay green at isang monster...



Tapos while on the smokey-mountain-arena-thingy, may matutuklasan na lihim, si black/brown gurl na nambugaw kay Thor ay isang Asgardian na isang female warrior called Valkyrie (hindi yung club).


Magagawan ng paraan ni Thor na makatakas sa lugar kung saan siya ay ginawang warrior at nagtangkang bumalik sa kanyang place para talunin ang kanyang ate.

At dito ko bibitinin ang wento dahil ayoks ko ichika lahat-lahat dahil sayang ang ibinayad kong 270 petot na pampanood ng peliks (gosh, ganun na pala kamahal ang panood ng sine).

So ang score ng peliks, bibigyan ko ng mga around 8.9. 

Okay naman for me ang film, may action, may comedy, may kurot ng konting drama at etsetera.

Pero kaya di umabot sa 9 ang score, ay sa pagka-imba ng main kalabs na si Hela, ay, napaka-downer ng paraan para matalo siya. 

Nagplus points lang for me ng ipinakita si Dr. Strange sa first part ng film tapos hindi na mukang dugyuting Kyahpembaryah si Thor with his new haircut.

O sya, hanggang dito na lang muna.

Take Care!

Tuesday, July 11, 2017

Spider-man Homecoming

Hellow! July Na! Yan yung tawag kapag nagbinata na yung lalaki tapos dinala sa doctor para mabinyagan si junjun. charots. Yun yung artista na kumanta ng chuvachuchu. biro lang.

July na, isang buwan na ang nakakaraan simula ng pagpost ako ng movie review-reviewhan sa aking bloghouse. At ngayon, isa ulit na review ang eentrada sa aking blog.

Eto ay ang film ng US version nila Gagamboy at Gagambino saka Gagambala.

Spider-man Homecoming!



Warning.... Spoilers ahead.... kaya kung di mo like na makabasa ng may relate sa peliks na ito, paki-close mo na lang ang browser or back to FB at mag everwing ka na lang muna.

Kung napanood mo ang Spider-man Trilogy ni Tobey, at knows mo ang ganap sa pelikulang iyon... Well forget about it!


Kung napanood mo naman ang Spider-man ni Andrew at nahuhubels ka sa nangyari sa kanyang jowawits, forget about that too.


Dahil eto nanaman ang Spider-man pero nag-iba nanaman ang takbo ng kanyang buhay. At ito ay gagampanan ni Tom!

Hindi Sawyer ang apelyido

At hindi po Rodriguez

Holland po!

Buti naman at dehins na isinama ang history chuvaness ni Spiderboy kung saan ay tinikman siya ng isang radioactive spider. Ditch that shit... moveon na daw.

Bagkos, magsisimula muna ang lahat sa pagpapakita sa unang pag-eksena ni Spidey during the Civil War kung saan kinuha niya ang Shield ni Captain America at stuff.

Then ipapakita si Iron-man Tony Stark na kausap si Peter Parker at sinabihan siya ng common linya sa mga job applicants. Don't call us, we'll call you shiznez!

And so heto si Peter Parker in his teeny bopper school waiting na kunin ang kanyang serbisyo. He make asa na mapansin siya at mabigyan ng mission ganyan.

At shempre para maiba ang takbo ng wento sa nagdaang spiderfilm, dapat iba ang kalaban.

Sa umpisa ng film, makikita ang groupo ng guys na nakakuha ng alieenatic items mula sa laban na naganap sa Avengers Age of Ultron.

Dahil sa mga fuck up details, ginamit nila ang items to make some weapons thingy to make some money dahil they make benta it and use it sa kasamaans.


Back to Spiderboy, dahil dapat magkaroon ng saysay ang story niya, malalaman niya ang bagay tungkol sa weapons thingy.

At dahil doon, gagawa siya ng way para maging imbestigador at lutasin ang anik-anik na kanyang nalaman atsaka ibalanse ang kanyang pagiging student thing.

Tapos may kung anong ganap pa na nakakatamad iwento tapos tatalon na tayo sa bandang gitna to dulo ng wento.

Sa school activity ni Spider-man, merong Homecoming event chuva, at doon niya makaka-date ang kanyang long time crushie.

Pero dito niya malalaman ang katotohanan na yung kalaban ni Spider-man ay ang father ng kanyang crush.

