Saturday, January 2, 2010

A shot from the past! (Eto Rangers)



Eto ang featured cartoon o show na ipinalabas noon. Ang Eto Rangers ay hindi tipikal na Ranger series na ipinalabas noon sa telebisyon. Hindi sya tulad ng Power Rangers na may lima o anim na bida sapagkat ang mga tauhan dito ay labindalawa! Bakit naging labindalawa? Sila ay ang mga kumakatawan sa 12 Chinese zodiac. Korekted by! Parang tumutugma ang show sa pungsoy at sa bagong taon. Ang nakakatawa at nakakaaliw sa show na ito ay sila ay nagtratravel o naglalakbay upang itama ang mga childrens story na nababago ang takbo ng kwento. Mga halimbawa ng kwento na kanilang inaaayos ay 3 little pigs at Little Red Riding Hood.

Heto ang pangalan ng mga tauhan o ng 12 Zodiacs:


Powell- sya ang leader at ang pinuno at ang unang nakadating sa karera at may kapangyarihang mala-laser sword at salamin upang tumawag ng kakampi.

Bukuh- Siya naman ang kumakatawan sa ox. May kakayanan na lumakas kapag nakakakita ng pulang bagay!

Delacao- Ang Tiger na na may kakayanang lumaki kapag sinusuot ang shades nia na armani. ehehehe

Kelly- Ang kumakatawan sa playboy este kuneho. May magic wand upang palitan ang kasuotan ng kasama.

Pakalachi- Kumakatawan sa Dragon. Katulad ni son goku na may ulap na masasakyan at may bolang kristal.

Wannie-wannie- Ang literal na ahas sa grupo. Kakaiba sya dahil may imbisibol na kamay ang ahas na ito.

Yaboo- Ang kamag-anak ni vice ganda. Sya ang kabayong may boomerang.

Cesley- Sya ang cute sheep. May magical compact na kayang makadetek ng bakal.

Mencue- Ang makulit na unggoy. May kakayanan na manggaya ng boses.

Chickee- Parang ung karakter lang sa Jollibee, ang manok na nagtratransform sa human-like form upang mangarate!

Yalong- Ang asong umaalulong na may buto na humahaba.

Vivi- Ang baboy na bunso ng grupo. may power na malakas na iyak.


Heto ang video na nakuha ko sa youtube na maipapakita ang opening song at ang itsura nila:


Heto ang larawan na nahanap ko sa pag-google.







0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???