Showing posts with label review. Show all posts
Showing posts with label review. Show all posts

Thursday, December 18, 2014

SI


Happy Thursday folks! How are you? Nag-umpisa na ba kayo ng simbang tabi este simbang landi este simbang gabi? Pasensya na nga pala at hindi gaanong updated ang bloghouse. 3 films na ang nipanood ko pero wala akong review like the Hunger Games, Penguins of Madagascar at ang recent na Hobbits. Siguro nektaym.

For today, book review muna tayo dahil merong new book si Bob Ong. Yes! After ilang taong pag-aantay, merong book si Bob Ong. Eto ay may pamagat na 'Si'. Oo, 2 letters lungs ang title, wag na mangealams.

Ang wento sa libro ay tatakbo sa walang pangalan na matandang lalaki na nagcelebrate ng kanyang kaarawan. Dito ay babangitin niya ang ilan sa mga pangalan na magiging parte ng wento. Ang ngalan ng mga anak, apo, kakilala at ang kanyang asawang si Victoria.

Ang wento ay reverse story telling dahil ito ay mga fragments ng alala ng lalaki at ni Victoria at ng mga ibang character na nasa pabaligtad na ayos. Mula sa edarang 72, ang bawat taon pababa ay magsasaad ng mga pinagdaanan ng mga characters.

Maganda naman at hindi masyadong malalim ang wika o pananalita na ginamit sa libro. Madaling intindihin ang laman ng libro kaya di mo na kailanganganing mag-isip kung ano ang kaganapans. 

Makakaramdam ka ng sweetness ng mag-asawa, ang ngiti sa ibang kaganapan, ang lungkot sa mga nangyari sa ibang karakter at ang twist.

Kung ang content ng kwento ng libro ay bibigyan ko ng markang 9. Okay sa akin at pasado naman ang nilalaman ng bagong handog ni Bob Ong.

Pero.... pero... pero perong bukids..... Sa aking palagay, hindi makatarungan ang halagang 400 petot sa libro. Yeah, i know, hardbound... pero para sa mga madlang readers, maaari sanang nasa 150-250 range lang ang libro para na din sa mga students.

Hanggang dito na langs muna, Take Care folks!


Saturday, March 10, 2012

Magnum!

May pesbuk ka ba? May chwirrer? Nababasa mo ba sa feed yung tungkol sa isang ice cream na nagiging bukambibig ng mga pips? Oo, yung ayskrim na kinahuhumalingan ng madlang pinoys here sa pinas. Walang iba kundi ang MAGNUM!

Kanina, dahil sa kabagutan sa opis at syemps dahil sa jinit ng panahon ay napagpasyahan kong i-try o subukan ang ice cream na lagi kong nakikita sa aking pesbuk feed. So nung pumindot ako sa phone upang mag change status for lunch, ay dali akong bumaba mula sa 11th floor ng opis pababa sa 7-11 at bumili ng pamatay inits.

Pagpasok ko sa 7-11, namili ako sa taklong pleybor na pagpipilian. May Classic, may almond at may Chocolate Truffle. Napasigaw ako..... Chocolate Truffle..... I Choose You!! Joke. Syemps, pasimple akong kumuha at nagbayad sa cashier.



May pekpekture sana kaso punyemas, nawawala yung cable ng cellphone ko para makapagtransfer. Nagnakaw na lang me ng pic mula sa google. lols.

So ano ang husga????? itatanong natin sa dalawang persona.....

Khanto:

Okay naman. Masarap yung tsekolate na nakapalibot dun sa choco ice cream. May gold color pa yung lagayan ng ice cream (yung bandang loob). Tapos, inpernes, may nakalagay na magnum chever sa popsicle stick na pinaglagyan ng ice cream.

Rating para sa akin ay 8.5. :D

Otnahk:

Watdapaks! Nabutas ang bulsa ko sa ice cream! Over! Hyped! Eksaherada! Yun na yown? May engraved na magnum lang yung popstick, 60 petot na? E kasing lasa lang nia yung Cornetto disc. tsk tsk. Nagoyo me.

Ang rating ay 6.

O sia, hanggang dito na lang muna! TC!

Friday, July 29, 2011

The First Avenger: Captain America

Khanto: Tao?
Gelo: oo
Khanto: Artista?
Gelo: hindi!
Khanto: Politician?
Gelo: hindi!
Khanto: Tao...... Tao talaga?
Gelo: oo!!
Khanto: hmmmm... hero?
Gelo: OO! OO!
Khanto: Jose Rizal? Andres Bonifacio? Apolinario Mabini?
Gelo: *nag-walk-out at di na tinapos ang pinoy henyo... suplado! :p

Syempre walang konek masyado ang panimula ko. hahahah. Wala lang ako maisip na intro kaya ganyan na lang sa penoy henyo. Shempre, huwebs nanaman ay este biyerns na pala at alam kong bright ang mga readers ng kwatro khanto kaya may kutobs me na knows nio na ang post na ito based from the title. Well, kung hindi mo knows, aw! punta ka sa sulok and face the wall! joke!

