Wednesday, October 24, 2012

Huwag Mong Buhayin ang Patay


Bagong kasal lamang noong nakaraang buwan sina Dan at Kat. Sa edad na bente-sais at bente-syete (26&27) naisipan na nilang magsama ng legal matapos ang limang taon ng pagiging magkasintahan. Ginusto na din nila ang pagpapakasal para matiyak na magkakaroon ng apelyido ang munting anghel na nasa sinapupunan ni Kat ngayon.

Parehong nasa may-kayang pamilya ang dalawa kaya naman wala namang tutol sa magkabilang panig ng pamilya. At dahil na din sa limang taong pagsasama ng dalawa ay ayos at boto din ang mga kaibigan nila para sa kanila.

Pareho ring may hitsura ang mag-asawa kaya naman kahit ang mga kapit-bahay at mga usisero't-usisera ay walang ma-say sa dalawa.

Isang makulimlim na lunes, habang si Dan ay nasa trabaho, nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang asawa.

'Bebe koh, kumain na u? Wag poh pagutom. Lav-lav yah'

Napangiti si Dan habang binabasa ang mensahe ng asawa.

Biglang may tumapik sa balikat ni Dan. Ito ay ang kanyang bestfriend sa opisina na si Enzo.

Enzo: Oi, ngingitingiti ka nanaman dyan na parang may kumikiliti sa kasingitsingitan mo!

Dan: Pakyu boi! Wala ka kasing sweet na misis na concerned at nagtetext sa iyo.

Enzo: Porket may misis at may nagtetext basehan na ng pag-ngiti? Nababaliw? May sapi?

Dan: Inggit ka lang you sanobabtitch!

Enzo: Pasalamat ka bespren kita at nakakasakay ako sa mga harsh words mo.

Dan: E Sorry na. Ikaw na una e you Azzhowl!

Biglang tumunog ang cellphone ni Dan at dali-dali naman niyang binasa ang mensahe.

'Bebe koh, Maaga u uwi? May surprisa aqoh. Yung peborit moh.'

Abot tenga ang ngiti ni Dan sa nabasa niya. Parang di mapakaling pusa na manganganak ang nangyare sa lalaki. Tila ba excited na umuwi.

Enzo: Aysos, mukang may madidiligang lumpia. Makaalis na nga. Mabuti pa Dan, umuwi ka na.

Papauwi na si Dan para sa inaasam na SURPRISA ng kanyang misis ng may isang matandang babae ang lumapit sa kanya. 

Matanda: Iho, mag-iingat ka! Malapit na ang kabilugan ng buwan!

Napalingon sa matanda si Dan at tinignan niya ito na parang naguluhan pero nagkibit-balikat at lumayo na lamang at daglian sumakay.

Habang naglalakad papauwi at papalapit sa bahay nila, may napansin si Dan. Isang pusang itim ang sumusunod sa kanya.

Tumigil sya sa paglalakad at sinubukang tabuyin ang pusa. Pero di natinag at natakot ang pusang itim. Sinipa at tinadyakan ni Dan ang pusa at ito'y kumaripas ng takbo.

Pagkadating sa may pintuan, isang malamig na hangin ang umihip at sa di maipaliwanag na pakiramdam ay tila tumayo ang balahibo ni Dan.

Nagtataka siya kasi walang sumasagot mula sa loob ng bahay samantalang dapat ay masayang pagbubuksan siya ng asawa at makukuha niya ang Surprisa.

Kinuha niya ang susi at at binuksan ang pintuan. Nakapatay ang mga ilaw sa loob at medyo nakabibingi ang katahimikan. Di niya din mapaliwanag pero ang kaninang malamig na hangin ay tila nakapasok sa loob ng bahay at hindi pa din tumitigil ang pagtayo ng kanyang balahibo.

Pumunta siya sa kwarto nilang mag-asawa upang alamin kung baka nakatulog lang si Kat. Pero wala nakahigang asawa ang nakita sa may kama. 

Tinawagan niya ang cellphone ng asawa subalit nabigo dahil ang tunog ng telepono ay nandoon lamang nanggagaling sa maliit na lamesa sa tabi ng kama.

Nangamba si Dan at tinawag ang pangalan ng asawa habang nililibot ang bahay.

Dan: Kat! Bebe! Asan na you? Dito na me! chooo-chooo-chooo-choooo-chooo! Ming-miming-ming-ming!

Walang sagot na nadinig si Dan. Tiningnan niya sa bakuran at baka tumatambay lang sa likod-bahay ang asawa pero wala din ito doon.

Pumasok siyang muli sa bahay at tiningnan ang sala. Wala din. At naisip niya ang kusina. Habang papalapit sa kusina, isang ihip ng hangin ang nadama nanaman niya at gumalaw ang kurtina. Di niya maalala kung binubuksan ng asawa ang bintana kaya di niya matiyak kung pano nakapasok ang hangin.

Pagbukas niya ng ilaw sa may kusina ay nagulat siya sa nakita.

Itutuloy................

-=-=--=-=-=-
Nag-aattempt nanaman ang inyong lingkod sa pagbuo ng mini-serye. Wala langs. heheeh. TC!

12 comments:

  1. astig! mahusay ah! at nakakabitin :D

    ReplyDelete
  2. hahaha ayus ang suspens... ayus din kasi malapit na ang Halloween

    ReplyDelete
  3. waaaaah! kaka bitin naman haha!

    ayun na eh oh, super excited na ako sa climax pero "to be continued" pa wahehehe :D

    ReplyDelete
  4. Waaaa pasabik ka pre!

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  5. ano kaya ang nakita? hehehe kaabang abang....

    ReplyDelete
  6. ano kaya ang nakita nya sa kusina?!! B10!

    ReplyDelete
  7. Wah! Nakakabitin..siguro nag dota muna si misis sa pc shop. Natawa ako ng bongga sa sanobabtitch!

    ReplyDelete
  8. bitin! more! haha nakakaexcite ang susunod na kabanata kaso parang may napansin ako anyway..next na!

    ReplyDelete
  9. BOOM! nakita niya si Kat kinakain ang pusang itim..wehehe juk!

    aabangan ko ang karugtong neto bebe koh, este khanto..:))

    ReplyDelete
  10. Binitin ng walang kaabog-abog, kalurkey!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???