Epektibo ngayong araw ang suspensyon ng noon time show na Showtime ng ABS-CBN. Sinuspindi ng MTRCB ang nasabing show sa di kaaya-ayang salitang nabitawan ng babaeng tinawag noon na kuracha, si lola osang o rosanna roses(tama ba spelling?).
Nakapagbitaw ang guest judge ng show ng ober na mga pahayag na patungkol sa mga guro o mga taong nagbibigay ng aral sa mga estudyante at ang mga taong humuhubog ng ating kinabukasan.
Dahil sa nasabing disisyon, ang showtime ay di muna lalabas at bagkos ay panandaliang papalitan ng palabas na nagngangalang 'MAGPASIKAT' na binase sa isang portion ng show.
Mabalik sa diskusyon, maraming umalma sa desisyon ng MTRCB at maraming nagsasabi na ito ay sabotage plan ng kabilang istasyon dahil ayon sa mga blog at bulong-bulungan, mga maka-kapuso ang miyembro ng MTRCB.
Sa aking pananaw, dahil si osang ay guest judge lamang at di naman kumakatawan sa buong show, medyo hindi karapat-dapat ang pagpataw ng 20 days na parusang suspensyon.
Nasa ibaba ang buong kuha sa sinabi kasama ang performance ng showtimer noong araw na iyon.
'Watch your words, it becomes your habit. Watch your habit it becomes your action. Watch your actions, it becomes your character. In the end, your character becomes your destiny'
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???