Friday, January 29, 2010

Triple Manga Update: Naruto, One Piece and No Bra



Inilabas na ang Naruto 480 at ito ang inaabangan ng fanatics. Eto na ang karug ng labanang Sasuke at Danzo. Matatandaan na noong nakaraang episodes ay naglaban ang dalawa at medyo dehado si Sasuke dahil sa malapinyang sharinggan ni Danzo(kamay na may 6 ata na sharinggan). Nagkalabasan na ng power ang dalawa at nasa climax na. Sa episode ngayon, nadale si Danzo sapagkat naapektohan sya ng sharinggan at inakala nia na gagana pa ang powers nia. Nalinlang sya sa genjutsu ni Sasuke. Ayaw sumuko ni Danzo at ginawang hostage si Karin. Sa last page ay ipinakita na sinapol ni Sasuke si Danzo kahit na nadamay ang kaalyansa.



Dumako naman tayo sa One Piece 572. Makalipas ang matinding pagpupursigi ni Monkey D. Luffy upang iligtas ang kapatid nia na si Portgas D. Ace, sya ay naging matagumpay at napakawalan sa kadena o sa posas. Ngayon ay nakalaya na at kaya na ni Ace na ipalabas ang kanyang kapangyarihan ng apoy. Sa episode ngayon ay ipinakita ang pagtutulungan ng magkapatid at ang tangka na makatakas sa kamay ng Goverment. Dito rin ay ipinakita na ninais ni Whitebeard na tumakas ang crew nia at iwan sya sapagkat alam nia na kailangan na rin nia na tapusin ang matagal na niyang pakikipag laban sa Marino.



Ang huling manga ay ang No Bra 26. Dito ay isinaad na ang kasunod na storya tungkol sa bakasyon nila sa Hawaii. Ang bidang lalaki ay nahaharap sa desisyon kung sino ang ililigtas sa kapahamakan. Pinili nia si Oozara(babaeng kanyang pangarap). Subalit sa di inaasahang pagkakataon ay di talaga sya swimmer at sa huli ay sya ang iniligtas ng dalaga. Isa pang masaklap ay di tunay na pating ang nakita. Sa episode na ito ay ang part na nakita ng lalaki ang panty ng babae at di mapigilang pamamayagpag ng pating nya. Dito din ay ilang beses tinangka ng lalaki na maka-score at mahalikan si Oozara subalit bigo. Sa huli, nagwagi sya na mahalikan ito nung nagpanggap ang dalaga na nakatulog.




Matatapos na ang Show ni Bro!




Ipinapalabas na sa telebisyon ang nalalabing aarw ni Santino. Tama po, matatapos na ang palabas ni Bro at ni Santino.sa susunod na linggo na ang Final week na pinaka-patok na series noong 2009. Ang batang nagpatumba sa mga superheroes at telepantasya. Ang batang nagpauso sa salitang BRO ay magpapaalam na.

Kaunting kaalaman:



-Si Santino ay base sa cartoon series na Marcelino pan y Vino

Santino Jokes: (Kinopya sa fielsvd.wordpress.com/2009/06/21/santino-jokes/)

Santino, dahil sa sobrang likot, ay nakarating sa gubat. Bigla na lang bumulaga sa kanya ang isang malaking lion at gusto siyang kainin.

Santino: Bro, sana po maging Kristiyano po  itong lion na ito.
Lion: (biglang nagsalita) Bless us o Lord and this your gift through Christ our Lord. Amen!

**************************

Santino nagbukas ng Bible at binasa ang Genesis creation story kung saan kinain ng unang dalawang tao ang prutas sa gitna ng paraiso. Nang buksan niya ang kasunod na pahina, may nakita siyang dahong tuyo na nakaipit. Punta agad siya kay Father Anthony.
Santino: Father, may nakita po ako dito sa Bible Father.
Father Anthony: Ano yong nakita mo Santino?
Santino: Underwear po ni Adan!

