Monday, July 29, 2013

Girlfriend Boyfriend

Happy Monday sa inyo folks! Monday pa, so dapat kahit di pa patapos ang araw, smile naman dyan and everything para whole week ay happy! Bwal sumimangowts kasi nakakabawas ng good karma ang bad vibes!

Kahit na di na nilalagyan ng pagerank ng google ang blog kong ito sa di ko mawaring kadahilanan, keri lang, go go go padin at tuloy padin sa pagsulat at pagtipa ng anik-anik.

For today, back to movie review nanaman tayo......

Guess what country galing ang peliks!

Nope.... Hindi po sa Japan!

Ex! Not Thailand!

Nah! Di rin po India!

Sirets???? Sa bansa nila Shan Cai at DomengSi! hahahaha... Ang bansa ng F4! TAIWAN!

Peliks for the day ay.......... Girlfriend Boyfriend!


Ang story ay somehow magsisimula sa panahon kung saan may Martial Law na ganap sa Taiwan. Medyo mahigpits much sa school ganyan. Tapos may taklong magkakaibigan, Si Aaron (hindi po Carter ang apelyido), Si Liam (Not the role played by Xiam Lim sa Ina kapatid Junakis) at Mabel (hindi Bel ang lastname ni girlay).

Merong ganap na triangulo kasi between friendships! Nope, hindi po ito yung normal na labtrayangel! 

Ganto kasi, merong labteam called MabeLiam. Tapos etong si Aaron, akala niya magjowawits ang dalawa, tapos nalaman niyang hindi, kaya he make porma-porma na kahit alam niyang si Mabel ay medyo head over heels kay Liam. Noong nalaman ni mabel na may ibang nililigawan si Liam, nagkaroon ng MabAaron.

Wop! Eto yung isang side, Magbespren tong si Liam at si Aaron. But it turns out nagkaroon ng hidden desire at may pagtingin si Liam kay Aaron. Pero cannot be tutubi kasi merong nabuong MabAaron. So impossible na magkaroon ng LiAaron. prends padin naman sila.

Years ang lumipas, close friends padin ang taklo. One time, birthday ni Aaron, Nagpasama si Mabel kay Liam na bilan ng shoesy ang kanyang bowa. Buy ng blue shoes si girl. Kinagabihan, nagkalasingan, nabisto naman nito ni Mabel na aba, may gifty si bespren Liam kay aaron, red shoes.... Aba.... nakakaamoy na ng slight si Mabel.

But wait! eto na..... ang crisis sa triangulong pagmamahalans.... Si Aaron, aba, sumusundot pala ng ibang pechay! Maygawd! Nabuking ni Mabel, saksak-puso-tulo-dugo ang sakit na nadama niya. Nagparaya siya.
Tapos nagkaroon din ng confrontation ang MabeLiam. Tila may gusto madin kahit paano si Mabel kay Liam pero alam ni Liam na mahal ni Aaron si Mabel kaya giveup sya.

Friendship over ata ang drama ng taklo. So years past nanaman, 10 years later naman!

Nagkita muli ang MabAaron. Tapos naging kabet-pakbet si Mabel na nakikihati sa oras at pagmamahal ni Aaron sa kanyang asawa at anak. Tapos etong si Liam ay naging kabetbet din naman sa isang married guy na may junakis din.

Nung nagkaroon ng reunion ang tatlo, nagkatensyon kasi medyo umaadidang sa paglandi si Liam kay Aaron. Tapos since alam ni Mabel na may pagtingin si Liam kay aaron pero ang type ni Aaron ay si Mabel, hala, landi din tong si Mabel kay Aaron. Gulo!

At dyan nagtatapows ang synopsis at halos pa-ending part.

Score.... 8.5! 

Almost there na medyo predictable nga lang na ending.

Oks yung conflict sa pagitan ng taklo at ang mga development ng somehow love-triangle between tatlo. Medyo sad part kay Mabel kasi kailangan niyang magparaya twice for Aaron.

Sad din naman sa part ni Liam kasi naging kabit din siya, though narealize niya na mapait ang buhay niya ng makita niya ang sitwasyon niya sa sitwasyon ni Mabel, isang kabetbet na naghahantay na maambunan ng pagmamahal.

Tapos bilang prenship, siya pa ang nag-alaga sa kambal na anak ng MabAaron(semi-spoiler)

At anhaba ng pubic hair naman nitong Aaron, nakadalawang pechay ang nadiligan in someway, kay Mabel at sa nabuntis niya. lols.

Hmmmmm..... somehow kinda relate ang peliks sa My Husbands Lover.... badingerbetserye-ish...plot..... Don't worry, baka di naman gantong plot ang nagaganap sa hiwalayang Billy-Nikki. lols.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

4 comments:

  1. ako wala kong tyagang manuod ng movie na di ko maintindihan ung language aside sa 3 idiots at crazy little thing called love at battle royale ee wa pa kong naeenjoy

    ReplyDelete
  2. hyy... masarap panuorin with sa date... hihihihi... kakakilig peliks ah...

    ReplyDelete
  3. napanood ko to dati. sad to say ewan ko di ko nagustuhan hahaha

    ReplyDelete
  4. Wooot!? huma-husband's lover nga ang peg ng peliks. Kaaliw! siguro mas papanoorin ko toh, kesa dun sa MHL nila Carla, Tom, Dennis

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???