Monday, March 27, 2017

Photobook Worldwide

Hellow there! Heto ako at muling nagbabalik at magwewento ng ganap last week at kinda promote din (pero di ako bayaran, hahaha, promote for due to experience).

Nasa digital age na tayo at wala na yung mga panahon na kapag magpapapicture ka ay kailangang magtipid ka sa shots dahil masasayang ang film. Yah! Inabot ko yung film era ng mga camera.

So eto na nga, nasa bagong siglo na tayo at kadalasan ng pics natin ay dehins na pinapadevelop at inuupload na lang sa social media like FB or Instagram.

Pero minsan, nakakaaliw padin na magtingin ng pictures na hindi ka nakatingin sa monitor so I wondered paano magprepreserve ng memories ng mga byahe.

At ang solusyon ay ang photobook.

Yazz, i know, pede naman mag scrapbook chuvachuchu kaso wala akong time and artistic prowess o make design-design and layout. Plus medyo mahalya ang pagbili ng aniz-aniz so i need to find a different way.

And so ayun nga photobook thingy.

At nakahanap ako ng good deal to try photobook via Metrodeal. 


So I make order ng 5 coupons ng photobook for the price of P20 petot each. Coz its nakakahiya to make bayad ng 20 petot ng over the counter lols.

Then I make follow the steps on how to do et.

Pagtapos ka na sa pagbayad, go na.

Una, kailangan mong irehistro ang voucher code mo sa iyong account. Dito

Pangalawa, iclick mo yung Start a Book button tulad ng nasa larawan sa ibaba.



Tapos ay pipili ka na kung gagamit ka ng software na iinstall mo sa pc mo or gamit ang online chuchu.


Then you make select na kung ano yung order mo. Sa aking binili, sinubukan ko lang naman so yung 20 petot ay softcover na mini squere (6x6).

Pagkatapos ay you make salampak na ng mga pictures and stuff. Ikaw na bahala dumiskarte kung ilang pics ang ilalagy mo per page at anong design chenelins and stuff. Meron kang 40 pages na pedeng punuin at front and back cover na ikekemerut.

Online editor

Software editor

Kapag tapos ka na, i-order mo na sya tapos ilagay mo ulit yung voucher code at magproceed sa pagbayads. Since bayad na ako via metrodeal, ang babayaran ko na lang ay ang shipping fee worth 250 (idedeliver sa bahay mo, in my case, sa opisina ko pinadala lols).

After nun, antay ka na lang ng updates via email at text messages.

Thursday ko nasubmit ang order ko at nakuha ko yung item ng Monday. So technically less than a week langs.





Hokay... time to provide tippy tips....

-Make sure na maganda ang internet connection ninyo. Kung online kayo gagawa, dapat di pucho pucho kasi mag-uupload ka ng pics.

-same goes using software, iuupload yung project or yung gawa mo online kaya dapat mahusay ang connection.

-Wag gagamit ng sun cellular broadband. Nakow. no-no. iiyak ka beshies! Nakapag-upload ako gamit ang SM free wifi! Kakaloks!

-Kung sa metrodeal ay pede kang magbayad via banks/over the counter, kaso ang shipping fee ay via creditcard lamangs at paypal. (buti at may laman pa paypal account ko para sa dalawang photobook)

-may indicator sa paguupload kung low quality ang pic na inuupload mo. Magbabago kasi quality kapag na print.

-Mas maigi kung ang mga larawan ay di mo pa nauupload sa FB. Mas malinaw kasi kapag rekta pa from the memory ng digicam ganyans.

-Ang courier nila ay DHL. mabilis at walang hassle.

For the item na natanggap ko, happy ako kaya nga nakapagpost pa ako ng ganito eh.

O sya, hanggang dito na lamang. TC!

Wednesday, March 22, 2017

Power Rangers

Hola! Kamustasa mga folks! Andito nanaman ako para naman magsalitype ng anik-anik at magwento ng kwentong minsan ay wala namang kwenta. hahahah.

For today ay magkakaroon nanaman tayo ng isang movie review-reviewhan ng isang pelikulang kapapalabas lamangs. Yep, ito ay ang Beauty and the Beast! NOT! Di yon! Yung mas bago... Yung may theme na go go power rangers! Yah! Kerektedbay! Power Rangers! Nasa title na nga ng post enekebe!

Ooooops! Bago magpatuloy, andito nanaman ang aking babala sa mga may phobia sa spoilers... Hindi ito para sa weak hearted like yah! So... kung ayaw mo ma-spoil.... shoooo! Kembekneksteym!

O... Ready ka na ba?













Sure???



Okies!

It's Morphin Time!!!!


Noong unang panahon... Hindi panahon ng hapon... kapanahunan pa ni kopong-kopong-dino-era! May isang red ranger na naghihingalo (later i-aannounce na sya si Zordon). Natsugibels na ang ibang rangers at kinuha niya ang mga ranger colored coins.

Then ipapakita ang kalaban na si Rita (hindi Avila ang apelyido).Isa pala itong Green Ranger (shocking!). Then tsutsugihin na dapat ni Rits si Red Ranger kaso may akshidenteng naganap.


