Hellow there! Kamusta na kayo mga ka-khanto? Nasa kalagitnaan na pala tayo ng buwan ng Marso! Ambilis ng panahon ano po?
Para sa araw na ito, aking iwewento ang aking adventure noong nakaraang buwan ng mga puso. Ito ay ang biyaheng Bicolandiya. Pero para di sobrang habadabadoo ang wento, ipoportion ko siya into 3 parts depende sa lugar na pinuntahan namin.
So tara na! (note: ang mga larawan ay kuha gamit ang Sony M4 Aqua nyelpon)
Feb. 11, Sabadabado, matapos ang aking shift sa trabaho ay gorabells na ako papunta sa terminal ng vengaBus na sasakyan papuntang Bicol.
Dahil wala akong masakyan na taxi at mahalya ang Grab, no choice ako kundi lakarin na lungs ang kahabaan ng Edsa para makarating sa Cubao area (nagsimula sa Robinsons Galleria).
After ng less than 1 hour walk (yaz, mabilis akong maglakad kahit i'm big), nakarating na ako sa terminal at doon hinintay ang makakasabay sa byahe na itatago ko na lang sa pangalang Eric at Jo.
Ang bus na sinakyan ay sleeper bus kung saan instead na upuan, ay mala kama ang hihigaan. Divided sa upper at lower part ang bus.
Grabehan, nalimutan kong magdala ng jacket kaya naman sobrang ginaw! Hinaluan pa ng panahon na malamig sa pinas din. Hindi ko masabing 'The cold never bothered me anyway'.
After ng roughly 8 hours na byahe, 5:30am (may stop over pero dahil tamads, di ako bumababa), nakarating kami sa Naga (yung name ng ex-jowa ni Dayanara Torres at beterinaryo sa okidokidok).
Sumakay kami ng trysikol at nagpahatid sa paradahan ng jeep na patungong port ng Pasacao. pagdating sa port, nagboat ride naman kami papuntang San Pascual (hindi kamag-anak nila Papa Piolo).
After ng mahabang 3 hours pabebe-wave ride, nakatapak na kami sa place ng South Boarder... Jay... Burias.
Tumambling lang kami sa tourism office at nagbayad ng anik-anik at mga inquiries at nagpalit ng damit pang-island-hop.
11am na ng pakapagstart na kaming sumakay ng napakalaking bangkang pang-island hop. Isang masakit sa pwet na bangka ride na umabot ng 1.5 hours bago namin narating ang unang island named Animasola.
Dito ay makikita ang mga rock formations na kamag-anakan ata ng kapurpurawan rock formation. Syempre, picture-picture ang peg.
1pm na at medyo gutom na kami (imagine, chichirya lang ang almuchow namin) kaya naman boat ride na kami sa next island kung saan andun yung lunch na order namin na paluto.
Pero teka, teka, teka, teka, teka... napakaalon ng dagat. At dahil malaki ang bangka namin, another 1.5 hours ang inabot bago lumapag sa next island!
But nooooo. Yung isla na pinuntahan namin ay hindi yung isla na may foods. Gravity! Dahil nagkakandaduling na sa kagutuman, byahe ulit ang malaking boat. 1 hour bago makadating sa Sombrero Island.
Dito ay kumuha na lang ng slight pics at naghantay na maluto ang food na pinaluto. Pusits at adobong manok. Talo-talo na at kailangan na malagyan ang tyan.
Makulimlim ang panahon at maalon. Nasa 4pm na at maaga ata lulubogs ang araw. Ayaw namin abutin ng syamsyam sa dagat at kinakabatutan kami kung kayang byumahe ng boat.
So.... gumawa kami ng paraans, naki-hitch kami sa isang mas may kayang boat na mabilis na pabalik ng San Pascual. Yung 1 hour na byahe ng malaking boat pabalik, kinaya ng less than 30 mins!
Then, nilakad namin papunta sa tutuluyan naming place. Di kami choosy so kahit di sya aircon (malamig naman ng mga panahon na yun) ay nag-stay na kami.
Feb. 12, Day 2, Maaga kami kasi pedeng i-continuation ang island hop na na-aberya. Yung islang di napuntahan/natambayan, pedeng balikans.
Kaya naman around 7:30am, sakay ulit kami ng boat at byahe dapat sa Dako Island. Pero dahil sa laki nanaman ng alon (or naghesitate yung bangkero kasi nashokot kami ng very light kung kaya nga ng boat ang waves, di na kami tumuloys).
Pagsapit ng 10am, back to San Pascual at pack-up na mga besh. Sasakay na kami ng boat pabalik ng Pasacao Port na located sa Camarines Sur. Pero delayed ang boat friends. So inabot na kami ng 2pm bago nakabyahe.
Grabe talaga mga besh ang kamehame wave ng dagats pabalik. More than 3 hours ang boat ride. Tapos sa alon, may trapal para di mabasa ang pasengers kaso masosoffocate ka sa amoy gasolina sa loob ng bangka.
Mamimili ka, maluha sa usok ng gasolina sa loob ng bangka tapos majinet jackson, or lalabas ka at magtotopload ng boat at may chances na mabasa ng tubig at maambunan.
Mga 5:30pm na ng makarating na kami sa Pasacao. Then jeep ulit pabalik ng Naga at magbubus na kami papuntang Legazpi (hindi Kier at hindi Zoren).
At dito ko muna puputulins ang wento ko.
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???