Friday, July 9, 2010

Bender! Bender!



Di ko alam kung lumalaganap na ng copy ang palabas sa sinehan na "The Last Airbender". Sa pagkakaalam ko ay sa 21st pa ng July ito ilalabas sa pilipinas pero since inilabas na ito sa America ay marahil nakakuha na ng kopya ang mga pirata. Di ko alam kung totoo ang mga usap-usapan ng ibang tao tungkol sa details ng kuwento pero ayaw ko munang alamin dahil nais kong panoorin ito sa sinehan.

Sa palabas o sa cartoon series na ito, ipinakita ang kakayahan ng mga mortal o human na kumontrol ng elemento. May nilalang o rehiyon na kayang kumontrol ng apoy. May mga tribo na kayang imanipula ang lupa. Merong grupo na kayang gamitin ang tubig bilang depensa at opensa. At may lupon na may kayang gamitin ang hangin bilang armas at panlaban.

Kung makakamit ko ang kapangyarihan ng isang avatar o ang kakayanan na kontrolin ang apat na elemento, marami akong nais gawin.

1. Fire bend para sa pagsunog ng mga basura (kaso hazardous sa mother earth).
2.Air bend sa pagpapalipad sa sarili(kailangan malakas para mabuhat ako)
3. Water bend sa paggawa ng sarili kong swimming pool.
4. Earth bend para i-elevate ang lupa para di mabaha.
5. Fire bend sa pag-cremate(gawing negosyo ang powers)
6. Air bend sa pagpapatuyo ng labada.
7. Water bend sa pagpuksa ng sunog
8. Earth bend sa pagbaon at pagdemolish ng lumang building.

Pero kung hindi pede ang apat na elemento, pede nadin siguro ang pagpapa-bend ng mga girls. "Bend Over na!"

1 comment:

So.......Ansabeh???