Okay para tapusin na ang travelventures ko last month, heto na ulit ako at tumitipa nanaman sa keyboard para iwento ang mga ganap.
Feb. 14, balentayms na balentayms ay maaga kaming gumising para bumiyahe ulits. Nag-empake lang ng damit na pang basa at gora na sa next destination... Sorsogon.
From Legazpi City ay nag-UV express kami papuntang Sorsogon City. Mga 1.5 hours din ang byahe kaya naman nagnenok pa ng konting borlogs while nasa byahe.
Pagdating sa Sorsogon City, sakay naman kami ng jengaJeep para naman sa another 1.5 hours na byahe papuntang Matnog. (2 hours kapag madaming hintuan ang ganap ng jeep).
Pagdating sa Matnog, dahil ma-kame-hame-wave at medyo windy, ayaw ng coast guard na pa-byahe ang mga boats.
So ang ginawa, nag-tricycle kami around the bundok paikot sa place kung saan malapit na sa beach na pupuntahan namin. Inabot ng mga 30 mins. din ang byahe ng trike.
Beach bum lang at swim-swim at kain ng paluto ng inihaw na liemps na binili sa market. Chumillax langs.
After 2.5 hours na pagtambay, dahil conscious kami sa travel time pabalik ng legazpi, ay byahe na ulit kami. Mahirap na walang masakyang byahe pabalik at ma-forfeit ang bayad sa plane.
Pero bago yan, picture muna sa nakita naming arko na nagsasabing palabas na kami ng Luzon.
Pero bago yan, picture muna sa nakita naming arko na nagsasabing palabas na kami ng Luzon.
So after ng another 3 hours na byahe pabalik ng Legazpi, pack-up na kami ng gamit at lipad na sa airport at nakauwi.
At dito na nagtatapos ang maikling wento ng byahe.
Hanggang dito na lamangs, TC!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???