Transforming Thursday sa inyo! Heto nanaman ang review-reviehan tungkol sa mga pelikula na ipinalabas sa sinehan.
Pero bago ang lahat, syempre andito nanaman ang babala at warning. Kung kayo ay di pa nanonood at nais manood at ayaw ma-spoil ng kahit na kakapiranggot na impormasyon, might as well close the web browser na or magkomento na lang sa ibang blog post ko. wahahaha. Pero kung kayo yung mga tao na gusto muna ng review bago manoods, so gora lang at ipagpatuloy nio na ang pagbabasa.
Kahapon ay showing na sa ating country ang palabas ng mga machines na kayang magpalit anyo bilang mga sasakyan. Kung clueless talaga kayo at galing sa bundok at walang balita sa mga kaganapan sa paligid, ang tinutukoy ko ay ang pelikulang Transformers. Eto na ang 3rd movie ng pelikula.
Ang wento ay tungkol sa simula ng digmaan ng Autobots (mga good machines) at Decepticons (Bad ass machines). Syempre pinakita na nagtitirahan sila (o wag green minded). Tapos may biglang nakatakas na madapaka speship at ito ay lumading sa buwan (hindi yung buwan ng June, July or August). And then.... ipinakita ang man on moon kasama sila armstrong at nakita ang speship.
Tapos pinakita yung sexing babae. Ayun, katulo laway. Wiiiitwiiiiiiw! Tapos aun, sexy nga. Sayang walang Megan Foz pero pwede na! Tapos aun... Saglit lang, walang steamy hot sexy scenes... Tapos aun. Tapos na movie.
Lols. Iniwasan ko iwento yung middle part at ending part kasi naman yun na yung good thing sa movie. kaya eto na, jump na tayo agad sa rating ng movie.
Para sa aking sariling opinyon, bibigyan ko ng 9 ang pelikulang ito. Bakit? Why? teka... dadaan din tayo dyan.
Heto na ang reasons (hiniwalay ko lang sa separate na paragraph). Maganda ang takbo ng kwento. Maganda yung twist. Nakakakulo ng dugo ang kalaban. May sexing babae (walang masyadong skin na pinakita). Maganda ang bakbakan.
Pinanood ko nga pala to sa 3D, at okay naman ang kinalabasan. Kaya sa mga nagbabalak ng 3d, go! Sa mga ayaw ng 3d, oks lang din, Kasi may part parang di rin 3d (nanood akong walang 3d glass sa isang part kasi nahihirapan ako kumain ng burger ng may nakatakip sa mata. :p).
btw: walang fastfood chain ata ang may franchise ng Transformers at wala akong nakikitang Happy meal o jolly kiddie meal na may transformers toys. Kahit ang burger king wala. So sad.
O sya, hanggang dito na lang muna. :D
TC to all!