Memorize na memorize nio na siguro ang dapat kung sabihin kung kayo ay may balaks manood ng movie dis weekends. Di ko na sasabihin... its so redundant every movie review-reviewhan ko e. so shall we???

So tinamaan me ng tops at nagdecide ako na manood ng sine mag-isa. what's new! hahaha. so anyway, malamig ang sinehan kasi nakamaong short lang me at tshirt tapos wala pa ata sa 100 ang viewers ng movie at anlakas ng erkon. demit!


So the movie started from the present time den nagplashbak. It's way back the war era kung saan ang mga citizens na lalaki na may magagandang pangangatawans ay pinipili upang maging g.i.joe este sundalo. Tapos may isa lame at payat na kiddo na gustong maging soujaboy! Yung lamepayatot na kid ay syemps rejected at kenatbi-wanabi. Buti na lang at may isang propesor na nagka-interes sa kanya (not in a gay way! lols). Nabigyan ng chance ang payatutching na mag-train sa military ek-ek.

Naka-skinny jeans kaya sya? lols

Syempre di ko na dedetalye much at skip ng timeframe. Naging chosen labrat (hirap kasi spel guinea pig e) ang lampayatot at tinurukan ng viagra at steroids kaya lumaki ang...man-boobs..este... katawan. Di na sya lamepayatots, isa na syang supladudes. joke. Naging maskulados tapos kumanta ng jumbo hotdog. joke ulit. ayun. nag-change nga ang pisikal na anyo ni thin soldier. Hunk na sya at pisikali fit. Nagka-abs sya at naging DTNL(di tunay na lalaki- kasi ang tunay na lalaki, walang abs :) hehehe )

Di na sya Lame-payatot (salamat sa viagra este steroids)

Dehins naman pedey na iikot lang ang almost 2 hours na peliks kung walang kalabs diba? Sheperds merong bad cheetah sa movie. Ang kalabs ay isang manong na parang tinampal-tampal ang muks kaya sobrang namula. Hetong villain ay nagkaroon ng chance na mapasakamay ang isang mysterious "thingy" at sa help ng alalays na scientist ay gumawa ng mga weaps pang digma to rule the world ata.

Namumula sa galit :p

Syempre may bakbakan sa movie. alangan namang pinakita ang buhay ng bida at ang kontrabids. Hindi naman biography ng dalawa ang ginawa ng direktor. At ang eksena ay di ko na idedetalye kasi kayo dapat ang magiging.........SAKSI!!!

Dumako na tayo sa iskor. score ko..... show ko..............8!!!! Tayo'y mag otso-otso! otso-otso! otso-otso, mag otso-otso pa.(kung kinanta mo yan, ahahahaha!). Maganda naman yung pagkakasalaysay kung pano nakuha nung payatot ang incredible muskuladong wankata nia. Oks din yung eksenang nalihis ng landas ang hero(whooooops, nakakatawang eksena para sa akin yun *spoiler). Oks din naman ang action. Pero kaya hindi naging 9 kasi yung graphics at special effects ay medyo di fluid. Ewan ko, pero sa napanood kong ibang movies na may effects, yung sa capt. america ay parang super obvious at di gaanong napagmix ang real scenes sa japeks. Saka walang naglalagablab na eksena like yung leading lady ni Capt. A, wala man lang pakita ng skin. Ahahaha.

tapos, tapos, yung ending.... hanging..... bitins.... kasi ikokonek sa movie neksyir.

Kung tatanungin kung dapat panoorin sa sinehan? OO! Syempre. Kung lagi kang aasa sa pirata at downloads, hala ka, baka wala ng gagawa ng peliks para sa ating manonood. 

By the way highway, antagal ng credits sa last part para lang makita ang konting pasilip ng upcoming movie sa 2012 na the Avengers. makatulog ka sa pag-aantay peromedyo sulit namans.

O cia, hanggang dito na lang muna. Happy Friday sa inyo! Tiyak madami masaya kasi weekends na nila at suweldo na!!! hooray!

Friday, July 22, 2011

The Ward

Kung kahaps at nung isang kahaps ay nabusog ang mga eyes-eyes-baby ninyo sa mga larawang kupas na pinagpapapaskil ko ditow sa aking blogelya, syempre kailangan naman magkaroon ng breaker kaya for today it's differents. suspens muna.

