Hellow there! Heto ako at muling nagbabalik at magwewento ng ganap last week at kinda promote din (pero di ako bayaran, hahaha, promote for due to experience).
Nasa digital age na tayo at wala na yung mga panahon na kapag magpapapicture ka ay kailangang magtipid ka sa shots dahil masasayang ang film. Yah! Inabot ko yung film era ng mga camera.
So eto na nga, nasa bagong siglo na tayo at kadalasan ng pics natin ay dehins na pinapadevelop at inuupload na lang sa social media like FB or Instagram.
Pero minsan, nakakaaliw padin na magtingin ng pictures na hindi ka nakatingin sa monitor so I wondered paano magprepreserve ng memories ng mga byahe.
At ang solusyon ay ang photobook.
Yazz, i know, pede naman mag scrapbook chuvachuchu kaso wala akong time and artistic prowess o make design-design and layout. Plus medyo mahalya ang pagbili ng aniz-aniz so i need to find a different way.
And so ayun nga photobook thingy.
At nakahanap ako ng good deal to try photobook via Metrodeal.
So I make order ng 5 coupons ng photobook for the price of P20 petot each. Coz its nakakahiya to make bayad ng 20 petot ng over the counter lols.
Then I make follow the steps on how to do et.
Pagtapos ka na sa pagbayad, go na.
Una, kailangan mong irehistro ang voucher code mo sa iyong account. Dito
Pangalawa, iclick mo yung Start a Book button tulad ng nasa larawan sa ibaba.
Tapos ay pipili ka na kung gagamit ka ng software na iinstall mo sa pc mo or gamit ang online chuchu.
Then you make select na kung ano yung order mo. Sa aking binili, sinubukan ko lang naman so yung 20 petot ay softcover na mini squere (6x6).
Pagkatapos ay you make salampak na ng mga pictures and stuff. Ikaw na bahala dumiskarte kung ilang pics ang ilalagy mo per page at anong design chenelins and stuff. Meron kang 40 pages na pedeng punuin at front and back cover na ikekemerut.
Online editor
Software editor
Kapag tapos ka na, i-order mo na sya tapos ilagay mo ulit yung voucher code at magproceed sa pagbayads. Since bayad na ako via metrodeal, ang babayaran ko na lang ay ang shipping fee worth 250 (idedeliver sa bahay mo, in my case, sa opisina ko pinadala lols).
After nun, antay ka na lang ng updates via email at text messages.
Thursday ko nasubmit ang order ko at nakuha ko yung item ng Monday. So technically less than a week langs.
Hokay... time to provide tippy tips....
-Make sure na maganda ang internet connection ninyo. Kung online kayo gagawa, dapat di pucho pucho kasi mag-uupload ka ng pics.
-same goes using software, iuupload yung project or yung gawa mo online kaya dapat mahusay ang connection.
-Wag gagamit ng sun cellular broadband. Nakow. no-no. iiyak ka beshies! Nakapag-upload ako gamit ang SM free wifi! Kakaloks!
-Kung sa metrodeal ay pede kang magbayad via banks/over the counter, kaso ang shipping fee ay via creditcard lamangs at paypal. (buti at may laman pa paypal account ko para sa dalawang photobook)
-may indicator sa paguupload kung low quality ang pic na inuupload mo. Magbabago kasi quality kapag na print.
-Mas maigi kung ang mga larawan ay di mo pa nauupload sa FB. Mas malinaw kasi kapag rekta pa from the memory ng digicam ganyans.
-Ang courier nila ay DHL. mabilis at walang hassle.
For the item na natanggap ko, happy ako kaya nga nakapagpost pa ako ng ganito eh.
O sya, hanggang dito na lamang. TC!
Omy. That's quite a deal. And I like your wallpaper.
ReplyDelete