Kamusta na kayo mga madlang folks na napapadaan sa bloghouse na itwu?! Hopia ay oks naman kayo at gv pa naman kahit na nasa middays palang ng linggo.
Anyway highway, for today ay magshashare nanaman ako ng experience at ganap na ginawa ko ngayong naka-restday ako.
Kung matatandaan nio last week, nagwento ako ng indian pana kakana-kana kwents right? This time similar naman dun.
Aside sa archery, isa pa sa aking bucket bakit list ay ang ma-try na maghawak ng baril at matutong mag shooting. Nope, hindi shooting ng mga artista ang tinutukoy ko.
Sa peliks, anime at games kasi madalas na weaps ay baril so nakakamanghamazing ang mga characters na mahusay at magaling kumalabit (hindi ng pwit or ng asawa haaa) ng barils. Ayan sa baba ang mga sample hahahaha.
E last week, after kong mag-pana-pana, may kakilala ako na ex-officemate na nagpost sa FB na nagshooting range chuva sya, so ako ay nacurious at di nahiyang magtanong (kung may ritemed ba nito, may ritemed ba nito).
Nang malaman ko ang detalye, inilagay ko na sa aking kalendaryo na sa aking next restday ay gagawin ko ito.
So dumating nga ang Wednesday (yeah, loser ng slight ang restday ko) and after kong bumili sa megamall ng pamalit na jijicam ay nagbyahe na ako papuntang Cubao upang tunguhin ang place na sinabi sa akin.
So nakadating na ako sa place at nag-inquire sa guard reception kung asan yung jopisina ng shooting chenes-chenes. And he make sabi na punta sa basement ng building.
Tapos nagsabi na ako na newbie here ganyans tapos like kong ma-try mag shooting. So sinabi na sa akin kung how much ang bayarin chuchu. And then ni-lead na ako sa area.
Unang iniabot sa akin yung ear cover at clear shades saka iniwan yung kahon na naglalaman ng bala.
Then kuya instructor make ready na ng mga bagay-bagay like the target paper and the baril na gagamitins.
Tapos ay ichichika na ni koya ang mga alituntunin sa paghawak ng baril and stuff katulad ng:
1. Kailangang maging assumero ka na lahat ng baril ay loaded with bullets. Oo, kailangang mag-assume!
2. Never ever mo dapat itutok yung gun sa kahit na sino at kahit pababa ng paa or pataas sa langits. Di yan parang etits na tinututok mo kung saan hahahaha.
3. Ang fingeringer mo dapat ay nasa labas ng trigger. Oo, wag mong ipasok ang finger mo... don't finger!
4. Ang paglalagay ng bala ay isa-isa lang at wag pagsabay-sabayin katulad ng mga chikabebs mo!
5. Dapat ay tama lamang ang paghawak mo sa baril. Handle with care, parang puso nia.
6. Kailangang magsuot ng protekson. Wag darteh! Proteksyon sa mata using the clear shades at ear chuva. pero kung trip mo, sige, magsuot ka ng condom kahit di relate sa pamamaril.
7. Yung baril ay isang kasahan lungs. Wag kasa ng kasa, hindi po ito paangasan.
8. Kapag hindi pumutok, baka may bumara. Tanggalin ang magasin (hindi yung playboy na binabasa mo) tapos ikasa ang baril para malaglag bala ka (parang sa airport lungs).
9. Wag magmadali. Wag gigil sa pagpapaputok. Wag kang tira ng tira!
10. Enjoy mo lungs!
So during the instructions, syempre dinidigest ng braincells ko ang mga payo ni koya at nag-oobserve sa mga demo at nakikinig in all ears sa hanash at lesson.
Then nagtry na ako. Niload ang isang bala, kinasa, nag-aim, FUEGO!!!
Insert song nila Jessie, Ariana and Nicki (bang bang into the room, i know ya want it)
Then try ulit, pasak ng bala sa magasin, tapos aim, fire!
Medyo regal shocker yung alingawngaw ng putok ng baril lalo na at medyo nerbyoso ako kaka-kape. Pero inperview, unang shot ko pa lungs pasok sa circle (hindi quezon circle).
Syemps bilang ko din kung ilang bullets lang ang nasa budget ko kaya naman pakunti-kunti lang ang lagay sa bala. hahaha.
Pulis ako, walang gagalaw!
Aaaaaay!
after ng ilang trials and errors, ayon, meron naman akong tinaman na sakto sa gitna ng target paper. Achieve na achieve ang paggamit ng gun.
All in all, oks naman na experience for me ito. Medyo costly nga lang sya kung walk-in ka at di member kasi medyo mahalya ang fee.
Kung sa bala lang... murayta naman ito sa halagang 10 petot per bulletseeds.
10 petot lamang din yung target paper.
Then magbabayads ka ng 300 pesos para sa rental ng baril nila and another 300 petot para sa paggamit ng shooting range nila.
So all in all ang gastos ko to try this ay nasa baba:
Gun Rental- P300
Shooting Range Fee- P300
Bullets- P180 (18 pcs)
Target- P10
_____________________
Total: pakikalkaleytor na lungs hahahahaha. tamads lungs.
Well, magiging murayta naman ito kung sakaling member ka.
Membership fee ay P1200 for a year.
Kapag member ka, di ka na kailangang magbayad ng Shooting range fee at Gun Rental. Bullets lang ang babayarans mo.
Or kung may kakilala kang member, at isinama ka nia (as long as dalawa lang kayo, as sabi ni koya), yung gun rental at bullets na lang ang babayaran mo.
more detalye sa shooting range thingy... check the FB page na lungs.
O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!
Hmmmm bet ko yung mga hanash mo about Indian Pana Kakana-kana and Ang Baril ni Probinsyano he he . Ita-try ko din mga ito minsan kapag may oras na at budget ha ha ha. At naniniwala ako sa mga movie review eklavu mo ha na kapaga mababa ang score ratings mo ay di ko pinapanuod at kapag mataas naman ay surely nipapanuod ko he he . Congrats !
ReplyDeleteNice Nice...
ReplyDeleteThat seems like a lot of fun :)
ReplyDelete