Kahapon lang ay ang aking restday kaya naman petiks mode lang ako sa house. Dahil sa subrang katamoran katamaran ay nagpunta na lang ako sa suking mall. Bibili sana ako ng kapalit ng current bag ko pang-opis pero ang mahal ng baggage-counter sa bench kaya di ako bumili. Napabili ako ng travel bag pang puerto-prinsesa. lols. 

E tapos nagkaroon ng mga eksenang suddenly. Suddenly ay umulan ng malakas. May payong ako pero nung nakita ko ang mga pips na pumapasok sa mall na may payong pero wet na wet at halos mabasa pati pwet, nagback-out ako sa pagsulong sa ulans kaya no choice ako at nanood ng Movie.

So lam nio na ang post na itey. Syempre porn post. juk lang. wag kayong shushungashunga. Movie na nga ang clue eh. So dis time its movie review-reviewhan.

Napanoods ko na ang Transformers at Harry Potter 7 kaya konti nalang option ko. 1.Umulit ng hp or transpormers. 2. Manood ng Pureza. 3. Manood ng Bridesmaid. or 4. Manood ng The Ward. Hulaan nio kung ano nipanood kow? Txt nio Movie (space) #number ng hula at isend sa 5566.

Kung nagbasa kayo ng title bago basahin ang ka-ekekan ditey, tyak ang tinext nio ay 4. Clap-clap. tomoooh!

Tigilan ko na paligs-ligs at umpisahan na nats ang kwento.


Ang The Ward ay tungkol sa isang girlaloo na parang buwang-buwangan na nagsunog ng isang houslaloo sa istates at nihuli ng manong cop at napunta sa isang parang mental ward. Tapos nakasama nia sa institution ang 4 other gerlaloos. Tapos may something na bigla na lang mangogolat at poof, nadeds at may nadeds at may nadeds. and then yung twist na ng wento. then the end.

rating? rating? bibigyan ko ng 6.9. ang rason? kasi 1.5 hours lang yung movie tapos yung opening ng movie ay horrible. Though parang pangsuspense na ewan ay parang mapapapikit ka na lang at gusto mong magpowernap sa tagal ng opening chuvaness. It sucks! Hontagal e. Like..... Anong petsa na!!! Kuya direktor, pumapatak po ang metro!!! grabe sa tagals.

Though nakakagulats ang ilang eksena like totally halos mapajump ako sa upuan mag-isa, di padin sapats para mapa-wow me at bigyan ng good score. 

Maganda din sana ang twist ng wento sa bandang huli pero it's like bitin padin para tumaas pa ang score nitong movie.

Siguro magiging 10 ang score nito kung may mga frontal nudity tapos ano pa ba... may leslie scenes tapos may succubus ba yung tawag sa may nanrerep ng gerl? ahahaha. syemps di bweydey yung ganun kasi magegeng Rated Sex na ang movie.

So ang payo ko? Not worth it sa big screen. Sayang ng slight ang kashing-kashing mo. Abangan na lang kung ilalabas sa philippine tv o dl ober da internet.

O zsa! zsa! Zsazsa zaturnah..... hanggang dito na lungs muna. Tek-ker-garnyer!

Thursday, July 14, 2011

Khanto Review: Harry Potter and the Deathly Hallows part2

It's movie time again! Yahooo! Showing na sa inyong suking sinehan ang karugs ng pelikulang Harry Potter and the Deatly Hallows kaya naman me with some opismates ay nanood kanina.

Flash forward. Kainis yung reserved seating ng Robinson's Galleria, potaena, may umupo dun sa row na nireserved namin. Sarap paslangin nung kumag. Pero since we are citizen of peace, hinayaan na lang namin kaya ang ilan sa mga kasama namin ay naghanap ng ibang pwesto. Pasalamat si kups na madami pang vacant sa right wing. (tutubuan ng bulate sa pwet yung mamang epal sa sinehan kanina; ginamitan ko sya ng spell).

Okay, nuff said about that crappy reserved seating and let's begin with the warning first. Kung may balak manood at ayaw magbasa ng anything about sa movie, close this window and balik ka na lang next time. Kung gusto mong magbasa ng review-reviehan ko, sige, tuloy mo lang ang pagbabasa. let's go!


Okay, Kung napanood nio yung part 1, good, kasi heto na ang kadugs ng wento. Ang misyon padin ni potter and friends ay maglakwatsa katulad ni dora at hanapin ang mga natitirang pira-pirasong cheber ni Lord Voldemort (Horcrux). 

Syempre di ko itutuloy ang ibang eksena kung tagumpay ang mission ni Hewlett Packer. Tapos syempre kelangan na magtuos ang good at bad. This is war! Sagupaan ng ng cheber white sa chenes black. Ang pwerta este pwersa ng mga Dumbledores Army versus sa chuvanes ni Lord Voldemort.