Goodbye possible teenage sex dahil work work work ang gusto ni Spider-man at hinabol niya ang kalaban at sila ay nagsagupaan.

The end!

Spider-score? Siguro nasa 8.8. Keri lang pero may mga bagay na gusto ko lang ichika.

-Pampahatak ba sa audience na kasama si Tony Stark sa peliks. Yeah i know siya ang kumuha kay Spider-man pero parang medj nasasapawan ang stardom ni spidey.


-Cougarish ang dating ni Aunt May. Na most likely mukang bibig ng medj pervy folks na yun lang ang napansin sa film.


-Annoying character named Happy. Ka-ertha!


-Yung BFF ni Spidey na ewan.


Masasabi kong so-so lang ang peliks at keri na din. 

O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care.

Sunday, June 4, 2017

Wonder Woman

Wow! It's been a while! Grabehan, last update ko ay noong april pa. At walang post ng May? at ngayon June na! Gas Abelgas pulgas!

Sensya na dahil busy-busihan ang peg dahil sa work-work-work-work-work atsaka busy sa kakalaro ng PS4 sa balur  kaya wala na akong energy energy blog... energy blog. lols

Pero shempre-shempre kailangan magpost, sayang ang after 7 years na adsense application na-apprub din. So kailangang may laman ang blogelya.

SO for today, ang latest peliks here sa pinas ang ating ipopost at bibigyan ng review-reviewhan. Ito ay ang babaeng US version ni ate Narda na nagiging si Darna.... Si Wonder Woman!



Babala!

Ang post na ito ay naglalaman ng wento sa peliks kaya naman kung ikaw ay ginagalis sa spoilers, kailangan mong umalis putragis charots!

Ready ka na ba?

Okay, lesgo-sagow!

Magsisimula ang peliks sa intro voice chuva ni Wonder Woman achuchuchu at ipapakita ang isang old photo niya kasama ang mga folks noong panahon ng digmaans. Then.... Time space warp ngayon dins!

Magsisimula na talaga ang kwents kasi ipapakita na ang ang young girlay na tinatawag na Diana (hindi Zubiri at Meneses).


Siya ay nakatira sa lugar ng mga amazona na ipapakita ang mga combat kemerut powers na mala-annie ng shaider kasi papakitaan kayo ng panty at almost vajayjay shot na napakabilis.

Dito malalaman na noong sya ay bata pa.... tinuruan sya ng kanyang tiya upang maging magaling na madirigma dahil sa chismax na balang araw ay baka magbalik ang isang God of War na may namesung na Ares.

So dagdalaga na si Diana na pede nang ipangsabak na pang Miss Universe sa kagandahan. Di lang iyon, mahusay na din sya makipagbakbakan ganyans.

Then eeksena sa kanilang isolated at hidden place ang isang blue eyed guy na nakasakay sa isang tora-tora plane ganyan.

Nag crash bandicoot yung plane at nakita eto ni Diana at dahil feeling righteous at hero ang peg niya ay niligtas niya sa pagkalunod ang guy.

After noon, may ibang madlang people ang nakapasok din sa hidden place ng mga amazonas! Quebarbaridad! 

Syemps, may dayuhan na nakapasoks so ang ginawa ng mga amazonas ay kailangang makipag-warla! Sugod mga kapatid ang peg! 

So may clash of titans na ganap between amazona pechays versus military talongs! Grabeycious ang sagupaan! 



After ng warlahang ganap, nadakip si blue eyed guy for interrogation ganyan.

Then may heksenang naliligo si guy sa na hubo ng umenter the dragon si ateng Diana na nakita ang nakakalambiting junjun! Then may casual talk chuva-chuchu.


After noon, nagdecide si ate Diana na sasama sya sa isang stranger guy na nakita na niya ang kanyang hinaharap at lalabanan niya ang God na puno't dulo ng warlaloo. Magtatanan na sila mga besh!

So naglakbay ang dalawa palabas ng hidden Amazonia place at papunta sa digmaan. Pero bago yan, kumanta muna si Diana.

See the light where the sky meets the sea
It calls me
No one knows how far it goes
If the wind in my sail on the sea stays behind me
One day I'll know
If I go there's just no telling how far I'll go


Shempre dapat may kalaban na haharapin ang mga bida, so ineksplanation sa peliks may bad guy and gal na gumagawa ng chemical anik-anik na pedeng makapagpadedsung ng sandamulak na folks. Nope, hindi po ISIS ang name ng grupo ng kalabans.

