Sunday, November 3, 2013

Novemberandom post


Hey! Wazzap folks! Kamusta naman ang inyong long weekend dahil sa undas plus weekend combo? Dumalaw ba kayo sa inyong mga namayapang fam members or kayo ang dinalaw? 

Ako? Umuwi me ng probinsya! Imagine??? Di ko inakala na uuwi ako sa probinsya namin kasi sa schedule ng work ko, bihira talaga magkaroon ng chance na mabibigyan ako ng magandang restday schedule.... 

Heniway, ang post na ito ay kinda random thing with a combo ng rants and stuff at anik-anik.

1. Bago umuwi ng probinsya, nanood pala me ng Thor! Lols, nagawa ko pang manood ng peliks bago mag-undas. Jampakan kasi ang bus terminal kaya naman nag-decide ako na byumahe ng Nov. 1 mismo.

2. Nakabili din pala me ng 4th book ng 'Diary ng Panget'. abangan ang review sa susunod na days.

3. Medyo mahirap din magbyahe ng may event like undas, medyo matao. Nung byumahe nga me, nasa dulong seat na ako, dun sa may pang 5 persons sa dulo, jumpseats.

4. Andami na din nagbago sa probinsya namin. may mga new establishments at yung mga dating mga lumang landmarks at palatandaan na nakikita ko sa daan, waley na.

5. Andaming tao pala na pumupuntang sementeryo sa probinsya, jampulan ang mga folks. 

6. Compared sa manila, medyo mas nakakagawian na yung tirik-tirik kandila sa bahay kapag gabi.

7. Mahiraps sa probinsya, walang signal ang mga telecoms, walang signal ang globe at sun... di makapag-wifi.

8. Anhirap ng 2 days na di makapag-online... Eeffort ka talaga kung di ka makakatiis kasi pupunta ka pa sa bayan mismo para makapag-net.

9. Yung feeling na para akong dayuhan sa sariling baranggay. Di ko na kilala yung mga tao dun sa probinsya. Yung mga familiar things noong kabataan ko, halos wala na. 

10. Yung nakakagulantang na news.... Yung inaanak ko sa binyag, aba, may anak na. Yung kamag-anak namin na dati 4 lang ang anak, aba 11 na pala ang junanaks! Maygas!

11. Last year, noong umalis kami sa dating bahay, yung collection ko ng one piece na mini figures ay pinadala ko sa probinsya kasi doon ko ididisplay..... ahuhuuhu, missing in action yung box na pinaglalagyan ng mga yun. Pucha, kinakabatutan ako sa inipon kong toys/collections.

12. Ang good thing naman sa pag-uwi ko sa probinsya, aba, pahinga mode ang katawan ko. Sariwang hangin tapos ang tulog, wagas..... 

13. Di lang yown, 3x a day pa ako nakakakain doon tapos may time makanood ng local shows (walang antenna dito sa tinutuluyan ko sa manila, puro dvd)

14. Ngapala, magiging zombie mode na muli ako by 2nd week ng november up to december kasi balik na ako sa night shift. Di ko man lang naramdaman ang midshift na mga 2pm or 3pm ng hapon ang pasok. 

15. Hanggang dito na lang muna, abangan ang review-review thingy ng Thor At Diary ng Panget 4! Promise!

3 comments:

  1. eh di ayos nighshift ka na din hehehe.

    pumasok pa ko ng nov 1 after magpunta ng sementeryo eh lol

    sayang ang collections mo

    ReplyDelete
  2. idol yung kamag-anak mo, seneryoso yung go to the world and multiply..hehe
    at least naka pahinga ka diba? pero idol talaga yung kamag-anak mo..LOL

    ReplyDelete
  3. sayang yung once piece action figures. sana makita pa siya :D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???