Ayun, so may fight scenes. Spell dito spell doon. Imagine, nag-iispellan tulad ng mga czechoslovakia, deoxyribonucleic acid, Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis. Napaka-complicated ng spells nila. (insert laugh here!!!!!).

Meron ding drama anthology part. Syempre, di lang dapat busog ang mata sa makbakan, dapat may pampa-aurmpgfff sa puso. Yung tipong mapapa- seriously???? ganoonnn??? huweeh???  ansabeee???? 

At shempre, may climax na. Time to end the deal between LV vs HP. Nag-one-on-one magikan ang dalawa and in the end, one will be declared sole survivor.  Ang isa ay masasabihan ng 'You are the weakest link', 'You've been eliminated from the race', 'the tribe has spoken', 'you are evicted from the big brother house', 'Please pack up your knives and go', 'You've been chopped', 'You are no longer in the running to be America's Next Top Model'.

 Tapos syempre.... ang ending na nobela.... tapos...... the end na. Wag na mag-abang sa dulo ng credits kasi wala ka naman aabangans.

Mahaba na ba??? o sige, iiklian at dadalian ko na lang ang rating ko. Bibigyan ko ng 9. Nagustuhan ko ang mga eksenang kinuha at binunot mula sa book. Syempre di perfect kasi hindi naman lahat ng eksena para sa akin ay kamangha-mazing. Nacapture din ako sa arte ni Snape at ni Mcgonagall. +1. May part nga lang na nakakasilaw factor. Ahhahaha. 

If i-aask ako kung worth it manood sa sinehan, aba syempre ang sagot ko ay isang malaking CHECK! Nagtatago pa ang mga pirata sa quiapo kaya dapat lang panoorin to sa movie house. Atsaka di maganda kapag sa tv mo lang sha papanoorin. The bigger the better. lols.
HARRY POTTER IS IN IT TO WIN IT!!!!! 

 -randy jackson-

So hanggang dito na lang muna mga peops. Sa manonood pa lang, mukang kailangan magready sa dami ng tao this coming weekends kasi tyak madami manonood dahil kakasweldo lang. :D TC!


Wednesday, July 13, 2011

No Regrets, Bangkok Love Story


Alam kong katatapos ko lang magpost ng entry kaninang hapon pero meron na ulit me post for today. Ako na! Ako na ang walang ginagawa at medyo idle!

For today, movie review ang aking post. It's a bit different than the previous movies na napopost ko dito dahil this 2 movies ay out of my comfort zone (at kelan pa nagkaroon ng comfort zone?). lels.

Well, kung constant readers kayo ng 'Kwatro Khanto', malamang sa alamang ay knows nio na na kung hindi recent movies ay korean/japanese/ thai movies ang aking napropromote at nirereview dito sa aking tahanan. This time, medyo iba ang theme ng movies.

Let me go back muna last week nung ako ay nag-rest day. Friday ay nagmallhopping me para hanapin ang one piece toys na kino-collect ko at kasabay nun ay napadpad me sa St. Francis Square. Doon ay bumili ako ng walong na asian movies. Ang packaging ng dvd ay nakaplastic lang at super labo na parang photocopy  (b&w) ng orinal package. So by title lang ang ginawa kong pagpili. Kung Catchy ang title, pwede na!

Back to present na. Kahaps, habang ako ay nagpapahinga pa from sickness ay naisipan ko na isalang ang 2 dvds. At get ready to your seats..... ang theme ng 2 movies ay gay love. Yeps. tama ang pagbabasa nio folks. For this entry, it's gay movies.

Kung umabot kayo dito sa post na to... congrats.... Antyaga mong magbasa ng pasakalyeng kwento. Hahaha. Kung ready na kayong magbasa ng summary ng movies at ang husga ko.... lesgeriron!!!!

1. Bangkok Love Story


Heto ay ang pelikula kung saan may isang lalaki (Boy A)na na isang hired killer/kidnapper na may target na police informant. Nikidnap niya si target (Boy B) at dinala doon sa mga gangsta to claim the pot money. Nalaman niya na inosente pala ang kinidnap niya kaya di niya ibinigay at itinakas nia un. Kaso nabaril at tinamaan ng bullet ung lalaki. Inaruga ni B si A at may point na Biglang naglaplapan at nagboomboompow na lang ang dalawa during the time na naliligo si A at nag-alok ng help si B. And then the taguan eksena at kung ano-ano pang kwento begins.

Ang dahilan kung bakit di ko kinumpleto ang wento, ito ay dahil yung ibang eksena ay di masyadong may kinalaman sa love story. May paksang Aids/Hiv ang movie which revolves the family ni Boy A. Parang ganun. Pero i will give a good grade sa movie na to. 8 kahaba 8 kabilog. joke. Walang exposure dito!!! Artistic ng slight. ahahah.

