Kahapon ay kasama ko si emoboy at si emogirl na pumunta sa SM Marikina upang manood ng pelikula. Ninais sana namin na Alvin and the Chipmunks subalit napanood na ni emogirl kasama si boy sumbrero. Hapon na kami ng kami ay dumating sa mall at ang kinagandahan sa SM Marikina ay hindi single screening katulad ng sa SM Megamall at sa Trinoma o kaya ay sa Galleria. Dahil 4:30pm pa ang umpisa ng palabas ay kami ay nagmerienda muna kami sa Burger King. Pinili naming kainin ay ang Whopper Jr. Matapos kumain ay kami ay tumuloy na sa Big Screen. Bago magsimula ang palabas ay madaming magandang pelikula na malapit ng ipalabas katulad ng Last Air Bender.
Nagsimula na ang pelikula at di ko alam kung okay ba talaga ang desisyon ko na panoorin ang palabas sapagkat wala akong gaanong ideya sa kwento ni Sherlock Holmes. Oo, kilala sya bilang isang magaling na detektib(base sa detective conan na anime) pero hanggang ddon lang ang ideya ko. Unang eksena pa lamang ay akala ko ang cheap ng story kasi parang may huhulihin silang tao. Subalit ang sumunod na eksena ay sosyal. Ipinakita ang napakagaling na strategy o analytical prowess ni Holmes upang mapatumba ang kalaban. Bagsak at taob. Nahuli na ang kalabang lider ng kulto. Mukang tapos na pero nagsisimula palang. Binitay ang kalaban subalit bago sya mamatay, ninais niang makausap si Holmes at binalaan na magkakaroon ng iba pang kamatayan. Nahatulan na at binitay ang masamang tao subalit sya ay nabuhay!
Si Blackwood, isang taong may sapi at miyembro ng mala-kultong organisasyon ay bumangon mula sa pagkakahukay at pumaslang ng 3 katao. Ipinakita sa pelikula ang mala-demonic powers ng kumag na ito. Hanep sa pasuspense epek dahil kapag lalabas na ang tauhang ito ay may kasunod na uwak na laging sumisimbolo sa kamatayan.
kasama sa kuwento ang maituturing na Best buddy ni Holmes na si Watson. Sya ang dikit-bituka ng bida sa storya. Sya ang laging kasama at side-kick ng detektib. Hindi man nabiyayaan ng ubod ng talas ng instinct at logical thinking, nakakasabay padin sya sa mga kakaibang pakikipagsapalaran ng bida.
Si Adler ang love-interest ng bida sa pelikula. Isang matinik at kabilib-bilib na babae sapagkat sa unang bahagi ng pelikula ay hinarang sya ng barako sa isang eskinita subalit wapakman ang tambay at mukang adik sa galing nya sa pakikipaglaban. Nakakabilib din ang eksena kung saan nautakan nia si holmes na mapainom ng alak na may pampatulog.
tumakbo ang kwento ng istorya sa pagsisiyasat ni Holmes sa plano ni Blackwood at ang kanyang layunin na mapatunayan na walang black magic kundi siyensya at may basehan sa lahat ng bagay. Ipinakita nga sa pelikula ang mga bagay na ganun katulad ng kung paano nabuhay si blackwood kahit binitay sya. kung paanong namatay ung isang tao sa kanyang bathtub at iba pang ways of killing.
Para sa iskor o ang puntos na makukuha ng pelikulang ito, bibigyan ko ito ng 9. Hindi sya tipikal na fight story at di rin sya suspense o comedy o sci-fi. Ibang-iba sya sa mga napanood ko at kakaiba ang banat sa takbo ng storya at detalye.Bakit din nuebe? dahil natawa ako sa aso ni Holmes na pinageeksperimentohan nia na minsan inakala na patay na subalit buhay pa pala.
Matapos ang pelikula ay kami ay kumain ng hapunan sa Pizza Hut at narito ang mga larawan ng aming order na masarap naman at busog kami.
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???