Walang tigil ang ulan...... at nasaan ka araw......
Maulan nanaman lately at sa mga gantong tagpo at eksena ay nakakadepress at nakakasenti moments. Yung eksenang bigla ka na lang hihinto, titingin sa patak ng ulan at biglang magflaflashback ang memories IKR, very dramatic ekek ang ganap kapag ganun.
Kagabi, habang malakas ang buhos ng ulan, aba.... kahit hindi pa throwback thursday, flashback friday at spacewarp saturday ay bigla-bigla kong naalala ang nakaraan na di na maaaring balikan.
At dahil doon may mga bagay-bagay akong namimiss... kaya eto ang random thingies na namimiss ko....
-Bigla kong namiss yung mga kaibigan ko sa dati naming tinirahan noong bata pa. Sila marahil yung tinatawag na kababata (kung tama ang term).
-Yung moments na nakakadalaw ka sa mga bahay ng friends mo just to make tambay lang at makinood ng tv kahit meron naman kayong sariling telebisyon.
-Mga eksenang pede kayong umupo lang sa tapat ng bahay (sa may gate or sa stone wall) tapos chill-chill lungs or slight kwentuhan.
-Ang pagpunta sa tinatawag na squatters area at doon ka makakabili ng samu't-saring chichirya na di available sa tindahan ng subdivision.
-Ang mga times na ilang oras na naglalaro ng family computer na kahit walang save options ay masayang laruin.
-Mga gabing naglalaro ng taguan o kaya tumbang preso at mataya-taya... isama mo na din ang kwentuhan ng nakakatakot mala-'Are you afraid of the dark?'
-Yung tumatambay sa basketball court at pagtry na magshoot ng ball kahit di naman kagalingan at walang binatbat sa sports na yun. Makapag-shoot that ball lungs.
-Magkakayayaan na maligo sa ulan ng ilang oras. Takbuhan at paghahanap ng alulod na malakas ang buhos ng tubig.
-Yung mga moments na pag may okasyon sa kapit-bahay, may times na aabutan kayo ng foodies. O kaya, pag may okasyon sa inyo, ikaw ang mag-aabot ng pagkain.
-Yung times na naglalaro kayo ng teks, pogs, goma, sipa (picha) at anikanik games.
-Yung nakaw-tingin kay crush
-Kapag sabado, maagang gigising dahil madaming shows na papanoorin sa tv, mga cartoons and stuff.
-Sa school, kahit na medyo busy sa pagsusulat ng lessons, may makukulit kang kaklase na maingay at kakwentuhan.
Medyo umaaraw na ngayon.... sana tapos na ang emo moments ko....
O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!
namimiss ko ung paglalaro sa ulan noong bata at pagbabasa ng liwayway komiks noon habang umuulan :)
ReplyDeleteyung pag pasko mangangaroling! haha! Ay teka, hindi na ata pasok sa tema ng pag ulan.
ReplyDeleteGusto ko to "-Yung moments na nakakadalaw ka sa mga bahay ng friends mo just to make tambay lang at makinood ng tv kahit meron naman kayong sariling telebisyon." Well we still do this.
awwww... sapul ako sa mga nostalgic moments mo... I'm happy na lahat ng 'yun ay nasubukan at nagawa ko so I have reason to miss them too...
ReplyDeletehyyy, habang tumatanda, nawawala ang pagkasimple ng buhay... bakit ganun?
good old days, dame ko kalokohan nun,
ReplyDeleteat madalas ung mga naalala ko ee ung mga bagay na
kulang na lang ee mag time travel ako para pektusan
sarili ko haha