Eto pa another poster ng movie

Bakit nga pala 9? Kasi madilim yung copy ng dvd. lels. Atsaka parang di nagpapalit ng undies si Boy B. Nakakayaks na lagi na lang yung white boxer briefs makikita mo sa pers hap ng movie. bwahaha. Pero on the serious side, kaya pasado ay dahil may kakaibang eksena nung bandang huli na it showed love. Yun kasing si Boy B talagang nalaglag ang brip kay Boy A. Todo yung pagmamahal nia. Ayoko sabihin ginawa niya kasi maiispoil. mapapanis. :p

2. No Regrets


Ang wento naman nito ay tungkol sa isang batang laki sa ampunan subalit kailangan ng umalis kasi lagpas na sya sa age limit. Nagpunta sa Seoul (tama ba ispel?) para maghanap ng work. Si Boy Y ay nagwork as chauffer o yung taga drive ng mga lasing na tao mula sa bars pauwi ng haus. Sa gantong situation unang nagtagpo si Boy Y at Boy Z. 

Sa hirap ng buhay, napilitang magwork si Boy Y as a prosti the showman. Nagwork sha bilang pakangkangkernets. Hinahayaan niyang mahalukay ube sya o gwaing chupachups ang junior nia kapalit ng pera. 

Si Boy Z ay mayams at nagsearch sia sa mga gay bars to find Boy Y. Talagang pinagsiksikan nia ang sarili para mapansin at mahalin ni Y. And then the other eksena goes at shempre may conflict sa kwento pero di ko na dedetalye.

Rating ng movie? Siguro bibigyan ko to ng shite 7. Bakit? sige, sasabihin ko na. Kasi over sa bembangan scenes. Hahhaha. Uber sa pagkangkangan at flesh. Hahaha. Atsaka medyo mababaw ung story. Walang makabagbagdamdaming eksena. Walang nakakakurot sa pusong plot. It's just a guy banging with another guy movie. lels.

The 2 movies above ay suited lamang sa open-minded na people dahil tyak baka basag-basag na ang telebisyon at dvd kung ang manonood ay super kitid ng utak at hindi titingnan at i-leleverage ang movie as art. naks. me ganun.

Hopefully yung other dvd na nabili ko ay iba naman. Hahaah. Try ko nga mag-horror movies since ang uwian ko ay 11pm. Hating-gabi ako manonood at next time yun naman ang review ko.

O sya, hanggang dito na lang muna mga peops! TC!

Thursday, June 30, 2011

Khanto Review: Transformers 3


Transforming Thursday sa inyo! Heto nanaman ang review-reviehan tungkol sa mga pelikula na ipinalabas sa sinehan. 

Pero bago ang lahat, syempre andito nanaman ang babala at warning. Kung kayo ay di pa nanonood at nais manood at ayaw ma-spoil ng kahit na kakapiranggot na impormasyon, might as well close the web browser na or magkomento na lang sa ibang blog post ko. wahahaha. Pero kung kayo yung mga tao na gusto muna ng review bago manoods, so gora lang at ipagpatuloy nio na ang pagbabasa.

Kahapon ay showing na sa ating country ang palabas ng mga machines na kayang magpalit anyo bilang mga sasakyan. Kung clueless talaga kayo at galing sa bundok at walang balita sa mga kaganapan sa paligid, ang tinutukoy ko ay ang pelikulang Transformers. Eto na ang 3rd movie ng pelikula.

Ang wento ay tungkol sa simula ng digmaan ng Autobots (mga good machines) at Decepticons (Bad ass machines). Syempre pinakita na nagtitirahan sila (o wag green minded). Tapos may biglang nakatakas na madapaka speship at ito ay lumading sa buwan (hindi yung buwan ng June, July or August). And then.... ipinakita ang man on moon kasama sila armstrong at nakita ang speship.

Tapos pinakita yung sexing babae. Ayun, katulo laway. Wiiiitwiiiiiiw! Tapos aun, sexy nga. Sayang walang Megan Foz pero pwede na! Tapos aun... Saglit lang, walang steamy hot sexy scenes... Tapos aun. Tapos na movie.

Lols. Iniwasan ko iwento yung middle part at ending part kasi naman yun na yung good thing sa movie. kaya eto na, jump na tayo agad sa rating ng movie.

Para sa aking sariling opinyon, bibigyan ko ng 9 ang pelikulang ito. Bakit? Why? teka... dadaan din tayo dyan.

Heto na ang reasons (hiniwalay ko lang sa separate na paragraph). Maganda ang takbo ng kwento. Maganda yung twist. Nakakakulo ng dugo ang kalaban. May sexing babae (walang masyadong skin na pinakita). Maganda ang bakbakan.

