Hambak! Kamusta na kayo mga folks? Doing good? Hope so. Katatapus lang ng SONA2013 at walang kinalaman doon ang post ko. Hahahaah. Hayaan na natin sa mga politically inclined folks ang pag-analyze at pagbigay ng reaction sa speech ng pangulo.
For today, bago ako pumasok sa opis at since di ko tantya kung uulan ng calls or hindi, mas maigi na magsalitype na ako while nasa bahay pa. For today, movie review-reviewhan nanaman po tayo.
Ang napiling bansa ay ang Thailand at ang tema ay aksyon...... Ang pamagat ay 'Bangkok Revenge'.
Ang story ay magsisimula kung saan may isang pamilyang nilooban at pinasok ng mga masasamang tao. Napatay ang mader at pader ng pamilya at nalaman ng mga goonie-goonie-goons na may bata-batuts pa na nasa bahay. Kailangan malinis ang execution ng pagpatay kaya pati si poor little boy ay binaril sa head (nope, not the second head ng boys).
Miraculously, nakaligtas ang bata at nadala sa hospital kahit na sa ulo nabaril. Pero kritical lungs ang poor kiddo. Subalit nalaman ng bad guys na buhay ang kid kaya balak itong tapusin ang dapat tapusin.
Buti na lungs, medyo maawain ang isang Nurse Joy ng ospital at natunugan niya ang planong pag-silence sa bata-batuts kaya naipuslit niya ito at dinala somewhere sa kakilala niya (di ko alam kung tatay niya or jowawits) na parang manggagamot/ Ka tasyong hilot ganyan.
Nakaligtas man at nabuhay si kiddielets, nagkaroon naman sya ng slight abnormality. Di na siya tulad ng normal kids na nakakaramdam ng emotions at ng pain. He's a little bit heartless. Para na syang wobot. And so ginamit na opportunity ni Ka Tasyo na itrain sa Martial Arts si kid.
After 12 years ng puspusang combat training, nagbinata na si boy survivor habang nagkasakits si Nurse Joy na nagtakas sa kanya at malapit ng malagutan ng breathe. So pinatawag ni Nurse Joy si all-grown-up kiddo at isinalaysay ang past ng bata na ang pudrax niya ay nagtratrabaho bilang pulis na nag-iimbestiga sa mga baluktots na kaganapan sa kapulisan. Subalit sa pagiging curious cat, ipinatumba ito.
Upon learning the truth and nothing but the truth, ang all grown-up kiddo na naging hunky-hunk in gray sando ay out to do vengeance at hanapin ang dapat papanagutins
At dito ko puputulins ang synopsis. hahahahaha.
Score? 8.5! Sakto lang for me ang story at ang action. Mahusay ang fight scenes at ang pagiging poker/bland face ng bida to show na wala siyang emotion and stuff like that. Ayos din naman ang naging flow ng wents pero i don't know, somehow parang kulang ang ending stuff for me. Saka aloof ako na nag-iinglis mode sa movie. Understandable naman ang english nila pero siguro mas bias ako kung native thai language all the way ang napapakinggan ko kahit di naman ako marunong mag thai. hahaha.
O cia, hanggang dito na lang muna folks, getting ready sa final shift tapos restday na! Sana mabilis lang ang 9 hours mamaya!
Take Care!
hong kyut naman ng bida... hmmnnn... kaya lang sabi mo sakto lang...
ReplyDeletedi ako masyadong in sa ganyang movie ee
ReplyDeletepero elibs ako sa mga buwis buhay na fight scenes
habang binabasa ko toh, tumatakbo sa isipan ko sila Pikachu at Togepi hahaha... Kaseee naman yang Nurse Joy na yans eh ahahaha XD
ReplyDeleteMukhang maganda ang.movie ah.hanap na ko ng torrent hejeje
ReplyDelete