**************************

Teacher: Class naniniwala ba kayo na may Diyos?
Class: Opo
Teacher: Nakita nyo na ba ang Diyos?
Class: Hindi pa po!
Teacher: Kung ganoon walang Diyos
Santino: Teka mga classmates aapela ako,, naniniwala ba kau na may utak si SIR?
Class: Oo naman..
Santino: Nakita nyo na ba ang utak ni SIR?
Class: Hindi pa…
Santino: Kung ganoon walang utak si SIR… (Hehehe)


Sayonara Santino!

Thursday, January 28, 2010

CheesyTube: Mahal Kita Kasi

Nagbrobrowse lang ako sa facebook ng makita ko ang post ng isang friend noong grade school at nakita ko ang youtube video ni Nicole Hyala singing cheesy lines at banat.


Wednesday, January 27, 2010

Gashapon: Strong World One Piece


Inilabas na ang second part ng Strong World One Piece gashapon toy. Dito isinama ang mga mafia look ng iba pang member ng Strawhat team. Nasa ibaba ang mga larawan:

















Isasama ko na din screenies ng first part ng gashapon ng strong world.




Super One Piece Styling



Ngayong araw na ito ay dinaanan ko nanaman ang paborito kong website ng Bandai toys upang tumingin kung may bagong release na laruan. Di ako nagkamali at meron ngang bagong One Piece toy na inilabas. Ang bagong release ay ang Super One Piece Styling- Dream Star. Ang mga larawan ay nasa ibaba.

1. Luffy- Ang bida at ang kapitan ng Strawhat. Makikita ang bago niyang damit(Greenish sando shirt). Eto ang damit nia sa kanyang Adventure sa Amazon Lily at sa Impel Down.




2. Hancock Boa- Ang isa sa Royal Shikibukai. Ang babaeng ubod ng ganda at may pagtingin kay Luffy. Suot nia ang ang daring at seksing Amazon Dress. Siya nga pala ang leader ng mga amazona!



3. Margaret- Isa sa mga amazona. Siya ang unang nakakita kay Luffy noong napadpad ang bida sa lugar ng mga kababaihan.



4. Mr. 2- Siya ay kasama noon sa Baroque Organization na tinalo nila Luffy. Sya ay ikinulong sa Impel Down at doon sya makikita muli ng bida. Makikita na ang damit nia sa laruan ay ang prison uniform at hindi ang swat-ballerina outfit.



5. Ace- Ang kapatid ni Luffy. Kasama sya sa set sapagkat sya ay ililigtas ni Luffy sa bingit ng kamatayan na ipinataw ng gobyerno at ng mga marino.



Uunahin kong bilin si Boa at si Ace dahil isa sila sa mga laruan na di ko pa nabibili. Tiyak matatagalan pa ang labas nito sa mga toy stores dito sa pilipinas kasi ngayon palang nakadating ang strong world toy na nauna kong nai-blog.

Saturday, January 23, 2010

TGIF!



TGIF! Thank God It's Friday, yan ang kadalasang nagiging status ng mga taong nagtratrabaho. Ito ang hudyat na pagkatapos ng isang linggong pagbabanat ng buto ay magkakaroon ng oras upang mag unwind at magpahinga.

Matapos ang exhausting shift, kasama ng ang pressure sa isang task ay napagpasyahan namin na pumunta sa Eastwood mall upang mag-kape at magkaroon ng panahon upang mag chillax, tumambay at makapag-bond. Di naman ako nabigo dahil ayos ang Frap sa Starbucks at oks na oks kasama ang mga teammates at ang new members.

Matapos makapag-kape ay tumungo naman ako sa Robinsons dahil sinaman ko ang isang kaibigan na artista daw, si KIMI Chiu. Magkikita sila ng isang friend sa nasabing mall. Doon ay Ay sinamahan ko sila na mamili ng gamit pangkusina. Sa baba ang larawan ng pagtry nila ng apron. Dito ko din nakita ang clothing line na kapangalan ng aming TL.







Wala silang napili sa Galleria kaya eat muna kami bago kami mag-hop sa kabilang mall upang tumingin ng hinahanap na mantel ni chelly. Kami ay kumain sa Pizza Hut at umorder ng para sa tatlo. Busog at solb sa handa at syempre sira nanaman ang diet pero keri lang basta makapag-enjoy.