Pinanood ko nga pala to sa 3D, at okay naman ang kinalabasan. Kaya sa mga nagbabalak ng 3d, go! Sa mga ayaw ng 3d, oks lang din, Kasi may part parang di rin 3d (nanood akong walang 3d glass sa isang part kasi nahihirapan ako kumain ng burger ng may nakatakip sa mata. :p).

btw: walang fastfood chain ata ang may franchise ng Transformers at wala akong nakikitang Happy meal o jolly kiddie meal na may transformers toys. Kahit ang burger king wala. So sad.

O sya, hanggang dito na lang muna. :D

TC to all!

Thursday, June 16, 2011

Khanto Review: Green Lantern Movie


Kamusta mga kapatid, kapamilya, kapuso, kabarkada, ka-Q at Ka-khanto! Elow pows! Sana ay oks na oks ang inyong layp. Anyway, di ko na patatagalin pa ang pa-intro epek ng post na ito at diretso na tayo sa main event. Eto ay walang iba kundi ang review ng pelikulang pres na pres na parang galing lang sa dudu ng cow.... Ang Green Lantern Movie.

As always naman kapag may movie rebyu ay andyan ang dalawang option na pede ninyong pagpilian. Ang i-close ang window dahil ayaw nio magbasa kasi manonood palang or magpatuloy sa pagskip read tapos sa huli ay sasabihingnice post at xlinks please. joke yun? uhhummmmm. 

Hokey na? Nakapagdecide na ba you kung tuloy o tigil? payn! Let's get it on.

Heto ay wento tungkol sa mga highly chever guardians na nagcreate ng pwersa na walang kinatatakutan, walang kinikilingan, walang prinoprotektahan, serbisyong totoo lamang! Sila ang bumuo ng group na so called Green Lantern Corps na pinapatakbo ng kaberdehan o itatago natin sa tawag na will power.

Guardians

Green Lantern Corps

Apparently, sa grupo ng guardians, may pampam na lomondeee at nag-inarte kaya ito ay naging outcast. Nakulong pero nangati ata ang pwet at nagising at kumain ng fear ng mga echoserong naligaw sa pinagkakakulungan nito.

Ang kalaban called planax este parallax ay may powers na mag suck (parang hambastosh lang) ng takot sa mga kalabs kaya naman it grew stronger  na parang nagcherifer. Aun, di na keri ng ilan sa green lantern member at may natigoks. May isang nakatakas pero na-injure kaya nag escape ito at inanod sa dalampasigan ng dagat tralala.

Owner ng ring na ipinasa sa bida

At dito papasok ang kwento talaga ng magiging bida. Ang bidang matipunong nagngangalang Hal Jordan (not related to Michael Jordan) na isang piloto ng ispeship/erplen. Sa pagkakalanding ng isang green lantern member, nag mini mini maynimo sya at inutusan ang ring niya na humanap ng karapat-dapat na owner. At poof. Napili ng ring hang bida.


"One ring to rule them all, one ring to find them. One ring to bring them all and in the darkness bind them. ". Grabecious ang power ng sex ring kasi kung ano ang nasa isip, yun ang pedeng gawin ng ring. 

Syempre tumakbo pa ang wento kung pano nadebelop ang amazing powers ng bida. Kung paano lumalaganaps ang evil thing at syempre bakbakan to the max and epeks. Kasama din dito kung pano nagkaroon ng kontrabida sa storya at kung pano ito pinuksa ng bida (alam naman na hindi natalo ang kalaban, sagwa naman ng ganun).

Dito nagtatapos ang bahagi ng synopsis ng wento kasi ayoko naman iwento lahat. Masakit sa daliri kung scene by scene ay idedetalye ko dito. Edi nakatipid pa kayo ng 180 sa sine. Nowiz! ahahaha.

So let's go na sa judging part... Judging part???? ano to contest? wahihihih. irarate ko ang movie from 1 to 10 at bibigay ko ang kadahilanan bakit ganun. okies??? hala, sige, basa na!

Drumroll puhhleeez.....dagadagadagadagadagadagadag.......

8.452395783463728473628100283645

O, wag ng umapela sa score... baket blog mo? joke lang. Sige, pede nio po i-round off to the nearest sumthing.

Heto na ang reasons why nasa otso plus ang iskor.

1. Maganda ang epeks. May mga gulat paktor kada bakbakan at mga chenes achuchuchu. (positive point)
2. Malinaw naman ang paglalahad nila ng pinagmulan ng Green Lantern Corps (check)
3. Hong gonda sa paningin ng kulay green... Panalo ang pagiging berde! (points ulit)
4. Hokey naman ang mga gumanap sa mga characters lalo na sa kontrabida (good)

Bida pa to sa movie pero kontrabida talaga

Kontrabida sa movie

5. May sundot ng slight comedy sa isang bahagi (pweydey)
6. Matutuwa ang girls at pa-girls sa bodilicious nung bida
7.  Mahusay ang sound epeks at akma sa movie
8. Walang sexy/ sex scenes sa pagitan nung bida at nung magandang leading lady (american movie ba to? hihi)

Wala man lang naked scene?

