Ohayu!!! Howdy? Kamusta? Linggo nanaman at mapayapa ang shift at walang magawa much sa aking cube kaya naman heto at tumitipa at nagsasalitype nanaman para sa inyo.
For today, mag-rereview nananaman mey ng pelikula. Ito ay ang film na She's Dating the Gangster ng Kathniel. (ikr! hahahah, naiisip ko ang nasa isip nio hahaha)
Well, no choice ako kasi wala naman akong makitang ibang magandang film sa suking dvdhan sa may palengks kaya naman pinili ko na to. Yeah, i did not watch sa sinehan due to reasonssssssss (yep, madaming S kasi too many to mention).
Anyway, dahil nagawa ko na at napanood at natyaga ko naman tapusin ang storya dahil medyo oks naman ang cinema copy kahit dinig mo ang cheesy kiligers ng ilan sa mga fantards e keri naman ang film.
so ano? Kung di mo trip, pede close mo na browser. hahahah.
Okay, ganto.... Mag-uumpisa ang storya sa isang kasal ng barkada ni Richard Gomez na tatay ni Daniel 'Neseye ne eng lehet' Padilla. Dito ay gagawa eksena si DanielP at parang na-ruin ang kasal ng kaberks ni RichardG.
Nagtalo ang mag-ama.... chuva..chenes..chukchak..blahblahblah. pumapasaway thingy si DanielP kesho wala raw time si RichardG sa kanila ng nadeds na mudrakels. Then nag-wish upon a star si DanielP na sana si RichardG na lungs ang nadeds at hindi ang kanyang mommy dearest.
Then kinabukasan, napabalita na si RichardG ay lumipad papuntang Bicol and unfortunately may news na nagcrash/missing/achuchuchu yung plane.
Guilty much sa wish you are dead shenanigan ni DanielP at mega-aligaga ang gago dahil missing ang kanyang tatay. SO he make punta sa HQ ng airplane to make inquiry and status ng eroplano.
Sa pagtatanong sa HQ, doon niya makikilala/makikita si KathrynB na ang hinahanaps ay ang kanyang pudrakels na si RichardG.
Huwaaaat? Nagulantang much si DanielP and nagtatanong bakit hinahanap noong girlay ang kanyang pudraks. Is it a.) Anak sa labas ng kulambo? b)Kabet-pakbet? c.)WalaTayongPakeKungANongReason.
Malalaman ni DanielP na hinahanap ni KathrynB si RichardG para sa kanyang One True Love named Athena (yeah, like the milky brand name).
So syempre, insulto much ang term na ginamit kasi like what the hell? May nalalaman pang One True love acheche ekek!
Pero no choice, kelangan hanapin ang missing in action na si RichardG. SO ang dalawang PBB teenieboppers ay nag-bengga-bus-hindi-bang-bus papuntang Bicol para hanapin ang tatak ni DanielP.
At kahit mahaba na ang eksplanasyones for the first part, dito sa nekpart talaga ang pinaka takbo ng wents (oo, side story chever lung yung nauna.) Dito ilalahad kung bakit one true lab daw nung Athena si RichardG.
Noong panahon ng mga albularyo este panahon na uso ang paglalagay ng bandana/panyo sa noo na ala DaomingZi(para kasing 70's or 80's pero 90's ata dahil gumagamit yung bida ng BEEPER, wala pang smart phones noon), meroong siga named Kenji (si RichardG pero bata version so it's DanielP in another persona).
Dahil sa beeper, makikilala ni Kenji/DanielPv1(version 1 kasi somewhere in past, kabataan days ni RichardG) si KathrynBv1(sya si Athena, tita ni KathynB na naghahanap kay RichardG).
Dito irerequest ni DanielPv1 na maging jowabels si KathrynBv1 dahil nais niyang pagselosin ang ex-GF nito. Sa una ay aayaw-ayaw pa tong pa-maria-clara ekek pero dahil sa pagka-angasero at pagka-badboy ay nalaglag-panty ata at pumayag to be kasangkapan sa plot to make jelly the exy.
Pero as the story goes on, parang picture ang dalawang version1 dahil nagkadebelopan sila at tinotohanan na ang relasyones. Naging Mag-GF-BF na sila.
But wait! Syempre kailangang may hahadlang sa labstory para naman hindi matabang ang wento. Like duh, kailangan may kikirot daw sa pu..... puso ng audience.
It turns out, Si KathyrnBv1aka Athena ay may sakit sa Pu....Puson Puki Puknat Puso at bawal siyang maheksayt and stuff like that. And apparently, ang pagka-inlababo niya at mga aktibidades na ginagawa niya ay nakakasama sa kanyang puso.
Nope, di yun ang pinaka-factor... Dahil it turns out, may sakit din yung X-factor ni DanielPv1 at ang mudrakels ni girlay ay nagrequest para balikan si X para humaba pa ang buhay nito if ever.
So anyare? Nagpaka-dakilang sakripisyo si Athena at hinayaan na magkabalik si Kenji at lumayo at nagstates para magpagamot sa sakit sa puso.
Then back to future na. Knows na ni DanielP kung ano ang labstory ng kanyang pudrakels at tila eps langs ang kanyang mudra talaga.
Then ang request pala ni KathynB ay magkita ang kanyang tita Athena at si Kenji for the last time. At nagkita nga at nadeds na si Athena.
Then tapos na ang wento. Haba no? IKR!
Score???? Tinatanong nio ang score for this film? She's Dating a 7. Yeah.... I can only give 7 magic balls for the film.
Reasons:
-Confused sa timeline ang casting. Feeling ko, maipilit lang na old labteam ang ginamit para parallel sa labteam ng new gen. Para masabing Kathniel (Kathryn/Daniel) = Richawn (Richard/Dawn).
-Hindi feel ang term na Gangster in the whole movie thingy. She's Dating a Skaterboy or She's Dating a Siga pede pa.
-Hindi me masyadong naawa much sa naging condition na may sakit si KathrynB or during the time na nadeads si Dawn kasama ang one true love nia. May missing sa pag-capture ng emotion ng tao. Hindi ako napa-aaaaawwwwwww or huhuhu or :(.
-The kilig is not magical i guess. hahaha.
Fair na ang score na yan without considering the fact na medyo di ko feel ang tambalang kinakikiligan ata ng madlang folks. Dahil kung yung topaking ako ang magbibigay ng score, marahil 5 or 6 dahil medyo overrated.
(di ko nabasa yung book so wala akong pagbabasehan kung gayang-gaya ang story sa book or what).
Pede na ang DVD copy or magaantay sa mas malinaw version sa torrent. Buti hindi ko nipanood sa sinehan.
O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!
di ko alam kung pumasok yung unang komento ko pero uulitin ko 60 percent lang yung ginamit nila mula sa wattpad/book iba pa rin talaga ang libro, sa book sad ending, sa cinema happy ending...
ReplyDelete