Then nasa outside world na si ateng at ang misyon niya ay mategibels si Ares para maa-stop na ang war.

Then nagkaroon na ng turn of events na nasa battle field na sila dahil kailangan nilang tapusin ang balak na chemical warfare chenelyns.

May bakbakan ulit at pinakita na ang kagalingang makipagfight ni ateng bida.

Then May eksenang tila nagkakadebelopan na si ate at koya. At sa isang kwarto, sila ay nagtukaan. Pero suspense kung may kemerut at chukchakang naganap. It's for you to find out!

Then papunta na sa climax! 

Kailangang pigilan ang planong pambobomba ng chemical anikanik.

At nagkaroon ng labanan sa inaakalang kalaban na akala ni Ateng ay si Ares.

Pero shempre, joke-joke-joke lang at nagkamali. Maling akala kasi si ate Diana e. At malalaman niya na ang isa sa character na na meet nia at ni guy ay ang tunay na God of War...

Si Professor Lupin! Charots! basta sya'!


And so bakbakan galore na between Wonder Woman saka si Professor. Tapos mabubunyag ang tunay na pagkatao ni Diana. Kapatid siya ni Ares dahil ang tatay ni Ares na si Zeus ay kumembyular sa nanay Diana. and poof, they became coco crunch!

So habang may bakbakan ng mga powerful, eto naman sa side ni koyang souja boy blue eyed guy, pinili ni guy na isakripisyo ang buhay niya para walang mga inosenteng matetegibels. 

At dahil sa pagkamatay ng first love, first kiss at possible first sex ni Wonder Woman ay na-unleash nito ang kanyang hidden potential at natalo ang kalaban.

The end.

Haba no? Yes, mahaba ang kwento. hahahah.

For me, bibigyan ko ng score na 9.3 ang film na ito.

Bilib ako sa aksyones at fight scene. Yung medj ramdam mo ang intensity na medyo napapaangat ang wetpaks mo sa upuan ganyans.

Then, di rin masyarowng boring ang first part ng film kung saan nikwekwento ang nakaraan ni Diana. Hindi ako naghikab or whats.

Though may times na feeling mo di gaanong polished ang effects pero forgivable namans.

Masasabi kong worth it ang binayads ko saka ng pagbili ko ng popcorn at drinks while watching hahahaha.

Don't forget to wait sa pinakadulo ng peliks.

Kasi ipapakita ang neks film

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.


Hahahahahaha, o sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!


Wednesday, March 22, 2017

Power Rangers

Hola! Kamustasa mga folks! Andito nanaman ako para naman magsalitype ng anik-anik at magwento ng kwentong minsan ay wala namang kwenta. hahahah.

For today ay magkakaroon nanaman tayo ng isang movie review-reviewhan ng isang pelikulang kapapalabas lamangs. Yep, ito ay ang Beauty and the Beast! NOT! Di yon! Yung mas bago... Yung may theme na go go power rangers! Yah! Kerektedbay! Power Rangers! Nasa title na nga ng post enekebe!

Ooooops! Bago magpatuloy, andito nanaman ang aking babala sa mga may phobia sa spoilers... Hindi ito para sa weak hearted like yah! So... kung ayaw mo ma-spoil.... shoooo! Kembekneksteym!

O... Ready ka na ba?













Sure???



Okies!

It's Morphin Time!!!!


Noong unang panahon... Hindi panahon ng hapon... kapanahunan pa ni kopong-kopong-dino-era! May isang red ranger na naghihingalo (later i-aannounce na sya si Zordon). Natsugibels na ang ibang rangers at kinuha niya ang mga ranger colored coins.

Then ipapakita ang kalaban na si Rita (hindi Avila ang apelyido).Isa pala itong Green Ranger (shocking!). Then tsutsugihin na dapat ni Rits si Red Ranger kaso may akshidenteng naganap.


Kaya pala Green ang suot nia!

Kailangan ng tulong ni Ida para mag-fast forward sa future tense!

Time Space-warp, Ngayon din!

So papakita ang kapekpekang ganap ng isa sa magiging bida-bida ng film. May guy na nagpasok ng cow/bull sa school. Tapos shakey camera and dark themed filters. May habulang gahasang ganap ng sasakyans.

