Indi pa ako nakakanood ng Despicable Me dahil inabutan ako ng wekends at jampak na ang sinehans kaya naman ayokong makipag-siksikan sa punong sinehan so schedule ko na lang ng weekdays ang panonood nito.
So since wala akong magawa, nag-dvd-marathon na lang ako ng isa sa mga fave kong genre ng pelikula.... Slasher films! Yung pelikulang madugo at gruesome. hihihih.
So eto ang featured movies... yep...may S kasi hindi lang isa, kundi limang magkakasunod na pelikula ang nipanood ko. Isang klaseng film lang..... series nga lungs..... eto ay ang Wrong Turn Series.
1. Wrong Turn 1
Ang unang peliks ng wrong turn. Eto ay about sa isang guy na naghanap ng alternate way para sa kanyang trip at nakameet ng isang grupo ng friendships along the way. But unfortunately, napadpad sila sa sa place kung saan may nakatirang hillybilly canibals na pumapatay. Isa-isang namatay yung mga folks at nag-attempt magsurvive makatakas.
Survivors: 2 persons.
2. Wrong Turn 2
2nd peliks ng wrong turn. Merong isang TV reality show na ishoshoot somewhere sa kagubatans. Ang theme-theman ng show ay apocalyptic chever. Pero sa kasamaang palads.... sa location na kinalalagyan nila ay may resident hillibilly canibals na naninirahan. Same goes, isa-isang natetegi at namamassacre ang mga folks.
Survivors: 2 persons
3. Wrong Turn 3
Redundant man ang numbering, pero dapat knows mo na eto ang ikatlong peliks sa wrong turn series. This time, meron naman grupo ng prisoners ang nakatakas sa kalaliman ng gabi at napadpad sa gubats. And syemps, meron nanamang Hillybilly anibals na naghahaunt at pumapatay.
Survivors: Technically 3, pero 1 person lang at the very end of the film.
4. Wrong Turn 4
Fourth film pero ito ay ang prequel ng pinaka-unang peliks ng Wrong Turn. Dito ay ipinakita sa first part ng film ang pinagmulan nung original Hillybilly trio na pumapatay ng tao. Sila ay nasa isang hospitalish building ng makatakas. After years, may group of teens na nag-snowmobile na naligaw at napadpad sa place na iyon at doon nila na-meet ang kanilang malagim na katapusans.
Survivors: Originally, 2 persons pero sa kasawiang palad, Bokyakels!
5. Wrong Turn 5
Somehow ang 2nd prequel sa Wrong Turn series. Nakaalis na ng hospitalish building ang taklong Hillybilly canibals and this time, meron silang normal na person na nagturo sa kanila pano mag-haunt at makakuha ng bigtima. Pero nahuli at nadakip ng sheriff yung paranag leader at dito ay ililigtas ng mga kupaloid killers ang kanilang bossing.
Survivors: 1 tao. Bulag pero nakidnap dins nung bossing para gangbangin.
-=-=-=-=-
Maganda din naman kahit paano ang Wrong Turn series specially yung manner ng mga gorish paslangan and everything. Pero syemps, merong mga eksenang boringis at katangahan para dun sa mga nagtatangkang makaalis sa kamay ng killers.
Pinaka-okay ang unang film at worst naman yung 2nd and 3rd film. Ang nakakakulo ng blood ay yung 5th film dahil nakakabwisit yung evilness nung boss. Yung sarap maging sariling director at gawing biktima ng pagpatay yung bossing na yun! hahaha.
O cia, hanggang dito na lang muna! Take Care!
isa lang napanuod ko ee di ko nag maalala kung ano yung part na yun
ReplyDeletedi sya gore katulad nung iba hmm ung story nya is about sa mag asawa na nawrong turn
Hmmm.. same with Mecoy, di ko na rin matandaan ung part na napanood ko.
ReplyDeletePero, naaliw na namans ako dito sa movie review mo sir Gelo hahaha! yung mga horror/gruesome films, nagiging funny at nawawala yung creepy feel pag nagawan mo na ng review haha :D
part 1 lang nagustuhan ko sa movie na to. medyo di na realistic ung ibang movie
ReplyDeletefavorite ko to, wrong turn! napanuod ko lahat - enjoy kasi ako sa mga movie na napapa sigaw at napapa ihi ako sa salawal hehe!
ReplyDeleteHindi ko na binasa yung last 2 reviews mo. Di ko pa kasi napapanood. Haha! Spoiler! Lol.
ReplyDelete