Thursday, January 14, 2010

Flashback




Sa post ko na ito, nais ko lang balikan ang iba sa mga cartoons noong aking kapanahunan. Eto ang mga ilan lamang sa mga bagay-bagay na nasulyapan ng aking mata, nadinig ng tenga at tinandaan ng memorya.




1. Time Quest- Di ko malilimutan ang cartoon show na tungkol sa magkainbigang sinubukan ang imbensyon na time machine na takure at napadpad sa Bahgdad. Si Henry at Mayumi ay naglalakbay sa iba't-ibang panahon upang bawiin ang takure na napasakamay ng masamang magician na si Abdula. Nakakaaliw dito ang higanteng genie na walang ibang gawin kundi tumawa. Si babykapa na isang dragon, si Prinsesa shalala at Prinsipe dandarn.




2. Super Boink- Babebube-boink! Yan ang kataga ng bidang babae na nagiging si Super Boink na isang super hero. Nakakatawa kasi ang dalagang babae ay nagiging matabang pink na baboy. Ang natatandaan ko dito ay kailangan nia na makagawa ng mabuti at susuklian sya ng perlas. Dapat ay makalikom sya ng 100 pcs. Ang ending nito? di ko alam.




3. Kimba the White Lion- Ang mabalahibong puting leon ng channel 5. Si Kimba ay maaaring hango sa palabas na Lion King. Sya ay naging ulila at kumatawan sa gubat na kanyang tinitirhan. lagi nyang kasama ang maingay na parrot at ang wise na baboon.




4. Ultraman- Ang hero ng mga kabataan maliban kila Shaider at ang mga Maskman. Si Ultraman ang taong Bakat at hapit na hapit kung manamit. Sya ang iniidulo ng mga China phones sapagkat laging nalolowbat. Sya ang bayani na sinasaklolohan ng sandamukal na ulta-brothers.




5. Denver the last Dinosaur- Kung ube ang kay barney, Green ang kay Denver. Sya ang nalalayong kamag-anak ng echoserang dinosaur. Ang dinosaur na napulot ng mga kabataan sa america, si Denver ay may hilig sa musika, agaw eksena at kung anu-anu pang kawirduhan.




6. Captain Planet- When your powers combined, i am captain planet! Go planet! Yan ang kataga ng mga batang binigyan ng singsing upang tawagin si Kap! Walang binatbat ang ring ni Frodo kasi ang sa mga bata ay ang limang elemento.




7. Yaiba- Ang batang madaming bolitas sa kanyang sandata. Wag Green-minded, Ang aking tinutukoy ang ang kanyang sword na pedeng lagyan ng sphere na may kakaibang kapangyarihan. Dito nya makakalaban ang demonyong si Takeshi.




8. Mojacko- Ang mabalahibong mala-bola at may mahabang....... Dila. Sya ang may kakayanang hipan ang sarili upang makalipad. Isa syang alian mula sa planetang moja-moja. Kasama nia sa pakikipagsapalaran si Dono, ang robot na nalalasing, ang magandang si Mojari at cute na si Mojaru. Mortal na kalaban nia ay si Momonja, isang blue na ninja.




9. Machineman- Sa di ko matandaang pagkakataon, di ko alam kung sya ay pinsan o imitation ni Shaider. Si Machineman ay mala-shaider pero may sidekick na bola ng baseball, si buknoy. Sya din ay may kakaibang Kapa. Nagladlad ng kapa na gawa sa cellophane o pambalot ng mga libro.




10. Voltron- Di magpapatalo sa bakbakan ang kinakapatid ni Voltes Vlabas ni Combattler V. Di Voltron ang isa sa mecha-series kung saan may limang tao o piloto ang bubuo sa isang jumbo robot. Naaayon din si Voltron dahil Lion sya at kamag-anak ng tiger na syang taon ngayon.

Sa mga batang ipinanganak noong 1990's, marahil ay matatandaan ang iba sa mga nandito. Nais ko lang magbalik-tanaw sa mga bagay na pinagdaan at napanood.

11 comments:

  1. Haha nice one. Naalala ko to nung bata pako haha

    ReplyDelete
  2. machine man at Voltron hindi ko naabutan yan.. hehe

    ReplyDelete
  3. Inabutan ko lahat yan, AN-SAYA! =D , isama pa ang Batibot, Bioman, Magmaman at lalu na si Mr. Bogus! =D...miss ko na si Mr. Bogus! SOBRA! LOL.

    ReplyDelete
  4. wahahahahhaha huta..nice... ang galing ikaw ba naka isip gumawa nang site na to?
    sama mo yung BTX,blue blink, sarah munting prinsesa.hahaha

    ReplyDelete
  5. Sama mo n dn ung cedie, c nelo at patras, visionaries, thundercats, magma man, ranma 1/2, takeshis castle (anjo & smokey), peter pan, gi joe, wers wally, swat cats.. biker mice, flying house, super book....

    ReplyDelete
  6. Inabutan ko lahat ng mga yan..kakamiss ang mga nakaraan palabas..nakakalungkot isipin ganon na pala ako katanda kasi matagal na ang mga yan..kung pwede lang ibalik ang nakaraan bakit hindi ibalik..para mabalikan ang mga masasayang sandali sa buhay ng isang paslit na walang nais ay maglaro at kumain..walang problemang iniisip sa araw araw..Kakamiss talga yan..galing ng nakaisip nito ahh..nice job kng sino ka man..

    ReplyDelete
  7. Huwaw, andaming anonymous commenter. At kahit January pa ito na post ay nadadalaw padin.

    Salamat po sa mga nagcomment at napadalaw sa aking blog :D

    ReplyDelete
  8. boss,
    natatandaan ko lagi kami nkikipanood sa kapitbahay namin may bayad, salapi(50 cents) yung pera na s marcelo del pilar ang tao at may agila sa likod,bioman at shaider magkasunod. hahaha, sa channel din dati magmaman at ultraman.
    Tapos si Mask Raider Black, Kosaidon din.
    yan ang mga kaligayahan namin nun,,, ahahah

    ReplyDelete
  9. @hecbec, di ko ata naabutan kosaidon pero parang pamilyar. hehehe. ang panonod ng tv ang libangan nuon. :D

    ReplyDelete
  10. hahaha.. sarap balikan nung mga anime series na yan..

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???