Kaya pala Green ang suot nia!

Kailangan ng tulong ni Ida para mag-fast forward sa future tense!

Time Space-warp, Ngayon din!

So papakita ang kapekpekang ganap ng isa sa magiging bida-bida ng film. May guy na nagpasok ng cow/bull sa school. Tapos shakey camera and dark themed filters. May habulang gahasang ganap ng sasakyans.

Dito na ipapakita ang guy kanina named Jason (hindi derulo). Dahil sa kanyang ganap ay mapupunta siya sa detention.


Dito niya makikilala ang nerdy black kid named Billy (hindi crawford). Medyo bulbulin este nabubully etong black kiddo na ito at pinagtanggol ito ni Jason.


Then ipapakits din sa screen etong girlay na long-haird na nagpunta ng washroom. Malalaman na na-friendship over si girl ng akala niyang mga beshies niya. So she make putol her hair coz fuck them right?!


Tapos sa takbo ng wento, mapapadpad ang mga teenyboppers sa isang restricted area by destiny ekekeks. 

Etong black kid ay nagpasabog ng lupa at dahil doon ay makikita na sa screen ang dalawa pang teens.  Sila ay makikilala later with the name Zack (not Efron) at Trini (hindi dor ang lastname).



Dahil sa pagsabog chuchu, matatagpuan ng 5 teenies ang colored items na tinago ni Zordon. At by fate, nadampot at nahawakan ng kiddos ang anik-anik na magiging katumbas ng kulay nila.

Sila ang naging bagong tagapangalaga ng mga brilyante!

Baka ma-tokhang sila sa mga batong ito!

Then may aksidenteng ganap pero nakaligtas ang 5 bagets. Tapos nalaman nila na nagkaroon sila ng superhumanic capabilities. At dahil curious sila, nais nilang malaman anyare. 

Mapapadpad sila sa spaceship at doon nila matatagpuan ang isang robot (named Alpha5) na nag-eksplain na sila ang itinakda bilang power rangers. Papakita na din si Zordon (hindi dick ang persname) na naging wall mount.

 Alpha 5

Dick Zordon! Ipasok si Dick! chost

Chinika-minute na silang 5 bagets ang magiging rangers. Kaso kailangan nilang matutong mag-morph at magkaroon ng armor thingy bago nila kalabanin ang pwerta este pwersa ni Rita.

Subalit, masaklap ang buhay mga besh. Di sila pinalad na makapag-change costume. So ang sabi, training daw muna sila. Magkakaroon ng Power Rangers Immersion program para pag may opening ay may chance na silang maging Rangers.

So nagtrain sila ng nag train tapos extend pa daw sila bilang immersion trainees hanggat di pa sila makakapag transform. Then bilang pakunswelo de bobo, pinakita ni Alpha ang magiging sasakyang transformers robots called zords.






Pero sadyang mapait talaga ang kapalaran ate charo. Wala talaga. Kaya feeling ng mga rangers ay kailangan nilang mag-team buidling este recollection chuchu at magkaroon ng open session para maging closey-close sila.

Nagkabunyagan ng secrets.

1. Si Black ranger ay lonelybels kasama ang mudraks na may sakit kasi walang ritemed sa US.
2. Si Yellow ranger naman ay sasali daw sa That's My Tomboy.
3. Si Blue ranger naman ay may almuranas charots!
4. 1.2.3 pass daw si penk
5. Hindi pa nabibinyagan ang junjun ni red.

At ishoshow na si Rita na isang gold digger. Naghahanap ng mga gold-gold para sa kanyang alagad na si Goldar.

 Mr. Gold

 Goldilocks

Solid Gold

At nagkaroon ng confrontations and eventually nasabi ng mga rangers ang salitang... 'Its Morphin Time!'

At nagtransform na sila finally!

Joke!


At dito ko na puputulin ang wents.

Score? Bibigyan ko naman ang film na ito ng 9. Okay naman for me at di naman ako nadisappoint masyarow.

May mga bagay lang akong di ko trips.

-Di mukang mamoth yung sasakyan ni black.
-Di masyarong Pteradactyl ang look ng zords ni pink.
-ganun din sa Sabertooth tiger
-At walang sigaw-sigaw kapag nag morph!

Imagine, wala yung... Mastadon, Cheradaktil, Chwisheratap, Sebatutayga, Churanasor! Maygas!

Pero all in all, oks naman sa akin. Di ako nadismaya (noong una akala ko too dark ang armors, based sa mga pakita... okay naman pala!). 

Okay naman ang 200 petot na binayad ko.

Sa huli ng film, ipapakilala ang magiging next green ranger.. si Tommy.


O sya, hanggang dits na lang muna! Take Care!

Sunday, March 19, 2017

Subic Beach sa Sorsogon

Okay para tapusin na ang travelventures ko last month, heto na ulit ako at tumitipa nanaman sa keyboard para iwento ang mga ganap.

Feb. 14, balentayms na balentayms ay maaga kaming gumising para bumiyahe ulits. Nag-empake lang ng damit na pang basa at gora na sa next destination... Sorsogon.

