Tuesday, July 11, 2017

Spider-man Homecoming

Hellow! July Na! Yan yung tawag kapag nagbinata na yung lalaki tapos dinala sa doctor para mabinyagan si junjun. charots. Yun yung artista na kumanta ng chuvachuchu. biro lang.

July na, isang buwan na ang nakakaraan simula ng pagpost ako ng movie review-reviewhan sa aking bloghouse. At ngayon, isa ulit na review ang eentrada sa aking blog.

Eto ay ang film ng US version nila Gagamboy at Gagambino saka Gagambala.

Spider-man Homecoming!



Warning.... Spoilers ahead.... kaya kung di mo like na makabasa ng may relate sa peliks na ito, paki-close mo na lang ang browser or back to FB at mag everwing ka na lang muna.

Kung napanood mo ang Spider-man Trilogy ni Tobey, at knows mo ang ganap sa pelikulang iyon... Well forget about it!


Kung napanood mo naman ang Spider-man ni Andrew at nahuhubels ka sa nangyari sa kanyang jowawits, forget about that too.


Dahil eto nanaman ang Spider-man pero nag-iba nanaman ang takbo ng kanyang buhay. At ito ay gagampanan ni Tom!

Hindi Sawyer ang apelyido

At hindi po Rodriguez

Holland po!

Buti naman at dehins na isinama ang history chuvaness ni Spiderboy kung saan ay tinikman siya ng isang radioactive spider. Ditch that shit... moveon na daw.

Bagkos, magsisimula muna ang lahat sa pagpapakita sa unang pag-eksena ni Spidey during the Civil War kung saan kinuha niya ang Shield ni Captain America at stuff.

Then ipapakita si Iron-man Tony Stark na kausap si Peter Parker at sinabihan siya ng common linya sa mga job applicants. Don't call us, we'll call you shiznez!

And so heto si Peter Parker in his teeny bopper school waiting na kunin ang kanyang serbisyo. He make asa na mapansin siya at mabigyan ng mission ganyan.

At shempre para maiba ang takbo ng wento sa nagdaang spiderfilm, dapat iba ang kalaban.

Sa umpisa ng film, makikita ang groupo ng guys na nakakuha ng alieenatic items mula sa laban na naganap sa Avengers Age of Ultron.

Dahil sa mga fuck up details, ginamit nila ang items to make some weapons thingy to make some money dahil they make benta it and use it sa kasamaans.


Back to Spiderboy, dahil dapat magkaroon ng saysay ang story niya, malalaman niya ang bagay tungkol sa weapons thingy.

At dahil doon, gagawa siya ng way para maging imbestigador at lutasin ang anik-anik na kanyang nalaman atsaka ibalanse ang kanyang pagiging student thing.

Tapos may kung anong ganap pa na nakakatamad iwento tapos tatalon na tayo sa bandang gitna to dulo ng wento.

Sa school activity ni Spider-man, merong Homecoming event chuva, at doon niya makaka-date ang kanyang long time crushie.

Pero dito niya malalaman ang katotohanan na yung kalaban ni Spider-man ay ang father ng kanyang crush.

Goodbye possible teenage sex dahil work work work ang gusto ni Spider-man at hinabol niya ang kalaban at sila ay nagsagupaan.

The end!

Spider-score? Siguro nasa 8.8. Keri lang pero may mga bagay na gusto ko lang ichika.

-Pampahatak ba sa audience na kasama si Tony Stark sa peliks. Yeah i know siya ang kumuha kay Spider-man pero parang medj nasasapawan ang stardom ni spidey.


-Cougarish ang dating ni Aunt May. Na most likely mukang bibig ng medj pervy folks na yun lang ang napansin sa film.


-Annoying character named Happy. Ka-ertha!


-Yung BFF ni Spidey na ewan.


Masasabi kong so-so lang ang peliks at keri na din. 

O sya, hanggang dito na lang muna. Take Care.

1 comment:

So.......Ansabeh???