Saturday, August 5, 2017

Pagbalik sa Korea Day2

Heto na ang pagpapatuloy ng lakad-ganap sa bansa nila Sandara..... Ang Korea.... woooow.... keeeeewllll, nyeaaaaaaaaaam!

June 26, 2017

Dahil pagoda wave lotion ay umorlogs ng wagas hanggang mga 11am.

Nag-almuchow ako saglit at bumili ng gimbap badubarap sa may 7-11 na tapat lang ng aming accom/hotel.

Afterwards, nag-get-ready na para lumarga. Originally ay dapat mag thetheme park kami kaso nagkatamaran kaya ang tinarget ay ang isang place na di ko napuntahan last time na nag-korea.

Dahil shokot maligaw sa pag MMRT at  pagnavigate within Seoul ay nagpasya nanaman na mag-taxikels nanaman kami. Sinabi na namin sa lobby ng hotel kung saan ang desti namin para sila na magtratranslate at magchichika sa taxidriver.. coz, language barrier...

Wala pang 15 minutes ay nakarating na kami sa paroroonan. Ang Teddy Bear Museum o kilala din sa tawag na Teseum (Kamag-anakan nila Calcium at Potassium).




Unang part ay ang Mirror maze chuchu na nakakahilong mangapa kung saan ka pupunta at saan dadaans. then sa end ng mirror maze ay mga mirror chuva effects chenelins.






Afterwards ay sa loob na ng Teddy Bear Museum na jampak ng mga teddy bear teddy bear.







Iba-ibang drama at peg ng mga teddy bear at different themes.









Mananawa ka sa dami ng teddy!

Matapos ang Tesum, back to Myeongdong na kami.

Kanya-kanyang gala na at freetime.

Dumaan ako sa Myeongdong Cathedral at it brings back memories ng una kong byahe sa Korea with friendships.





Since maulan ng araw na iyon, medyo tambay lang sa hotel at sa gabi nag-foodtrip sa myeongdongs.







At yun lamang ang ganap. Hanggang dito na lungs muna! Take Care!

I tenk yu!


1 comment:

So.......Ansabeh???