9. Parang walang naitulong ang ibang green lantern corps sa bida... Mga walang wentang corp (bitterness?)
10. Simula ay maganda, gitna ay exciting tapos pagdating sa dulo.... Watda?!!! parang yun lang yuns at ganun lang makakatalo sa hinayupak na kalabs? ahahah.

Overall okay naman ang movie at oks sya at sulit sa perang binayad sa sinehan. Mas lamang lang ang xmen ng konti pero good movie padin.

Di na pala namin inantay yung dulo after credits kasi wala lungs.... ahahaha. So hanggang dito na lang muna me at matutulog pa ako. Puyats. ahahaha

Enjoy this fruitful Friday at enjoy the weekend everybody. Kung manonood ng sine, enjoy watching at lalo na sa trailer ng mga upcoming movies :p!

Note: ang mga larawan ay nakuha sa google. Di ko pagmamay-ari :p

Friday, June 3, 2011

X-Men: First Class


Kahapon, i am so excited and i just can't hide it. Kiligs na parang papaubos na ang ihi  na kailangang magpagpag. ahahahah. Hindi naman halata sa mga tweets at post ko sa twitter at fb.

Kahaps ay nagbalak ako manood ng sine alone pero its a good thing na may mga friendships na ka-opismate na gusto din makapanood. So imbes na sole watcher ako ay naging pito kami na nagpunta sa Robinson's Galleria cinema 1 upang panoorin ang movie.

Stop. Stop. Stop. Kung kayo ay manonood palang ng sine at ayaw nio ma-knows ang ilang bagay tungkol dun, pede mo skip read tapos sabihin nice post. Pede din close mo lang ung browser or mag-back-read ka na lang sa blog ko.

So anyway, here is the short synopsis ng movie ng Xmen First Class:

Eto ay tungkol sa plashbak ng buhay ni Erik (hindi Santos ang apelyido) at Charles (hindi yung prinsipeng naging asawa ni Diana [Hindi zubiri]). Eto ay about sa past ni Magneto at Prof.X (hindi sila nagkaroon ng intimate relationship, wag mahalay ang isips).

The story goes sa isang kulto o grupo ng mga mutants (bad mutants) na nagbabalak na magkaroon ng war between the USA at the Russia. So gumagawa ng paraan ang bad mutants to stir things.

Then may isang agent (hindi call center agent) ang naka-knows ng possible thingy of war at nag-seek ng tulong-tulong-saklolo at doon nag-seek ng help si agent kay Charles na isang tao na nag-aaral ng evolution of men.

Then dito nagkaroon ng clash of the titans este clash of mutants between the group of Bad mutants at goodygood mutants. Nagkaroon ng bakbakan nagpakitaan sila ng prowess.


Then in the end, ipinakita kung paanong naging impotent este lumpo si professor x at kung pano nag-part ways ang akala mo ay magjowa na si Charles and Erik. Thus nabuo ang XMEN. ahahaha.

My opinion about the movie:

-Sulit na sulit ang bayad sa ganda ng pelikulang ito.
-Mas gusto ko to sa wento ni Wolverine
-Okay ang effects lalo na sa pagpalit anyo ni Mystique
-Di ko feel ang powers nung kalaban named Shaw.
-Go go Go Magneto!!!
-Okay din si Banshee at si Havoc. cool!
-Dahil dito, may background na ako kung pano nagmutate si Beast.
-Galing at ganda ni Emma Frost
-Weird lang kasi ung group ni emma frost ay naging kalaban pa ng X-men at ang nag-corrupt kay Phoenix.
-weird na may parang nightcrawler pero red ang kulay. Hindi kaya yun ang nilandi ni mystique?

If i will rate the movie, bibigyan ko to ng 9. Oo, mataas ako magbigay ng score basta nagustohan ko ang movie. 

Note: larawan ay nakuha sa google. :D

Sa mga umabot sa dulo o nagskip papuntang dulo, i suggest to watch this kasi ayos ang palabas na ito. ahahaha.

Hangang dito na lang muna. Rest day ko ulit. Split RD tapos 6 days work so di ko sasabihin na TGIF para sa akin kasi may pasok ng weekends perosa mga readers nito, Enjoy and TGIF sa inyo. 

Tuesday, April 12, 2011

Saan ang Lakad Mo?

