Hello kamusta na kayo mga folks? Umpisa pa lang ng work-week ko at medyo i don't know, under the blue agad ang peg. hahaha.
Pero kahit na medyo wierd ang feeling, should look at the bright side dapat ang peg at laging thinking positive things lungs.
Anyway highway, para sa araw na ito, magrereview-reviewhan ako ng isang pelikula na ipinalabas lamang this week. Ito ay ang film ni Wolverine, na itago natin sa pangalang Logan.
Ang post na ito ay maglalaman ng detalye at ganap sa pelikula kaya naman kung hindi ka handa na makabasa ng spoilers, maaaring isara ang page na ito at mag-cross-stitch ka na lamang.
Pero kung may lahi ka ni Andres Bonifacio, atapang-a-tao...hindi atakbo.... then go!
Let's go!
Magsisimula ang peliks sa isang place somewhere kung saan bumoborlogs etong si Logan. Then, it seems na may mga folks na chinochopchop ang kanyang vehicle. Nakipag-usap sana ng maayos si Logan pero pampam ang mga folks at nanlaban... ayun, na-tokhang. Sinaksak-puso tulo ang dugo ang mga pampams.
So malalaman ng madlang viewers ng film na nag-age na si Logan, so parang Lolo Logan na sya. Tapos hindi na superb ang healing prowess nia. At siya ay nagtratrabaho bilang driver ng isang bonggels na car.... sorta-kinda-like-a-GrabDriver-Uber-Driver.
Then papakita pa ang eksena na nagwowork-work-work-work-work si Logan para makadelihensya ng 'bayang magiliw... medi-cine!' ni Oldie Professor X na binabantayan ng isa pang mutant na si Caliban (Kung napanood nio yung sa X-Men Apocalypse, andun sya).
Then may isang babae na nakikiusap na ihatid sila kasama ang kanyang kiddielet na babae sa isang place. Pero ayaw ni Logan kasi paubos na ang mga mutants sa timeline nila.
Pero noong time na nagbago ng isip si Logan, huli na. Na-deads na yung babaeng nakiki-usap pero nawawala ang kiddielet.
But... it turns out, naki-hitch sa carlaloo ni Logan yung bagets. And, it seems na may naghahabol sa bata.
Nagkaroon ng comprontasyon chever. Laban kung laban. Then malalaman na yung bagets ay isang 2nd generation mutant. It's like another motherfucker wolverine... pero babae. and may namesung na Laura.
Then makakatakas sila Logan, Laura at Charles mula sa humahabol sa bagets. Malalaman din nila ang history ng bata.
Ang nangyare pala ay may kumpanya na gumawa ng mga mutant kiddos ganyan ganyan chenelins na ginagawang human weaps achuchuchu. Pero one day, biglang naghalt at balak patayins ang mga kids. So itinakas ang mga bagets at nagkaroon ng kasunduan na mag-meet-up somewhere.
At kailangang dalhin (insert song ni Regine V. na Dadalhin here) si Laura sa place. Anong mangyayare sa kwento? Dito ko na ititigil ang pag-spoil kase you need to watch the film!
Score ng pelikula for me ay 9.3 (.3 para sa claws ni Wolvie).
Oks sa akin ang brutality ng film na ito. Noong una pa lang ng palabas kung saan tinusok ng claws ni wolvy yung ulo ng pampam guys... ay nako, solve na solve!
Astig din ang action scenes lalo na kung paano makipaglaban yung bagets na si Laura or X-23 (kung knows mo ng slight ang X-men universe).
Medyo ayoko lang yung kemekeme na spanish/latin language scene... I don't know, not a fan siguro at di ko bet... Siguro kung japanese or Korean or Thai language gamit nila, mas okay lols.
Wag kalimutan abangan ang End Credits scene! the best!
O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???