Thursday, March 2, 2017

Arrowland- Megamall Experience

Hello! March na! Congrats sa mga naka-survive noong nakaraang buwan ng pag-ibig! Naks! Antibay! hahaha. 

Heniway highway, it's time to make kwento-kwento nanaman ng ganap sa buhays.

Sa tuwing nanonood ako ng peliks, series at anime, may mga characters na nakakamangha. Lalo na dahil sa kakayanan nilang gumamit ng isang weaps na nakakamanghamazing... ang Bow and arrow.


Last christmas time, during sa isang exchange gift chuva sa office, may isa akong bagay na natuklasan. Meron palang Archery lesson thingy sa ortigas at magkakaroon sila ng stall/area/place sa mall na aking madalas puntahan.

So isinulat ko ang isang bagay sa aking Bucket list... anong matuto ng Archery.

Noong isang araw, nakapagdecide na ako na kung hindi ako kikilos, sino ang kikilos. Kung hindi ngayon, kailan. So kailangang gawin din ora-mismo....

Dumating na ang araw ng aking restday na pumatak ng weekdays kaya naman maaga akong naligo at bumiyahe sa isang mall na itago nating Megamall. Umakyat ng 5th floor at pinuntahan ang Arrowland by Gandiva.


Pagdating sa frontdesk, may nakalagay na kung anong package ang pede mong i-avail. (Tignan ang larawan sa ibaba). Dahil solo lang naman ako, at perstaymer, so dun na muna ako sa P250 petot na may 25 arrows. Tas nag-avail na din ako ng Target na apple head (extra 40 petot kasi maiuuwi mo naman yung target mo).


So pagpasok sa area, inassist na ako ni ateng instructor. pinagsuots ng parang arm protector thingy atsaka pumili siya ng Bow na gagamitin ko.



Dito na ituturo ang mga kaalaman na dapat mong malaman.

-Dapat pa-sideview ka sa pagtayo sa lane mo. Dahil hindi ito isang harapan.

-Ang isang paa ay nasa loob ng box while ang isa ay nasa labas. Oo, hindi kailangang magkadikit ang paa mo katulad ng pagkakadikit ng magjojowa sa mall.

-Kailangang hawakan mo ang bow na parang paghawak mo sa iyong pag-ibig. Wag kang bibitiw agad.

-May kulay ang buntot ng pana o arrow para alam mo kung ano ang tamang pwesto ng pagload ng pana. Parang ikaw, dapat alam mo kung saan lulugar.

-Hihilain mo yung string gamit ang 3 fingers. Oo, may pingerang ganap kasi ang darteh ng isipan mo!

-Wag kang matakot na hilain ang cord na batak na batak na parang mukha ng nagpafacelift.

-Pipikit mo isang mata mo para makapag-aim ka. Hindi ka magwiwink lang shunga.

-Bibilang ka ng tatlong segundo after mo batakin ang cord at makapag aim tapos i-release mo na. Pag pinatagal mo, masasaktan ka lang kapag pinapatagal.

-Tapos aalamin mo na kung tinamaan mo yung target o hindi. Para alam mo kung pano mag-adjust. Ito ay sa kadahilanang tayo lagi ang mag-aadjust.

-Kapag na gamit mo na ang set ng arrows mo, tuturuan ka nilang iretrieve ito at bunutin mula sa target area.




Remember nawento ko kanina na nag-avail ako ng Target sheet worth 40 petot? Well, noong unang try ko, nalimutan sa cashier area na iindicate eto sa papel hindi new target paper ang ginamit.

So ang nangyare, sinuwerte ako na magkaroon ng another set of 25 arrows.



Nakakakalma at nakakatanggal ng stress ang pagtry na mamana. Good experience!

Sa mga nagbabalaks ma-try itwu, heto ang ilan sa tips na medyo common pero okay na malaman mo.

-Mas konti ang tao kapag weekdays lalo na at kabubukas pa lang ng mall.

-Peak hours nila ay around 5pm kapag labasan na ng mga empleyads at natapos na ang school hours ng mga students.

-shemps, mas matao kapag weekends. Minsan puno yung 10 lanes.

-Be ready, kasi kinabukasan, medyo masakit ang kasukasuan ng kalahati ng katawan mo dahil sa paghawak ng bow.

O sya, hanggang dito na lang muna! Take care folks!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???