Dito na ipapakita ang guy kanina named Jason (hindi derulo). Dahil sa kanyang ganap ay mapupunta siya sa detention.


Dito niya makikilala ang nerdy black kid named Billy (hindi crawford). Medyo bulbulin este nabubully etong black kiddo na ito at pinagtanggol ito ni Jason.


Then ipapakits din sa screen etong girlay na long-haird na nagpunta ng washroom. Malalaman na na-friendship over si girl ng akala niyang mga beshies niya. So she make putol her hair coz fuck them right?!


Tapos sa takbo ng wento, mapapadpad ang mga teenyboppers sa isang restricted area by destiny ekekeks. 

Etong black kid ay nagpasabog ng lupa at dahil doon ay makikita na sa screen ang dalawa pang teens.  Sila ay makikilala later with the name Zack (not Efron) at Trini (hindi dor ang lastname).



Dahil sa pagsabog chuchu, matatagpuan ng 5 teenies ang colored items na tinago ni Zordon. At by fate, nadampot at nahawakan ng kiddos ang anik-anik na magiging katumbas ng kulay nila.

Sila ang naging bagong tagapangalaga ng mga brilyante!

Baka ma-tokhang sila sa mga batong ito!

Then may aksidenteng ganap pero nakaligtas ang 5 bagets. Tapos nalaman nila na nagkaroon sila ng superhumanic capabilities. At dahil curious sila, nais nilang malaman anyare. 

Mapapadpad sila sa spaceship at doon nila matatagpuan ang isang robot (named Alpha5) na nag-eksplain na sila ang itinakda bilang power rangers. Papakita na din si Zordon (hindi dick ang persname) na naging wall mount.

 Alpha 5

Dick Zordon! Ipasok si Dick! chost

Chinika-minute na silang 5 bagets ang magiging rangers. Kaso kailangan nilang matutong mag-morph at magkaroon ng armor thingy bago nila kalabanin ang pwerta este pwersa ni Rita.

Subalit, masaklap ang buhay mga besh. Di sila pinalad na makapag-change costume. So ang sabi, training daw muna sila. Magkakaroon ng Power Rangers Immersion program para pag may opening ay may chance na silang maging Rangers.

So nagtrain sila ng nag train tapos extend pa daw sila bilang immersion trainees hanggat di pa sila makakapag transform. Then bilang pakunswelo de bobo, pinakita ni Alpha ang magiging sasakyang transformers robots called zords.






Pero sadyang mapait talaga ang kapalaran ate charo. Wala talaga. Kaya feeling ng mga rangers ay kailangan nilang mag-team buidling este recollection chuchu at magkaroon ng open session para maging closey-close sila.

Nagkabunyagan ng secrets.

1. Si Black ranger ay lonelybels kasama ang mudraks na may sakit kasi walang ritemed sa US.
2. Si Yellow ranger naman ay sasali daw sa That's My Tomboy.
3. Si Blue ranger naman ay may almuranas charots!
4. 1.2.3 pass daw si penk
5. Hindi pa nabibinyagan ang junjun ni red.

At ishoshow na si Rita na isang gold digger. Naghahanap ng mga gold-gold para sa kanyang alagad na si Goldar.

 Mr. Gold

 Goldilocks

Solid Gold

At nagkaroon ng confrontations and eventually nasabi ng mga rangers ang salitang... 'Its Morphin Time!'

At nagtransform na sila finally!

Joke!


At dito ko na puputulin ang wents.

Score? Bibigyan ko naman ang film na ito ng 9. Okay naman for me at di naman ako nadisappoint masyarow.

May mga bagay lang akong di ko trips.

-Di mukang mamoth yung sasakyan ni black.
-Di masyarong Pteradactyl ang look ng zords ni pink.
-ganun din sa Sabertooth tiger
-At walang sigaw-sigaw kapag nag morph!

Imagine, wala yung... Mastadon, Cheradaktil, Chwisheratap, Sebatutayga, Churanasor! Maygas!

Pero all in all, oks naman sa akin. Di ako nadismaya (noong una akala ko too dark ang armors, based sa mga pakita... okay naman pala!). 

Okay naman ang 200 petot na binayad ko.

Sa huli ng film, ipapakilala ang magiging next green ranger.. si Tommy.


O sya, hanggang dits na lang muna! Take Care!