Wednesday, August 6, 2014

Guardians of the Galaxy Movie Review


Dahil na-dedmadella ang china adventure post ko, di na ako magwewento ng karugtong nun. charot lungs. Pahinga muna tayo ng ilang araw bago yung day 2. Hahaha.

For today magreview-reviewhan muna tayo ng pelikula na tumama sa sinehans nitong linggong ito. Ito ang usap-usapan ng mga nanoods ng pelikula this week, ito ay ang marvel film named 'Guardians of the Galaxy'.

Hinda super bago sa akin ang ilan sa characters sa film dahil sa nilalaro kong fb game na Marvel Avengers Alliance, na-introduce na sila. So meron akong mga 20% knowledge about the sa film.


Pero bago natin simulan ang review, heres the chance to close the window at wag na magbasa kung takot makabasa ng spoilers.
















Ready na ba kayo?????

Sure? oks sabi nio eh, let's review!

It all started sa planet Nemic earth kung saan ay may bagets na batang lalaki ang nakikinig ng music sa kanyang mp3 player este portable casette player.

Then madededs ang kanyang mudrakels at di niya matanggap ang kapalaran kaya he make takbo outside the hospital pero sa takbo ng panyayare, ma-aabduct sya/ makikidnap ng aliens.

After ilang years na lumipas, na-tuli na at nag-binate este nagbinata na yung kiddo at naging isang bida na may alias na si Star Lord.


One time, sa isang lugar, si Star Lord ay may ninakaw na orb at itinakas ito. Balak niyang ibenta ito para naman mabuhay sya chenes.

Then from one point, from the villain side, nagbabalak silang itumba something ang isang planeta/lugar/space place. At kakailanganin nila yung orb na ninakaw ni Star Lord.

Then papakita si Gamora, isang greeny girl na alagad ng villain na nais kunin ang orb mula kay Star Lord. Magkakaroon ng engkwentro yung dalawa.


At makikigulo ang duo ng bounty hunters na ang pakay naman ay kidnappin si Star Lord dahil sa pabuya na nakapatong sa ulo nito. Ang duo ay isang talking raccoon named Rocket na long relative ni Sandy Cheeks ng spongebob at isang humanod-tree named Groot na apo sa tuhod ni Ugat puno ng sineskwela.



Nahuli at nadakip ang apat at nilagay sa piitan or sa kulungan dahil sa public fight na ginawa nila na nakasira ng mga properties at public chaos ganyan.

Sa piitan, malalaman ang real purpose ni Gamora ay ang pagtraydor sa kalaban. Ibebenta na lang nila yung orb sa isang buyer na mas malaki ang presyo kaya naman napilitan magtulong-tulong ang apat upang tumakas sa kulungan.

Sa kulungan ay makakasama nila ang isang ex-con named Drax na ang layunin sa buhay ay maghiganti laban sa kontrabida ng pelikula. At dahil sa kanyang revenge plot, napasama siya sa escapees.


Sa pagtakas ng lima, napunta sila somewhere kung saan na meet nila ang buyer ng orb. Ito ay isang person named collector na nangongolekta ng samutsaring bagay in the outer space.

Dito marereveal na ang nasa loob ng orb ay isang Infinity Stone kung saan ito ay nagtataglay napakalakas na powers ganyan. Malalaman nila na sa super lakas ng prowess ng infinity stone, kaya nitong pasabugin ang isang place/planet.

Dahil sa turn of events, ang infinity stone ay napasakamay ng villains at nagtatangka na wasakin ang isang planeta.

Lumabas ang pusong bayani ni Star Lord at nais niyang pigilan ito. Naconvince niya sila Gamora, Rocket, Drax at Groot para tumulong.

Magagawa kaya nilang iligtas yung planeta laban sa naging powerful na kalaban named Ronan (not keating ang apelyido).


Ang kasagutan ay malalaman kapag pinanood mo sa sine or sa dvd or download kung avail na sa torrents. Aba, wala na libre much. I can't make wento everything! lols.

Ang husga at hatol sa pelikulang ito? May score na 9.7!!!! Hooray! Mas mataas kaysa sa Transformers at spiderman.

Bakit mataas ang score? Kasi fresh ang story and characters. Like seriously, konti pa lang ang may alam tungkol sa Guardians of the Galaxy unless isa kang Marvel fanatic.

First na film pa nila so di pa sawa ang ating mga mata sa characters hindi tulad ng mga nakasanayang heroes like nila Ironman, Spidey, Optimus and stuff.

Next factor ay ang movie length. Sapat ito para maidetalye ang mga dapat maiwento at info about sa mga characters and villains and stuff. Hindi OA sa haba at hindi naman super short.

Ang effects, fight scenes, comedy, drama, love at bg music ay balansyado. Sapat at tama ang timpla kaya naman hindi masakit much sa mata, pandinig at sa pakiramdam.

All in all, isang maganda at sulit na pelikula for movie watchers!

O sya, hanggang dito na lungs muna. Back to work na me mamayang hapon!

Take Care!

4 comments:

  1. Ganun pala ang kwento ng Guardians of the Galaxy :)
    Bagong-bago ito sa akin, ang story lalo na yung mga characters.

    ReplyDelete
  2. yeah right. so new to me... gusto ko tuloy tumakbo sa pinaka malapit na suking sinehan at panoorin to.. promise.. natawa ako sa apo sa tuhod ni ugatpuno sa sineskwela hahaha

    ReplyDelete
  3. I have seen the movie but it doesnt seem to appeal to me very much since I think its not as serious as the other marvel movies in my opinion

    ReplyDelete
  4. super spoiler! charrrr

    hindi pa showing dito yan huhu super napag iwanan kami dito huhu

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???