Kahapon ay nagwakas na ang kwento ng batang lumandi at maagang nangati. Si Nene na katorse anyos pa lamang ay nauna ng kumerengkeng at umibig sa kababatang si Gabby. Si Gabby naman ay ang anak ng isang haciendero na may gusto sa ibang babae subalit ang babaeng nais mahalin ay may mahal ng iba. Ginawang panakip butas si Nene lumagpas sa halikan ang ginawa. BOOM! Instant Motmot o motel ang talahiban o kwadra kung saan sila ay nag boom-boom-pow at nag tototot! Di pinanagutan ng lalaki ang batang lumobo ang sinapupunan dahil di nia nga mahal ang girl. Dumanas ang babae ng paghihirap sa panganganak, pagkikitungo sa pamilya ng lalaki at kung anu-anung lumbay at kirot na pedeng maranasan ng babaeng nabuntis ng maaga. Si Gabby naman ay nakiusap sa kaibigan na bantayan si Nene at sa di inaasahang pagkakataon ay nainlab si Jojo kay Nene. Humaba ang hair ni Nene dahil may bago nanamang boylet na kumakarir sa kanya. Napamahal na si Nene kay Jojo at vice versa subalit mukang si Gabby naman ay na fall na din kay Nene at ayun, todo effort na paghiwalayin ang dalawa at syempre, nais niang pahirapan ang babaeng ina ng anak nia. Sa bandang huli, si Gabby ay namatay due to lukemia ata un at pumayag nadin na magkatuluyan si Nene at si Jojo. Sa huli ay nagpakasal si Jojo at ang batang namulat sa makamundong pagtatalik sa edad na katorse.
Ang larawan sa itaas ay ang original cast at remake cast ng Katorse. sa takbo ng istorya, wala akong masasabi dahil di ko naman inabutan ang katorse noon. Pero ang masasabi ko ang pagpapalabas ng katorse ay informative, nakakasama, nakakairita at ewan. Bakit ko nasabi ang mga iyon? Informative dahil malalaman ng mga kabataan na di madali maging magulang. Ang nakakasama ay may mga taong bobo at tanga na inaakalang ang sa palabas ay maaaring maging makatotohanan. Eto ang scenario, ang bobong batang babae na makakanoon nito ay malalaman ang dadanasin pero dahil sa show ay ipinakita na sa ang dalawang lalaki na kumarir at naakit ni nene ay parehong mayaman kaya ang target ng batang bobo ay magpabuntis ng maaga basta may kaya sa buhay! Hala! (background music ng I've got a feeling!). patay na! Nakakairita naman dahil minsan antatanga ng characters sa show. Mayaman na nga yung kumakarir sa kanya, pademure at dalagang pilipina epek pa si Nene e maaga na nga sya nakipag-boomtarat-tarat. Hahahaah.
Overall, ang masasabi ko sa show ay may score sya na 7 out of 10. Not bad but not so great!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???