From Legazpi City ay nag-UV express kami papuntang Sorsogon City. Mga 1.5 hours din ang byahe kaya naman nagnenok pa ng konting borlogs while nasa byahe.

Pagdating sa Sorsogon City, sakay naman kami ng jengaJeep para naman sa another 1.5 hours na byahe papuntang Matnog. (2 hours kapag madaming hintuan ang ganap ng jeep).


Pagdating sa Matnog, dahil ma-kame-hame-wave at medyo windy, ayaw ng coast guard na pa-byahe ang mga boats.

So ang ginawa, nag-tricycle kami around the bundok paikot sa place kung saan malapit na sa beach na pupuntahan namin. Inabot ng mga 30 mins. din ang byahe ng trike.


Pagbaba ay sakay na kami ng boat at sa 30 mins na boat ride ay nakadating na kami sa Subic Beach.



Beach bum lang at swim-swim at kain ng paluto ng inihaw na liemps na binili sa market. Chumillax langs.







After 2.5 hours na pagtambay, dahil conscious kami sa travel time pabalik ng legazpi, ay byahe na ulit kami. Mahirap na walang masakyang byahe pabalik at ma-forfeit ang bayad sa plane.

Pero bago yan, picture muna sa nakita naming arko na nagsasabing palabas na kami ng Luzon.




So after ng another 3 hours na byahe pabalik ng Legazpi, pack-up na kami ng gamit at lipad na sa airport at nakauwi.

At dito na nagtatapos ang maikling wento ng byahe.

Hanggang dito na lamangs, TC!

Saturday, March 18, 2017

Alacritous Albay

Wazap guysh?! Kailangan ng momentum sa pagsasalitype at pagwewento ng anik-anik sa blog kaya naman kailangang masundan ang blog post. And besides, it's saburdei, and it's kinda idle!

Okay. Let's continue the wento.

So Feb. 12 na ng gabi ng kami ay sumakay ng vengabus na last trip na daw ayon kay koyang barker. Mula sa Naga ay byahe na kaming papuntang Legazpi City sa Albay (walang first name na Dong). Inabot ng around 2 hours ay napadpad na kami sa city.


Around 9:30+pm ng kami ay naglakad papunta sa binook na accom ni Eric from AirBnB. Konting lakad lang naman so hindi gaanong nakakapagod and maginaw naman so keri lungs.




After makapaglapag ng gamit ay nag-uber late dinner muna kami dahil simula ng umalis kami ng Masbate ng tanghali, wala pa kaming kinakain. Hunger Games na ang tyanena namins.


Diet, Bicol Pasta

After duminner, back to barracks na para bumorlogs dahil maaga pa ang aming city trip kinabukasans.

Feb. 13, Maagang gumising at nagready. Nagpasundo sa binook na city tour thingy at kami ay sinundo na around 7am. Then hinatid kami sa first desti, which ay ang pag ATV sa Mayon.

Dahil maaga masyarow, humingi muna kami ng palugit para makapag almuchow muna kami. Malapit lamang sa ATV rentals yung Cagsawa Ruins kung saan merong mga makakainan kaya doon na kami nag-almusal at konting snaps ng pics.




After magkalaman ang tyanena, back to ATV place na kami at tinuruan na kami ng mga basic anik-aniks sa pagpapatakbo nito atsaka mga turns and do's and don'ts. Inalam din kung anong trail ang nais namin.






So nagsimula na kami mag ATV kahit di pa 4:30 lols.







Pagdating sa end ng trail, mas malapit na kami sa view ng Bulkang Mayon. Kaso nga lungs, medj, ma-julap Daza kaya naman di kita ng buo ang Mayon. Nag-try din kami ng buko for refreshment.






All izz well na sana ng pabaliks kami kaso nagkaroong ng very very light na aksidente. Tumaobs ang ATV na sinasakyan ko Ate Charo. Akala ko katapusan ko na at madadaganan ako ng sasakyan pero sinuwerte at nakaligtas. (try ko kung ma-uupload yung Vid).



Muntikan ko na ngang marinig ang theme ng 'Ang probinsyano' during that time. lols

Galos lang ang sinapit ko at buhangin sa aking bumbunan kaso nawarats ang shorts ko. Hahahah. Buti may spare akong shorts na dala.

Syempre, bawal pabebe at di naman ako todo nasaktan kaya go padin ang tour.

Nananghalian kami sa may Cagsawa Ruins at syemps, picture-picture pa more.




Then after non, pumunta naman kami sa Daraga Church.




After sa simbahans, sumunod na pinuntahan namin ay ang Lignon Hill.



Then ikot-ikot ride tour pa within the city.


Tapos back to base na.

Naligo muna ako dahil medj amoy buhangin pa ako from the fall of the ATV bago kami pumunta sa city proper ng Legazpi para mag-mall. Yaz, kailangan bisitahin ang mall doon.




Dito ay nagpalamig at nagmerienda at naghapunan na kami bago bumalik sa tinutuluyan at mag lights off para sa adventure kinabukasan.

At dito ko muna puputulin ang wento. Hahahaha