Wednesday, July 24, 2013

Tuhog


Hello There! Kamusta kayo? Restday ko ngayon at di pa palabas ang peliks na Wolverine kaya namans tembey muna ako sa bahay at nood-nood ng mga peliks/dvd.

At pag movie mode.... syemps, kelangan may review... Para naman malaman ng ibang tao kung worth it at pedeng panoorin ang film or not.

And so simulan na natins..... ang featured film ay ang 'TUHOG'.

Nope, di po ito pelikula na may kinalaman sa medyo rated films na one word lang ang pamagats like Kangkong, Talong, Pinya and stuff like that. Wholesams namans ang pelikulang itwo...

Simulan na natin....

Ang wento ay magsisimula sa eksenang may aksidente na naganap at may taklong tao na natuhog o nagmistulang-BBQ or kebab. 

Tapos ibinanggit ng doctor na sa taklong taong naging pisbol, isa ang matetegi... so, alin-alin-alin ang naiba at pagpapasyahans sino ang sakripisyal lamb.... So start na ng flashback ng buhay ng taklong tao...

Story 1


Ang wento ng unang natuhog ay tungkol kay Manong Antonio na isang retirado na. Sa katandaans niya, medyo umaatitude problem minsan na parang tumatandang paurongs ganyan.

Dito ay ipinakita ang isang lalaki na ang kanyang anak at manugang ay medyo atat makuha ang share ng possible mana nila and stuff like that.

Ang bisyo ni Antonio ay ang pagpupusoy at doon niya somehow napag-isipan na sundin ang kanyang dream na maging bekie este baker or panadero. So he make gamble-gamble na gamitin ang retirement money niya at magstart ng kanyang panaderya.

Story 2


Ang wento naman ng ikalawang tuhogee ay ang buhay ng kundoktorang hindi matumba-tumba..... Happy Fiesta! Wooops.... Fiesta lang, walang Happy! (sabi nga ni uge).

Here ipapakita ang wento ng boyish at sigang kundoktora na kilabot ng bus company. Tapos dumating ang newbie driver na ginagampanans ni Jake Cuenca.

Di magkasundo ang dalawa pero as the usual thing, pag may girl at boy, magkakadebelopan eventualy dahil ika nga nila, madaling mabihag ang loob ng tao kapag eto ay nasa vulnerable stage shenanigans ganyan.

Story 3


Last part ay ang wento ni Enchang Dee... Sorry, di tumatak ang name ng kanyang role. So itago na lang natin sa name na boyLibog.

Si BoyLibog ay nasa age na so horny-horny-horny ganyan at merong siyang gelpren na di niya pa nabubutas at nasa ibang place. So nasa long distance relationship chenelins tong si BoyLibog at ang gf na si GirlLibog.

Mariang palad mode tong si BoyLibog kasi nga malayo si gelpren. tapos binubuyo sya ng friendships niya na kembutin na lang yung isang kaklase na manila-based thing.

Ang naging issue kay BoyLibog ay nakipagkembang na ang GF na si GirlLibog so nagawa niyang makipagkgiling-giling sa iba.

After the end of the movie..... isa ang namatay..... Hulaan niow!

Score ng peliks............8.901234567!

For me, best story ay syempre yung kay Eugene Domingo! Story 2! Mahusay ang acting talaga ni uge mapa-maton-matonish at magpaka-girlay during the date scenes nila ni Jake! Clap-clap din ang emote niya sa pagiging sad sa pagkakaroon ng kalbaryo ng isang lasenggong pudrax.

Oks naman ang story 1 na saktong acting ni Leo Martinez. Dati kasi slightly na-o-OAhan na ako kay ka leo. Pero sa part nia sa film, swak lang! Yung moment na parang nafefeel mo na what if sya yung tatay mo or what if kapag tumanda ka e ganun ang ganap sa iyo.

Ang naka-down ng slight sa score ng peliks ay ang third story ni Ench. Yung eksenang parang makapromote lang ng tawag ng katawan. Parabang ang topic ay libog-libog-libog at samahan pa ng libog ganyans.

Pasok naman sa jar ang peliks na to for me kahit may nababasa akong ibang review prior watching na kinda grays anatomish ang peg. (di ako nakanood ng series na yun so wala akong mapagkukumparahans).

Ang film ay parang indie type of thingy pero hindi rin. Pero hindi rin sya much na mainstream kindaish na film kasi hindi naman towdow promote na nakikita ko sa telebisyowns.

Great film padin for me.

O cia, hanggang dito na lang muna, may pokemon at other films pa na nakapila-balde na dapat mapanoods. 

Take Care folks!  

9 comments:

  1. 9 out of 10 ang rating ko dito. napanood ko sa sm cebu hahaha. maganda ang story :)

    ReplyDelete
  2. though this movie was good may mga lapses na parang hindi na nagiging totoo yung mga scene na parang OA na..mga small details lang nmn pero i think mahalaga pa rin un..like how leo m. bake a pandesal, how enchong masturbate and i cant understand pano pa nasave yung baby.. but overall naaliw pa rin ako sa movie na nagiging overdue na yung tawa ko lalo na kay fiesta so i think i would give it a 6.9 rating ;)

    ReplyDelete
  3. di ko pa ito napapanuod, sana soon :)

    ReplyDelete
  4. haha di nga siya mainstream at indie kasi ayun sa star cinema its a combination ng mainstream at indie kaya ganun ang pagkakagawa... maganda din to kasi may mga part ng realization.

    ReplyDelete
  5. haha di ko pa nakikita ung trailer ee, di kasi nagana ung aking audio naun
    pero mukang oks ang story ee pero ang weird ng title
    iba kasi naiisip ko haha

    ReplyDelete
  6. I saw this movie too last weekend with marge of Coffeehan... Maganda... Pinaka-gusto ko 'yung Story 1 with Leo M.

    Pero all in all, ok naman acting nila.

    Nabababaan nga ako sa score mo kasi for a local movie, da best na ang TUHOG ah...

    ReplyDelete
  7. Skip ko muna itong post mo ha, papanoorin ko pa lang kasi. Baka may spoilers eh hehehe

    ReplyDelete
  8. Sabi ko nga sa tweet ko some parts are irrelevant. There were certain scenarios that would've just been deleted. waste of time kumbaga. Yung hospital scene could have been better. The doctors focused more on the drama rather than explaining stuff medically. First story was too long. climax was never even a climax. it lacks energy, thrill, suspense and excitement. The movie was predictable.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???