Friday, August 29, 2014

Randam na Randam na Random

 
Bago mag tapos ang buwan ng wika, kailangan may post pa din me sa aking bloghouse. syempre, kailangang maintain lang pagsasalitype at pagwewento ng anik-anik and stuff.

Before mag trending nanaman sa chwirrer, uunahan ko na ng 'WakeMeUpWhenSeptemberEnds' at 'BeGoodToMeSeptember' ganyan. hahaha.

So let's start the Random thingy....

1. Last saturday, inoperahan na sa bubelya ang aking mudrakels. Nope, di po sya nagpadagdag ng boobies bagkos ay tinanggal ang cyst doon. Successful naman po, salamat sa mga nagdasal for her health.

2. Medyo awkward pala ang may dinadalaw sa hospital. Parang iba ang amoy ng hospital environment e. May kakaibang aura na di ko ma-explain. 

3. Dahil katabi lang ng office building namin ang ospital, nagawa kong mag-shift/pumasok sa opis tapos dadalaw sa ospital for 1 hour ganyan. hahaha. 

4. Nagtatampo ang fam ko dahil nabalitaan nila na nakapagbook kami ng friends/officemates ng roundtrip tix to Korea. Di na daw nila ako isasama kung magbobook sila pa-abroad.

5. Last week, umattend pala ako ng kasal ng classmate ko noong college. Groomsmen ako. Medyo sad lang ng slight dahil 2 lang kami na college friend. Yung isa kasi nagkasakit ang jowa kaya di na sumama. Yung 2 pa naming berks, Missing-in-action kasi lagi.

6. For the past 2 weeks, dumadaan ako sa mga cherry mobile booths to check kung may Flare 3 na sila. Di ko afford mag high end and branded phone kasi feel ko hindi ko namamaximize yung ganung items. Bihira ang mag-text sa akin. Madalas naman nasa harap na ako ng pc to do social media ganyan.

7. Nagbabalik yung tindero ng asian peliks sa quiaps. Yung dati kasing vendor ay medyo shunga, parang walang ma-suggest kung ano ang magandang film. Hopefully makapag-blog muli ako ng asian films.

8. Ngayon lang ako naglalaro ng Brave Frontier na game sa android device. Inuninstall ko FB at twitter ko dahil malakas kumain ng memory yung game. E mababa yung capacity ng luma kong phone.

9. Kapamilya na pala ang tambalang Jadine (James and Nadine)

10. Hindi daw pusa si Hello Kitty! What? So ano next? Si Snoopy ay hindi aso, ang TMNT ay hindi turtles, si Ronald Mcdonald ay hindi Clown at si Jollibee ay hindi bubuyog.

11. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi nagsimula sa office related shenanigans ang random? For a change, ginawa ko syang sa hulihan. 

12. New schedule na kami by next month, balik panggabi na. Magdalena schedule ang peg... Tulog sa umaga, gising sa gabi.

13. New schedule ko na ay 8pm-5am. Tapos ang restday ko na ay Wed-Thur.

14. Bukas ay team building ng department namin, nasabi ko na di ako egzoited.  Yep, after 1 week, di ko totally feel ito. Half-hearted lang. 

15. I really miss my old team. hahaha. Yung ingay, yung kwentuhan, yung bonding. Yung presensya pa lang nila sa floor/opis ay sapat na. And sadly nagsialisan na ang ilan sa kanila.

Hanggang dito na lang muna, baka maiyak ako ng wala sa oras. nyahahahah.

Take Care!

5 comments:

  1. Glad to know na owkei sa owrayt na si mama mo after the operation :))

    Ayaw na ayaw ko din na pumupunta ng ospital. Di ko trip ung amoy ng gamot na sari-sari lol

    Si Boy Bawang din daw, hindi bawang nyahaha!

    ReplyDelete
  2. Hangad namin ang mabilis na paggaling ng iyong mudra :)

    fiel-kun, di talaga talaga siya bawang... boy siya lols.

    ReplyDelete
  3. serious ung number 1 pero dami kong tawa sa boobelya at sa hind pagpapadagdag :) good news na bongga at success ang operation ni mudang :)

    sana maayos na ang tamuphan ng fam at ng sama sama na kayo ulit next trip :)

    ReplyDelete
  4. Praying na tuluy-tuloy ang paggaling ni mudrakels *\(^o^)/*

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???