Matapos makakain ay deretcho kami sa Megamall. Matapos makabili ay fly naman kami pabalik ng eastwood para sa Urban awards na gaganapin doon. Doon namin kinatagpo ang partner ng artistang friend na si kimi chiu, si Gerell Anderson. Ang tambalang Kimerell ay nagkasama muli. Sa eastwood ko nakita ang Philippine all-star, si Jay-R, si Kris Lawrence at si Duncan.








Di ko na kayang patapusin ang show kaya umuwi na ako. Bago Umuwi, nakakita pa kami ng Mime performers at ang lobo ng Pepsi.  Pagkadating sa bahay ay unang binuksan ang TV upang panoorin ang One Piece DVD upang magmarathon at binuksan ang laptop para maglaro at iblog ang nangyari.






Masasabi ko na ang araw na ito ay pumawi ng pagkabagot at nakadagdag sa paglaban sa stress.

Thursday, January 21, 2010

Whatta Real Leaf!




Noong nakaraang buwan, bago matapos ang taong 2009, nakita ko ang contest tungkol sa Real Leaf Tea na kailangan mong kumuha ng litrato kasama ang nasabing produkto. Ang premyo sa patimpalak ay Ipod nano. Syempre di ko palalampasin ang pagkakataon sapagkat mahirap magkaroon ng ganitong gadget dahil may kamahalan.

Noong una, excited ako dahil naisip ko sisiw lang. Akala ko basta makabili na ako ng bote ng Real leaf at ilalagay ko kung saan-saan ang bote ay ayos na. Isa akong hangal! Di ko naintindihan na kailangan may tao sa larawan. Aw! Heto ang pinagsama-samang mga larawan na nakuha ko subalit tiyak na null and void.



habang nag-iisip ako ng mga strategy, medyo nahihilig na ako sa pagtikim ng real leaf dahil natipuhan ko ung lychee flavor. Masarap din ung dalawang flavors kaya bumibili din ako nun. Sinadya ko din bumili ng tatlong klase para maganda tingnan sa larawan at marahil ay masasabi din na pasipsip factor din.

Lumipas ang mga araw at ang araw ay naging linggo at di padin ako nakakakuha ng larawan. Subalit dumating ang pagkakataon na dumalaw ang kamag-anak namin sa bahay at kasama ang dalawang pinsan ko na mga chikiting at dun sumagi sa aking isipan na sila ang gamiting models sapagkat sa mga ibang entries na nakita ko, kadalasan ay mga anak nila ang kanilang models so keri na din.

Ang modelo sa mga larawan na aking ipapaskil sa ibababa ay sina TM(naka-white) at si Ferdy(naka-Red). Silang dalawa ay parehong nasa 12 years old. Silang dalawa ay walang talent fee at sila ay nagkusang loob na magpose para sa aking sasalihang contest. Nakakatawa kasi sabi nila na shooting daw ang ginagawa namin. Nais ko din idagdag na sana ay di ako habulin ng Department of Labor. wahahaha.



Real-Leaf, abot kamay sa bakuran!



Di nagpapatalo at gumawa ng version nia,
"Isang pitas ka lang!"



Bespren na tumatagay, akala mo mga lasenggo lang!



Eto ang pose na
"Tungga kung Tungga"



TM's version
"Isang glug-glug ka lang!"



"Kampai! Kampai! "
Mga batang tomador



"Tea Collection"



"Alin, Alin, Alin ang Naiba?"



Superhero wanna-be
"Real leaf Archer"



Wanna-be Hero
"Real Leaf Batons"



Clash of the Titans
"Char-Char Fight!"



"The San Miguel  vs Demon"



"Demon"
Ginawang sungay ang bote!



"Jack in the box"



Here's my fave
"Spidey-pose"



"Gagam-pose"



"Vending mode"



Meditation mode



"Abot kamay"



"Exhausted, overdosed!"



"The Kid endorser"


Pinagsama-sama ko na lahat ng kuha para isang pasahan lang. Kinarir kung sasabihing kinarir at umaasang sa limang blog sites na papasahan ko, sana ay kahit isa ay makapasok at manalo upang manalo ako sa taong 2010 kung saan eto ang aking year, Tiger!

Ihahabol ko ang sarili kong larawan kasama ang Real Leaf.



"Big Guy with the Big Bottle"