TGIF! Thank God It's Friday, yan ang kadalasang nagiging status ng mga taong nagtratrabaho. Ito ang hudyat na pagkatapos ng isang linggong pagbabanat ng buto ay magkakaroon ng oras upang mag unwind at magpahinga.
Matapos ang exhausting shift, kasama ng ang pressure sa isang task ay napagpasyahan namin na pumunta sa Eastwood mall upang mag-kape at magkaroon ng panahon upang mag chillax, tumambay at makapag-bond. Di naman ako nabigo dahil ayos ang Frap sa Starbucks at oks na oks kasama ang mga teammates at ang new members.
Matapos makapag-kape ay tumungo naman ako sa Robinsons dahil sinaman ko ang isang kaibigan na artista daw, si KIMI Chiu. Magkikita sila ng isang friend sa nasabing mall. Doon ay Ay sinamahan ko sila na mamili ng gamit pangkusina. Sa baba ang larawan ng pagtry nila ng apron. Dito ko din nakita ang clothing line na kapangalan ng aming TL.
Wala silang napili sa Galleria kaya eat muna kami bago kami mag-hop sa kabilang mall upang tumingin ng hinahanap na mantel ni chelly. Kami ay kumain sa Pizza Hut at umorder ng para sa tatlo. Busog at solb sa handa at syempre sira nanaman ang diet pero keri lang basta makapag-enjoy.
Matapos makakain ay deretcho kami sa Megamall. Matapos makabili ay fly naman kami pabalik ng eastwood para sa Urban awards na gaganapin doon. Doon namin kinatagpo ang partner ng artistang friend na si kimi chiu, si Gerell Anderson. Ang tambalang Kimerell ay nagkasama muli. Sa eastwood ko nakita ang Philippine all-star, si Jay-R, si Kris Lawrence at si Duncan.
Di ko na kayang patapusin ang show kaya umuwi na ako. Bago Umuwi, nakakita pa kami ng Mime performers at ang lobo ng Pepsi. Pagkadating sa bahay ay unang binuksan ang TV upang panoorin ang One Piece DVD upang magmarathon at binuksan ang laptop para maglaro at iblog ang nangyari.
Masasabi ko na ang araw na ito ay pumawi ng pagkabagot at nakadagdag sa paglaban sa stress.
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???