Thursday, May 19, 2016

X-Men: Apocalypse

Hola! Kamustasa na? It's been a while na nagkalaman ang bloghouse na ito. At sa palagay ko eto na ang tamang panahon para naman malagyan nanaman ng content etong balur na ito.

Sa pagkakataong ito, ang magiging lamang ng blog na ito ay isa nanamang review-reviewhan ng isang pelikulang kapapalabas lang sa pinilakang -tabing. Ito ay ang peliks ng mga mutants... ang X-Men: Apocalypse.

baaaabaaaalaaaaaa!!!!!

Ang post na ito ay maglalaman ng spoilers at kung ikaw ay ginagalis at nag-aamok at nagbebeastmode kung nakakabasa ng ganap sa pelikula na papanoorin mo pa lang, aba, wag mo na ituloy ang binabalak mo at baka mag laslas pulso ka o kaya magbitay ng sarili.


So.... Sure ka na talaga ha??? Walang atrasan! 


Okay, so ganito.

Noong unang panahon, hindi pa panahon ng hapon, wala pang kikay sabi ng nanay! Sa ancient egypt, may kultong ganap-ganapan. May isang powerful mutant ang sinasamba (hindi sinasayaw na samba ha). Siya ay wala pang pangalan pero para sa kaalaman na ng lahat, siya si Apocalypse (ang lolo ng lolo ng lolo ni Pooka na malaki ang lips chost). Si Apocalypse ay may apat na bantay na tinatawag na four horseman. 





May ceremonial achuchuchu na ganap para lumipat ang katawang lupa ni Apocalypse sa isang katawang lupa pero ito ay hinadlangan ng mga anti-apocalypse union anik-anik at nakulong si Apocalypse sa place na kinanta ni Charice Pempengks... PYRAMID♪♫

 Apocalypse

Makalipas ang kung anik-aniks, back to the most recent date, around 80's (tandaan kapanahunan ito nila ProfX)

Pinakita naman ng paisa-isa ang mga new breeds ng mutants. Ipnakita si Angel (hindi Locsin at Aquino) na nasa isang cage match kalaban si NightCrawler. Shinow din sa eksena ang newly mutated na si Scott aka Cyclops na dinala sa school ng mga mutants ni ProfX. Pinakits din si Mystique at some mutants.

Then back to Egypt, ang impaktitang jowaers ni ProfX na si Moira ay nag-iimbestiga ng anik-anik at natagpuan niya ang pyramiding scam ni Apocs. At dahil sa kanyang kapokpokan, nagkaroon ng capability at chance na mabuhay at mag reanimate mula sa eternal slumber pajama party etong si Apocalypse.

And so may kumanta ng ♪♫Alive...alive...alive forever more♪♫ dahil nga nabuhay muli etong si Apocalypse. At katulad ng nakagawian niya, nagrecruit siya ng kanyang PBB4. Ang apat-dapat-dapat-apat na kanyang servants.

Narecruit niya sila Storm, Angel, Psylocke at Magneto. At bumuo si Apocalypse ng #TeamDestroy. Basically may codename ang four horsemen ni Apocs at eto ang kanilang namesung. Storm (Famine), Magneto (War), Archangel (Death) at si Psylocke (Pestilence).


Storm

 Psylocke

 ArchAngel (hindi ARTangel)

 Magneto (evolveform ni Magnemite charot)

Sa powers ni ProfX, hindi na kinailangan pang gumamit ng Social Media apps at natagpuan niya ang kanyang BFF na si Magneto na nirecruit to be a horseman. Dito nagka-interes si Apocalypse sa powers ni Prof kaya naman kinidnap niya eto. At during the ganap, sumabog ang school.

 ProfX

At dito papasok ang cool mutant na si Flash Quicksilver. Dahil sa kanyang quickie, nailigtas niya ang buong mutants pwera sa kuyakoys at bro ni Cyclops na si Havoc. Tsktsktsk.

Ang masama pa nito, eeksena na isang kalaban na si Si Major Striker from the past film at dinakip sina Mystique, Quicksilver, Beast at Moira.

Buti na lang bida-bida sila Jean Grey, Cyclops at Nightcrawler at sumaklolo sila. May konting eksena kemerut at poof... enter sa eksena ang WeaponX na si Wolverine. Pero paasa lang siya kasi napadaan lang siya at nagcross lang ang landas nila ni Jean.

So ang ultimate ganap at balak ni Apocalypse ay total destruction at irerebuild ang world para sa mga survivors. Pero no no no way ang sigaw ni ProfX at humingi siya ng tulong sa kanyang estudyanteng si Jean para matunton sila.

At para mas may ganap at maging kapanapanabik daw, mag tratransfer ng katawang lupa si Apocalypse sa katawan ni Prof. So gagawin nanaman ang ritual ekek. 

Kaya eto na ang #TeamAura este #TeamDefend. Ito ay pangungunahan ni Mystique kasama si Jean Grey, Cyclops, Quicksilver at Beast.








At naglaban-laban-o-bawi-bawi get get aw ang mga mutants. Pak-pak-pak-pak ganern. Tapos para sa pantapos, may showdown between Apocalypse vs ProfX. E powerful si Apocs kaya naman tinap niya si Jean Grey para gumawa ng ganap at poof. Lumabas ang Phoenix Force ni Jean at natalo si Apocalypse.

At nagwagi ang kabutihan at ipinakita na ang X-men with the comicbook looks uniform.

And then ending. Tapos pakita sa huli ng film about sa dugo ni wolvy. End.

Score ng peliks? Bibigyan ko eto ng 9.

Pasado naman for me ang film. Satisfying for me ang mga kaganapan. Cool ang entrance ni Quicksilver. Ayos din naman ang mga fight scenes and di naman boring.

Pero kaya di nakakuha ng dagdag puntos ay...

-Medyo wird for me ang look ni Apocalypse. Medyo di ko bet ang costume and looks niya. 
-Oks naman ang four horsemen ni Apocs kaso medyo bitin ang powers nila.
-Parang konting ganap ni Psylocke, parang yung psychic knives lang ginamit niya during the fight. 
-Si Storm din, medyo kulang ng atack prowess. Lightning thingies lang. Sana parang sa arcade... Typhoon! Typhoon!
-Yung pagchange kay Angel to ArchAngel, sana medyo mas dark looking pa siya like sa animated series.
-Sana may ibang x-men characters pa ang napakita kahit saglit lang. Aside kasi kay Jubilee at the Blob, wala na akong ibang nakita.

Pero all in all, sulit naman na panoorin siya sa big screen!
O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???