Sunday, July 14, 2013

Lesson of the Evil

Dumating nanaman ang panahon ng Eiga Sai dito sa pinas kung saan merong libreng peliks from japan ang pedeng mapanood. Pero sa kasamaang palads, bigo ako na makapunta sa designated mall for Eiga Sai at di ako nakanood ng free peliks.

Buti na lang at medyo may stash ako ng mga asian peliks sa bahay na naipon sa tuwing bibili ako ng peliks sa aking suking piratahan. So namili ako ng japanese film at yun ang aking pinanoods.

At dahil dyans..... merong another film review-reviewhan thingy sa bloghouse ko.


 Ang title o pamagat ay 'Lesson of the Evil'

Magsisimula ang peliks sa isang house na may mag-asawa na nagwewentuhan about sa kanilang junakis na may sayad na sangkot sa pagpaslang ganyan. Sa katangahang palad, nakabuyangyang ang pinto ng warto at mukang ang junakis nila ay pinatay sila.

Then change scenario na. Sa isang school, nag-uusaps ang mga teacher sa nagaganap na pandaraya sa eskwelahan at nag-iisp ng plan para matigil ang dugasans.

Dito na ipapakilala na sa school ay merong isang guro named Hasumin na popular sa mga students for being caring, passionate ganyan.

nagkaroon ng conflict sa story when it turns out na ang goody-goody-good teacher ay isa palang psychopath. Aba, si teacher, may dugong killer ganyang..... pumapatays.

At sa peliks, minassacre niya ang mga studyante niya one time bigtime! Madugong kinahinatnan....


Score: 8.76

Medyo dragging sa first part ng movie kasi naman 30 minutes na pero wala pang nagaganap na pagpaslang ganyan. Pero maganda ang naging flow ng wento sa gitna papuntang ending.

Naitawid naman sa peliks ang kaganapan at medyo may eksenang kembyularan within the teach and one student ganyan at isa pang student-teacher affair.

Imperness, di ko na-expectmuch ang ginawa ng 2 survivor students at the very end at mali ang speculation ko na may isa pang student na nakaligtas sa pagpapanggap na naglaslas at ginawan lang ng bloody effect.

Kung fan kayo ng madugong peliks.... then isa to sa okay naman na peliks na panoorin! hahahaha

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

6 comments:

  1. madugong pelikula! at may katangahan ang parents sa simula hahaha

    ReplyDelete
  2. Mas gusto ko korean films kesa japanese pero given a chance, i'll watch this, ok lang ako sa draggy na start... gusto ko yng madugo eh...

    ReplyDelete
  3. nice, grabeng killer naalala ko tuloy ung battle royale ee
    hmm naku 30 mins. bago ang action? mejo boring ang simula
    pero i guess oks namn kasi naka 8 pa din

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha, naku big fan din ako ng battle royale 1 and 2. pero da best pa rin sakin ung part 1.

      @topic: wuy, another bloody japanese film. looks exciting!

      Delete
  4. ay bet ko to, patayan! natawa ako sa pag describe mo ng may sayad na junakis haha!

    btw ang cute ng bago mong iron man shirt khants! pag nawala ulit yan mag wala ka na din sa laundry shop! :) knock on wood, wag naman sana mawala

    ReplyDelete
  5. Interesting.

    Yung poster nila parang poster ng battle royale

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???