Summer time is coming sabi sa balita. Nahuli lang daw kasi nag-overstaying yung La Nina. So by this week daw magsisimula na ang fun, fun, fun under the sun. Umpisa na ng tagaktakang pawis sa tindi ng sikat ni haring araw. So since maaraw, most likely ang pipol ay naghahanda na para maglakwatsa at lumaboy.


San ba kayo pupunta this summertime? Magtritrippings ba kayo sa ibang lupalop ng pinas? Magpupunta ba kayo sa famous boracay not 'BORA'? Magbibitch beach hunting ba kayo? Mag-iistroll sa mga malls? Lalabas at mamamasyal? Kung saan man ang lakad mo, mas maigi na comfy ang iyong paa sa galaan. Syempre, nanaisin mo bang maglibot at pumasyal na sumasakit ang iyong feet at you feel uneasy? No! You need comfort and you need to be relaxed to feel the summer get-away. kaya naman, maigi kung di ka laging naka-shoes. Mas comfy pag slippers. At pag usapang slippers, may i-rerecom akong slippers. ito ay ang......


O ha! Promote kung promote. wahehehe. Syempre. Nakatanggap ako ng isang pares ng slippers sa kanila kaya naman bibigay ko ang aking review and recommendation. Namention ko naman last time sa post na Dupe ang wento kung pano ako nagkaroon ng freebie. So after receiving it, syempre di naman pedeng basta lang ako magpost ng kung ano kahit di ko pa ulit narere-experience ang slippers na ito. For the past week, triny ko muna ito at eto ang aking masasabi.....

Triny ko eto habang nasa bahay at super relaxed ang aking paa. Triny ko ang slippers kapag lumalabas ako ng bahay para bumili sa kanto at oks naman. Nasubukan ko ding gamitin ito pang lakad ng around 1 km sa nearest mall sa haus at di nanakit ang paa sa galos. Swabeng swabe sa paglakad. May gel pad sa bandang dulo ng slippers kaya naman ansarap-sarap suotin ang slippers na to. Kahit mahilig lang akong mag-paa sa loob ng bahay ay napapasuot ako ng tsinelas.

Sa mga magbabalak gumala, i recommend this brand. Naks. nag-eendorse. hahaah.. Bakit nirerekomenda? Dahil ito ay hindi madaling masira at mapigtas. Matibay ito dahil gawa sa quality rubber na mula pa sa lugar ng mga Brazilians; Brazil. Super swak, kahit saang lakad. Btw, may mga designs sila for different pips. Ang larawan sa baba.

Ang larawan sa baba ay samples ng kanilang slippers (orders: male, female, kids and babies)


May pesbook page pala ang Dupe: www.facebook.com/dupePH

Kung nais makabili, mahahanap at makikita ang Dupe brand sa Megamall and Mall of Asia, Landmark Makati, Landmark TriNoma, Shopwise Araneta Center, and Shopwise Festival Mall. Ang presyo ay nasa 275-P495 lamang.

"Sige sama ako. Walang iwanan, walang susuko." -Dupe Slippers


Tc!!!

Thursday, April 7, 2011

Dupe


Dupe- Ito ay isa sa tatak ng mga tsinelas/slippers. Eto ang isa sa brand na kakumpetensya ni Havs, Spartan at Islander. Ang Dupe ay gawa sa bansang Brazil. (obvious naman sa larawan sa itaas diba?)

Noong mga nakaraang buwan, nakatanggap ako ng isang email upang subukan ang Dupe. Syempre kumagat ako no. Sino ba ang tatanggi sa grasya at libre. Kaya binigay ko ang aking personal info at size ng slippers for me at ako ay nag-abang. And then finally, etong nakaraang araw lang ay natanggap ko na ang padala para sa akin. I got my Dupe slippers! yey! At syempre, di ko pinalampas na piktyuran ang aking freebie!!

Ang rason kung bakit ko tinaggap at pinatos yung promo to experience Dupe ay dahil na try ko na ang slippers na ito mga 3 or 4 years ago. Niregaluhan kasi ako ng ate ko ng tsinelas. Maarts kasi yun kaya sabi nia mag try naman ako ng ibang brand aside sa spartan. Nilait-lait pa ang aking poory flops kasi daw mukang pang di ako papapasukin sa malls kung ordinary flops lang. So there, i was given my first try of slippers. Fave ko yung flops na iyon kasi very comfy at ansarap sa paa. Meron pa itong gel like thingy for extra comfort. Durable din ito kasi tumagal to ng taon sa akin na hindi napupudpod (hindi kayang pudpurin ng kalyo ko sa paa).

Ako ay nagpapasalamat dahil ma-eexperience ko nanaman ang kumportableng slippers na to. Ngayong papalapit na ang summer (hopefully ay i-announce na nga ang summer), malaking tulong to para maging masaya ang pagpunta sa ibang mga lugar tulad ng beaches and other spots sa pinas. :D