Elow! Day 2 ko pa lang sa work pero medyo awkward kasi medyo nasanay ako na di papasok ng manic monday. Pero, well, wala na akong magagawa. Change is constant.
Well, heniway, magwewento lang ako saglit na may kinalamans ng slight sa aking life. wakokokok. Maiba langs.
Kanina, right after shift, nagtangka me na bumili ng new shirt. So humonda me at diretso sa greenhills para bilan sana ang sarili ng shirts. Pero waley! Walang medyo naka-agaw ng aking pansin kaya naman naglibots-libots pa ako.
Pagkacheck ko sa 3rd floor ng GH, ayun, nadaan ako sa tindahan ng laruans. Ayun. Boom. Nakakita ako ng One Piece na laruan! Nanginig ang tuhod ko. Kinilig! Di mapakali. Nagdecide. Nag-isip ng maigi. Grabs. 30 minutes akong nakatayo at nag-aagam-agam kung bibili.
Pero matindi ang calling! Punyetakels! Ayun, bumigay ako at binili ko dins. hehehe. Di lang isa... kundi dalawang Box.
Ang una ay ang One Piece after 2 years na normal look. Ang presyo ng nabili ko ay 1.3k pero binawasan at ginawang 1.2k na langs (8 boxes na may 10 figures). Mura kasi hindi sya orig na bandai. Ang original price 600 petot per box (4.8k kung lahat ng characters ay bibilin ko).
Ang rate ko sa laruan (oo, may rating.... mini review-reviewhan din), 6. Ay naker. Anlayo ng looks ng peslak ng mga characters sa laruan. hahahaha. Waley! Well, ano bang magagawa ko, e hindi naman original.
Ang pangalawa ay chibi version ng One Piece. After 2 years din ang peg ng characters. Ang presyo ay 750 pero ginawangs 700 ng tindera. (10 boxes, 10 characters). Mura din kasi di origs. Di ko alam ang price nung orig
Ang rating naman dito sa 2nd toy ay 8.5! Nagulats ako kasi maayos ang pagkakagawa. Though hindi perfection like original bandai toys pero yung mukha ng mga characters, maayos. Matino. Ang sablay lang ng slight ay yung katawans ng mga characters at yung vibrance and saturation ng kulay ng damits.
Kahit olats dun sa pers box, solved ako sa 2nd kaya pwede na. hehehehe.
O cia, hanggang dito na lang muna, masyadong mahaba na ang post.
TC!
nice! good for you, haha nakakarelate din ako minsan na bilin yung isang bagay na tlgang hilig ko pero pilit kong pinipigilan sarili ko, pero nauuwe lahat sa cashier, hehehe
ReplyDelete:))
fairy tail ang kinalolokohan ko ngayon :D nagpabili pa ko sa tita ko sa Japan :D
ReplyDeletesana may sample sila no, pero keribels lang sabi mo cute naman. happy monday! :)
ReplyDeletehaha. at least meron kang laruan. :D
ReplyDeleteCool...I just reviewed the original Bandai Luffy from Ambitious Might Series. Go check it out.
ReplyDeleteone piece astig ah, fanatic ka tlga..
ReplyDeletegaling nman kainggit din di ko man lang na experience na ibili self ko ng ganyan.
self contentment na rin ginawa u pre!
ako gusto ko bleach huhuhu
ReplyDelete