Wednesday, July 10, 2013

Boses the Movie


Hello there! Biglang hanlakas ng ulan kanina bago ako pumasok. Mergerd! It's rainy season na talaga here in the Philippines.

Heniway, heto na ang review for the film na aking nipanood last monday na ni-leave ko pa sa opis para maka-atend ng special screening.

Obyus naman na ang pamagat ng peliks ay 'Boses'. Tingin-tingin din kasi sa picture at sa title para alam nio na ang mga ganyang bagay-bagay. hehehe.

Okay.... heto na......





this is it!





this is really is it!




Ang wento ng Boses ay tungkol sa isang neo kiddielet na iniligtas mula sa abusive father. Nope.... Hindi po nagahasa yung kiddo kasi eto ay boy. Physical abused ang kid at nailigtas ito dahil sa reklamation ng kapitbahay na concerned sa welfare ng bata.

Tapos si kiddo na itatago natin sa pangalang Onyok (hindi po Velasco ang apelyido) ay dinala sa isang shelter na nangangalaga ng other kiddielets na naililigtas sa kamay ng mapang-aping magulangs ganyan.

Ditow malalaman na medyow special si Onyok. Nope, hindi po sya parang foodies na may extra sahog para tawaging special. Ang ibig kong sabihin, ang special kay Onyok ay di siya nakakapagsalita dahil sa trauma sa kalupitan ng kanyang father.

Sa shelter makikilala ni Onyok ang parang pinaka-head ng org na ginampanan ng pinsan nila Buko at Apple.... Si Cherry Pie. Doon niya din makakaibigan ang girlay kiddo na pbb teen labteam-labteaman niya na si Shirley.


Lastly, sa shelter din mame-meet ni Onyok si Mamang Baliw. Joke lungs. Di po baliw yung namit ni Onyok. Parang may sayad lang kasi di maka-move-on si violin guy sa namatay niyang jowawits played by the junakis of Willing Willie (Meryll Soriano).


Dito matututong mag-violence este Violin si onyok at malalaman na isa dyang medyo musical genius in terms of playing a stringed musical isntrument. (sosyalans, vuma-violin ang peg).

Dito ko puputulin ang synopsis shenanigans. Alam naman na iwento ko lahat-lahats.... No-No-No! Kenatbi-tutubi! You gotta watch the film folks kasi ang peliks ay may score na 9!

Yeppers! Pasok sa jar of hearts ang pelikulang ito dahil maganda ang story niya kahit kasama sa category na indie ang film.Hindi siya Indie na going towards the pink film or pornish kinda thing.

Maganda yung film with a touch of music thingy dahil sa husay ng pagplay ng violin. Ayos din ang conflict sa wento na tumatalakay sa pang-aabusong nagagawa ng isang magulang sa sariling anak. Kung pano magkakaroon ng possible reconcillation sa mag-ama and everything.

I recommend na panoorin nio itow sa big screen dahil ipapalabas ito sa mga SM Cinema's by July 31, 2013. Aba.... tumangkilik din tayo ng pelikulang pinoy mga folks. :D

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care.

5 comments:

  1. oh my... sorry i skipread ah... kasi I really plan of watching eh... alam mo na, i hate spoilers... hehehe... napanuod ko trailer nito, gusto ko siya...

    ReplyDelete
  2. nice parang august rush na pinoy themed, mukang oks to ahh
    inspiring yung plot ee

    ReplyDelete
  3. wow di pa rin talaga tayo nawawalan ng mga mahuhusay na direktor na walang sawang gumagawa ng mga indie films :)

    nice spoilers, ayus na ako jan hahaha!

    ReplyDelete
  4. hahaha.. naunahan mo ko dito.. anyway.. ang ganda ng palabas no. lalo na yung first scene tas samahan mo pa ng magandang musical scoring wala na panalo na talaga....

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???